Chapter 122

69 2 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 11

Umuwi nga si francis na masama ang loob, at ramdam iyon ng mga kasama niya sa bahay.

"Ano'ng nangyari do'n? Parang may problema?"-tanong ni nida kay michelle dahil hindi manlang sila nito pinansin ng batiin nila ito.

Nagkibit balikat lamang si michelle at dumiretso na sa silid ni Diana..

"Nida, Si francis ba 'yung dumating?"-tanong nga ni franco ng makasalubong niya si nida sa sala.

"Ah, yes po.."

"Nasaan siya?"

"N-nasa kwarto po"

"Bakit ang bilis yata? Ang sabi n'ya may lakad sila ni nathalie."

"Baka hindi po natuloy? Mukhang badtrip nga po eh. Binati namin ni michelle hindi po kami pinansin. Dire-diretso po ng lakad"

"Ah.. sige, salamat. Kausapin ko na lang"

"Sige po"

Nagtungo nga si franco sa silid ng kaniyang kapatid at agad na kumatok sa pinto nito.

"Francis, p'wede ba 'kong pumasok?"

Agad namang bumukas ang pinto kaya pumasok na si franco.

"May problema ba? Akala ko may lakad kayo ni natz?"

"Hindi kami natuloy kuya.."

"Bakit?"

"Kuya, ano'ng mararamdaman mo kapag 'yung babaeng mahal mo natuklasan mo na may inililihim pala sa'yo? Na yung akala mo kilalang-kilala mo na s'ya pero hindi pa rin pala"

Naupo naman si franco sa dulo ng kama  habang nanatiling namang naka tayo si francis.

"Bakit? Ano'ng lihim ni natz ang natuklasan mo?"

"May gusto siya kay james kuya! At hindi n'ya 'yun sinabi sa'kin.. lahat ng sikreto ko. Lahat ng nakaraan ko. Sinabi ko lahat sa kaniya. Pero s'ya may lihim pala s'ya na hindi sa'kin sinasabi. Ang sakit kuya na sa diary ko pa n'ya malalaman."

"Wow! Wow!"-sabay tayo ni franco at pumapalakpak pa. "Si james nanaman? Nung una ako ang nagseselos sa kaniya. Tapos ngayon ikaw naman? Grabe itong bunso nating kapatid. Napaka pogi talaga eh"

"Kuya naman.."

"May dahilan si natz kaya hindi na n'ya 'yun sinabi. Kagaya ni yumi, hindi naman din n'ya na kwento about sa kanila ni james noon eh. Ako lang din naka tuklas kaya nakwento na n'ya.. Kasi alam nila na masasaktan tayo kahit past na lang 'yun."

"Kahit na kuya, dapat sinabi pa rin n'ya sa'kin. Tsaka tinanggihan n'ya 'ko. Sabi kasi n'ya mahal n'ya 'ko. Pero nung inaya ko s'yang pakasalan n'ya 'ko, tumanggi s'ya. Paano n'ya nasabing mahal n'ya 'ko?"

"Tol naman!"-sabay hawak niya sa balikat ni francis. "Hindi porket tumanggi siyang magpakasal sa'yo hindi ka na n'ya mahal. Binigla mo naman eh. Kami din ni yumi muntik ng maghiwalay dahil sa selos na 'yan. Nagselos kasi siya kay celine noon.Muntik na nga n'ya akong iwan. Nasampal pa nga n'ya ako eh. Pero pinag-usapan namin 'yung problema.. Nag sorry siya sa'kin at nag sorry din ako sa kaniya. Kung papairalin natin ang selos wala talagang magandang idudulot 'yan. Danas ko na 'yan eh. Magkapatid nga talaga tayo. Pareho tayong seloso 'no?"

"At pareho din tayong pogi hehe"-sabay ngiti nito.

"Pero mas pogi 'yung bunso"-tugon naman ni franco.

"Oo na kuya"

"Basta ha. Ayusin n'yo 'to ni natz. Ang tampuhan hindi pinapatagal 'yan. Alam mo kung ano ang pinapatagal?"

"Ano kuya?"

"Yung kiss hehe"

"Sira! Ikaw talaga kuya!"-natatawang sambit ni francis.

"Pero kinilig ka naman? Mahal na mahal ka no'n ni natz. Kaya 'wag ka ng magtampo d'yan at masaktan pa."

"Mahal na mahal ko din 'yun kuya, sobra.."

"Kaya nga pala kita pinuntahan kasi magpapasama sana ako sa'yo eh"

"Saan kuya?"

Bumulong naman si franco sa kaniya.

"Talaga kuya? Naks naman"

"Oo naman, tsaka pangarap ni yumi na magkaroon ng sariling restaurant eh. Sayang din kasi 'yung restaurant na 'yon eh. Kaya ako na ang bibili. Gusto kong tuparin ang pangarap ng asawa ko. Habang nag-aaral siya, may sarili na siyang restaurant. Kaya lang secret lang natin 'yun ah. Ipapa ayos ko pa din kasi 'yon. Yun na ang regalo ko sa kaniya sa wedding anniversary namin"

"Kinikilig naman ako kuya, mahal na mahal mo talaga siya"

"Tama ka.. at gagawin ko lahat para sa ikakasaya n'ya.. tsaka sila tita hindi na sa carinderia magtitinda ng ulam kun'di sa restaurant na sila magluluto. Kaya kapag mag-asawa na kayo ni natz. Dito pa rin kayo ah. Mas masarap 'yung sama-sama.."

"Oo naman kuya, walang iwanan 'no"

kaya pala ako nasaktan noon at iniwan kasi may babaeng mas karapat dapat para sa akin. Yung babaeng kayang tanggapin ang nakaraan mo..kaya maswerte tayo kasi nakatagpo tayo ng babaeng gano'n. Kaya ikaw, 'wag mo ng pakawalan si nathalie. Ayusin n'yo na agad 'yang tampuhan na 'yan. Bago pa 'yan lumala at mauwi sa hiwalayan"

"Oo kuya, aayusin ko agad 'to, salamat. Hindi ko hahayaan na maghiwalay kami 'no! Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa buhay ko. Dahil sa kaniya nagbago ako eh. Hindi na ako 'yung francis noon"

"Yung francis na lasenggero hehe. Yung francis na laging laman ng bar HAHAHAHAHA. Laman ng hotel. Grabe ka tsong!"-ani franco.

"Hinding-hindi na mauulit 'yon, kuya.."

"Dapat lang naman 'no.. So, tara na? Kausapin na natin 'yung may ari ng restaurant. At ipangako mo sa'kin na hindi mo sasabihin kay yumi 'to ah? Secret lang natin 'to"

"Oo namam kuya, maaasahan mo 'ko d'yan. Grabe ang sarap mong magmahal"

"Ikaw talaga hehe"

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now