"Mommy? Aalis ka? Sa'n ka po pupunta?"-tanong ng bata sa ina-inahan nito ng makita niyang naglalagay ito ng damit sa bag.
"Ahm.. oo anak e"
"Saan ka po pupunta?"
"Uuwi ako sa bahay e"
"Bahay po? 'di ba po ito ang bahay natin?"
"Ah.oo pala baby, ang ibig kong sabihin bahay nila nanay at tatay"
"Kila lolo at lola ko po? Uuwi ka po sa kanila? Sama naman po ako,mommy.please po"
Ngunit biglang dumating si franco,
"Sige anak,sumama ka sa mommy mo pauwi kila lola mo"
Nanlaki ang mga matang itinigil ni nayumi ang ginagawa at agad niyang hinila palabas ng kwarto ang amo.
Tinanaw pa niya ang batang naiwan sa loob,
"Sir! Ano ba?! Seryoso ka talaga?! Ipapasama mo sa'kin si Diana? Eh, hindi nga alam nila nanay at tatay na nagpapaggap akong mommy ni diana eh"
"Hindi mo pa pala nasabi sa kanila?"
"S'yempre hindi po, tsaka ayoko po. Magagalit si nanay sa'kin lalo na si tatay lalo na't s'ya ang dahilan kung bakit ako pumayag sa gusto mo. Kaya please,sir..pigilan mo 'yung bata"
"Hindi mo ba s'ya mapagbibigyan?"
"Paano nga po?! Hindi nga po nila alam eh, ang alam nila cook lang ako dito tapos sasabihin kong nagpapanggap akong mommy ni diana? Sir naman!"
"I'm sorry, naawa lang ako sa bata."
"Mommy,daddy..hindi po ba talaga p'wede?"-lumabas na rin pala ito mula sa kwarto.
Lumapit naman si nayumi at lumuhod ito sa harapan ng bata.
"Next time na lang baby ha..kasi may ubo't sipon sila nanay at tatay eh. Ayoko naman na mahawa ka sa kanila. Pero promise ko kapag magaling na sila ililibot kita do'n. Okay ba?"
"Sige po"-malungkot na tugon ni diana tsaka ito sumulyap sa kaniyang ama.
"Pasensya na talaga baby. Sana maintindihan mo"-dagdag ni nayumi.
"Okay lang po"-tsaka ito bumalik sa kwarto at nahiga sa kama.
Tumayo si Nayumi at muling humarap kay franco.
"Sir naman kasi. Umasa tuloy s'ya."
"Sige na, ituloy mo na ang pag-aayos sa mga dadalhin mo, ako ng bahala kay diana."
Sandaling naging tahimik si nayumi tsaka ito bumalik sa kwarto at tinabihan si diana sa kama.
"Baby, galit ka ba kay mommy? Sorry na anak."
"Hindi po.."-tugon nito.
"Gusto mo ba talagang sumama?"
Agad naman itong bumangon at humarap kay nayumi.
"P'wede na po?"
"Oo, hindi kita matiis eh"
"Talaga mommy?! Yehey! Daddy!! Pumayag na si mommy na sumama ako kila lola!"-sigaw nito kahit nasa pinto lang naman ang ama.
"Sure ka ba,hon?"-tanong ni franco sa dalaga kaya napa nganga ito.
"Hon?"-salubong ang kilay na tanong ni nayumi.
"Sige na sweetie bibihisan ka na ng mommy mo,at sasama tayo sakanya"
"T-teka? Pati ikaw sir?"
"Yes"-tugon ni franco.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...