Nagtataka nga sa eriz at jovan kung bakit tinipon ni franco ang tatlong babae sa bahay na sila michelle, irah at nida.
"Kuya jovan, ano'ng meron? Bakit nasugod yatang umuwi si kuya franco? At bakit tinipon tipon n'ya sila nida? Pati si francis?"-pag-uusisa ni eriz.
"Hindi ko din alam eh."
"Tara kaya? Maki tsismis?"
"Loko! Dito lang tayo"
-------
"Kuya? Para saan ba 'to? At nagsama-sama tayo?"-tanong nga ni francis pagkatapos silang tipunin ni franco sa living room.
"May kaylangan kang malaman francis, at may kaylangan tayong malaman kung sino nga ba ang spy"-tugon ni franco. Sabay tingin isa-isa kila irah.
"A-ano? Hindi ko ma gets kuya"
"Francis, si mommy matagal ng nakabalik dito sa pilipinas at isa kila michelle, irah at nida ang nakaka alam no'n"
"A-ano?! Si mommy? Nandito? Bakit hindi s'ya nagpapakita kung nandito talaga s'ya?"-naguguluhang tanong ni francis. "Tsaka paanong isa kila nida ang spy?"
"Sir, wala po akong alam d'yan"-tugon ng ni nida maging si irah.
Pero si michelle nanatiling naka yuko.
"Michelle? Ikaw ba?"-tanong nga ni franco kaya nagtinginan sila dito.
Nag-angat nga ng mukha si michelle at luhaan ang mga mata nito.
"S-sir..sorry po..sorry po talaga"-tsaka nga ito humagulgol ng iyak. "Patawad po, patawad po sa inyo ni sir francis. Ngayong alam n'yo na po, wala ng rason para mag stay ako dito. Tatanggapin ko po 'yung galit n'yo. Kasi mali naman po talaga ako e, tsaka tatanggapin ko po kahit ano'ng parusa"-saad nga ni michelle habang patuloy ito sa pag-iyak.
"Ahm, irah at michelle..iwan n'yo muna kami"
"Okay, sir"-tugon nga ng dalawa tsaka umalis na ang mga ito.
Tatlo na nga lang silang naiwan nila francis.
"Hindi ako galit at lalong hindi kita parurusahan michelle. Pero gusto kong malaman kung paano kayo nagkita o nagkakilala ni mommy"
Tahimik lang naman si francis habang nakikinig.
"Nagkita po kami ng mommy n'yo sa bus station po"
"Paupuin mo kuya, baka mangawit mukhang mahaba habang explanation 'to"-ani nga ni francis kaya inalalayan ni franco si michelle sa pag-upo sa sofa.
Naupo nga din silang dalawa ni francis at muling itinuloy ni michelle ang pagkukwento.
"Ilang beses na po kasi akong nag a-apply pero hindi po ako natatanggap kasi high school graduate lang po ako. Tapos ayun nga po kausap ko no'n 'yung pinsan ko sa cellphone at sinabi ko na hindi nanaman ako natanggap sa trabaho kaya babalik na lang ako sa'min. Hindi ko po alam na narinig po pala ng mommy n'yo 'yun. Kinausap po n'ya ako kung gusto ko daw po bang mag yaya. Tapos tinanong ko po kung saan kasi wala din naman po akong experience sa pag yayaya eh. Pero nung sinabi po n'ya na kay franco dela vega pumayag po ako agad sa kagustuhan ko rin po na makita ka ng personal kasi idol po kita eh."
"Paano n'ya nalaman na hiring kami no'n?"
"Sa kaybigan daw po n'ya, hindi ko po alam kung sinong kaybigan 'yun. Sinamahan pa nga po n'ya 'ko dito eh. Naaalala n'yo po nung in-interview n'yo 'ko 'di ba po tinanong n'yo ko kung sino nagpasok sa'kin? Sabi ko po kaybigan ng pamilya n'yo"
"Oo, naaalala ko nga 'yun"
"Iyon po kasi 'yung sabi n'ya sa'kin eh. Kaya 'yun po 'yung sinabi ko sa'yo. Pero tinawagan n'ya po ako at makipag kita daw po ako sa kaniya dahil may sasabihin s'ya. Doon nga po n'ya inamin sa akin na s'ya daw po ang mommy n'yo ni sir francis. At sinabi din po niya na magrereport ako sa kaniya ng mga nangyayari sa inyo dito sa bahay. Hindi na po ako nagtanong kung bakit ko kaylangang gawin 'yun basta pumayag na lang po ako. Hindi ko na po inusisa kung bakit hindi siya umuuwi dito gayong s'ya po ang mommy n'yo. Kaya sir franco, sir francis. Sorry po talaga. Pero promise po.. hindi ko naman po nirereport lahat sa kaniya eh..lalo na po kung hindi naman s'ya nagtatanong. Pero 'yung about po kay yumi madami po s'yang tinanong kaya sinagot ko po lahat ng alam ko. Sabi pa nga po n'ya masaya daw po s'ya para sa inyo dahil naka tagpo na daw kayo ng mga babaeng mamahalin kayo."
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...