Naka duty pa nga si James sa E.R at bukas pa ng umaga ang uwi nito. Nakita naman niya na naroroon pa si Stephanie kaya naman lumabas siya upang umorder ng kape sa coffee shop malapit lang naman iyon sa ospital.Pagbalik nga niya ay agad siyang lumapit sa abalang si Dra.Stepnahie Meneses..
"Ahm. Doc, Coffee?"-sabay lapag niya sa desk nito.
"Uy, Doc. James? Thank you"
"Akala ko nakauwi ka na?"-tsaka ito naupo sa tapat nito.
"Hmm..over time. Pero maya-maya uuwi na rin ako, ikaw ba?"
"Bukas pa..sino palang susundo sa'yo?"
"Boyfriend ko"
Nagulat naman si james dahil may boyfriend na pala ito.
"B-boyfriend? M-may boyfriend ka na pala? Mukhang hindi alam ito ng kuya julius mo ah?"
"HAHAHAHAHA joke lang doc.. Si daddy talaga susundo sa'kin."
"Ahh. Akala ko meron talaga eh"
"Wala ah. Thank you ulit sa kape ah?"
"You're welcome doc. Ahm nga pala may lakad ka ba bukas? Sa hapon?"
"Hapon? Hmm..parang wala naman doc. Bakit pala?"
"Ahmmm. Ano kasi..wala lang gusto ko lang na makasama ka. Tsaka okay din 'yun relax relax naman..kain tayo sa labas tapos nood sine. Kung gusto mo lang"
"Inaaya mo ako ng date, doc?"-masayang tanong nito.
Ngumiti naman si james at tumango,
"Yes, friendly date"-tugon ni james ng unti-unting nawala ang mga ngiti sa mga labi ni stephanie.
"Ah.. sure, sige.."-pagpayag nito.
"Okay, sunduin na lang kita bukas"
"S-sige"
Tsaka tumayo na si james at nag asikaso na ng mga pasyente.
Naka tingin naman si Stephanie sa kapeng ibinigay sa kaniya ni james.
"Nag-aaya ng date tapos may pa kape pa. Ngayon lang n'ya ginawa sa akin 'to ah..ayokong mag-assume pero gusto na rin kaya ako ni doc.james?"-wika nito sa sarili at sinulyapan si james.
"Ang gwapo mo talaga, sayang lang kasi sinaktan ka lang."-tsaka nito hinigop ang kape.
------
"Naitext mo na ba ang parents mo roselle?"-tanong ni nathalie.
"Ah..opo, ate kanina pa. Thank you ngapo pala ulit sa pagpapatuloy sa akin dito sa bahay n'yo"
"Wala 'yun, pasensya ka na ah. Maliit lang kwarto ko eh. Pero p'wede ka naman matulog sa isang kwarto. Sa ate ko 'yun"
"Hindi na po ate nathalie. Dito na lang po ako sa tabi mo. Tsaka first time ko pong may makakatabi sa kama eh. Salamat din po sa clothes buti kasya sa akin hehe"
"Oo nga e, Sige. ikaw bahala. Pero baka masikipan ka. Alam ko sobrang laki ng kama mo kahit hindi ko pa nakikita"
"Opo, malaki nga.. Hindi naman masarap matulog kasi hindi masaya sa bahay na 'yun. Mas okay pa nga dito eh. Kahit maliit masaya po. Nasaan po pala ang ate mo?"
"Nasa bahay ng fiance n'ya, do'n na nakatira."
"Ah.. siya po 'yun 'di ba?"-sabay turo nito ng litrato nilang dalawa ni yumi.
"Oo, s'ya ang ate nayumi ko.."
"Sana all po may ate..alam mo po pangarap kong magkaroon ng ate eh. Kaya nga parang gusto ko pong makilala 'yung sinasabi ni mommy na anak ni daddy sa labas"
"Hindi ka galit sa anak ng daddy mo?"
"Hindi po..tsaka problema nila 'yon. Labas na kami do'n kung sino man 'yung ate ko. Sabi kasi ni mommy nagtaksil si daddy, 'yung kasambahay daw nila naging mistress ni daddy at nabuntis daw po n'ya 'to."
Napalunok naman si nathalie sa sarili niyang laway at mas lumakas ang kutob niya ngayon na baka kapatid nga niya sa ama si roselle.
Dahil kasambahay din ang mama niya at nabuntis ito ng amo niya.
"Ano pang alam mo roselle?"
"About po sa girl ni daddy before?"
"Yes, ano pa? Kilala ba ng daddy mo 'yung anak n'ya sa dating mistress n'ya?"
"Parang hindi po, si mommy lang nakaka alam kasi nakita daw po n'ya mismo sa ospital. Doon daw nanganak 'yung girl. At babae daw po ang anak ni daddy sa babaeng 'yon."
Kumpirmado nga, Si roselle nga ang kapatid niya sa ama.
Nag-unahan sa pag-agos ang kaniyang mga luha at walang sali-salitang niyakap niya ng mahigpit si roselle.
"Ate, Bakit po?"-tanong ni roselle ng bumitaw na si nathalie sa pagkakayakap. "Bakit mo 'ko niyakap at bakit ka naiyak?"
"Ah..wala 'to roselle, nadala lang ako sa kwento mo. Mahirap kasi 'yan.. 'yung nagloko 'yung parent mo tapos 'yun 'yung lagi nilang pinag aawayan. Naaawa tuloy ako sa'yo kasi ikaw 'yung naaapektuhan..Kasalanan ng magulang natin pero tayo 'yung mas nahihirapan"
"Oo nga po eh, buti na lang po 'yung parents mo mababait at halatang mahal nila ang isa't-isa. Nakaka inggit po talaga ate"
"Wag ka ng mainggit. Isipin mo na lang na ate mo 'ko"
"Talaga po? P'wede kitang ituring na ate ko?"
"Oo naman, ilang taon ka na nga pala?"
"16 pa lang ako ate nathalie"
"You can call me ate natz. 'yan kasi tawag sa akin eh. Nahahabaan sila sa name ko"
"Oo nga po eh, mahaba nga hehe. Sige po ate natz. Salamat po ulit ah"
"Walang anuman, roselle. Sige na matulog na tayo. Good night"
"Good night my ate natz. I love you hehe"
"Sarap naman pakinggan na may tumatawag sa aking ate. Kasi ako 'yung tumatawag ng ate sa ate ko eh hehe"
"Ang sarap po pala ng may ate"-tugon nito at yumakap kay nathalie habang pareho na silang naka higa.
------
Nakatulog na nga si roselle kaya naman lumabas si nathalie para tawagan si liezel.
"Hello, anak? Napatawag ka? May problema ka ba?"
"I think mama, meron nga"
"Ha? Ano 'yun?!"
"Kapatid ko po yata si roselle mama!"
"Ha? Sinong roselle?"
"Nakita ko s'ya kanina sa daan eh. Umiiyak s'ya tapos sabi n'ya naglayas s'ya. Kasi lagi nalang nag-aaway parents n'ya. Kaya nandito muna s'ya sa'min..dahil ayaw n'yang umuwe. Nagkwento s'ya about her parents at 'yun nga sinabi n'ya na mayor ang daddy n'ya at may mistress ito noon kasambahay daw. At nabuntis niya ito at nalaman ng mommy n'ya sa ospital. Kaparehong kapareho sa kwento mo mama. Maari kayang magkapatid kami?"
"Nasabi ba n'ya pangalan ng ama n'ya?"
"Hindi po eh, ano po bang pangalan ng tunay kong ama?"
"Gilbert Roxas"
"Okay po, pag gising po n'ya itatanong ko po bukas. Pero kung magkapatid nga po kami hindi na rin po ako magpapakilala sa kanila. Mas okay ng hindi nila alam. Halos masira na nga ang pamilya nila eh. Lalo pa kapag nalaman n'yang ako ang ate n'ya na ako ang anak sa labas ng daddy n'ya"
"Sigurado ka ba anak? Ayaw mo manlang makilala ang tatay mo?"
"Pwede ko naman po s'yang makilala pero hindi na ako magpapakilala sa kan'ya. Tutal matagal na rin naman 'yon, kuntento na ako sa kinalakihan kong ama at okay na din kasi nakilala naman na po kita"
"Ikaw bahala anak, tsaka tama ka..okay na rin na hindi ka nila makilala. Baka kung ano pang gawin sa'yo ni precilla"
"Oo nga po eh, sige po. Good night na po. I love you, ma"
"I love you, too..anak"
Itutuloy...
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...