Madaling araw na nga ng makabalik sila sa maynila.
Kaya pinagpa bukas na lang nila ang pagpunta sa bahay nila nayumi para ipaalam ang kanilang relasyon ni franco.
Gaya noong una ay maraming kapitbahay ang naka tanaw sa kanila ng makarating sila sa kanila.
Ang unang sumalubong ulit sa kanila ay si Nathalie,
"Hello,po..kuya bayaw"-pagbati ni nathalie kay franco na ikinangiti nito.
"Pasok po kayo"
"Oh, mga pasalubong"-sabay abot ni yumi sa kapatid ng mga pasalubong.
"Ang dami naman nito ate. Pang isang buwan namin 'to ah"
"Ayaw mo 'yun..may isang buwan kang lalantakan"-natatawang tugon ni yumi. "Si nanay?"
"Ayon, hindi nga nagbukas ng carinderia dahil alam n'yang dadating kayo. Naku ate. Ihanda mo na 'yang pwet mo naku...palo ka ngayon"
Napkagat labi naman si yumi maging si franco ay kinabahan.
"Ang lamig ng kamay mo love ah"-saad ni yumi ng hawakan niya ang kamay nito.
"Medyo kinakabahan ako kay tita"-tugon nito.
"Oks lang 'yan kuya bayaw hehe..kapag nagalit si ina..pasok sa kanan labas sa kaliwa. Konting sermon lang naman aabutin n'yo hehe"-sabay bukas nito ng pinto at tanaw nga agad sila ng mag-asawa.
Kapwa nakatingin ang mga ito sa kanila,
Mabilis ngang pumasok si franco para makapag mano sa mag-asawa.
"M-magandang umaga po"-sabay abot niya ng mga kamay nito para magmano.
Tumango naman ang ama ni yumi habang naka ngiti ito kaya nabawasan ang kaba ng dalawa hanggang sa pareho silang mabaling sa ina ni yumi na seryoso ang mukha kaya nagkatinginan pa silang dalawa bago muling bumaling ng tingin sa seryosong ginang.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko."-saad ni nathalie at ibinaba ang mga pasalubong sa lamesa.
"N-nay? Okay ka lang?"-tanong ni yumi.
"Halika, mag-usap tayo!"
"P-patay.. O-opo 'nay"
Tumalikod nga si sandra at sumunod naman si yumi patungo sa likuran.
"Tuwing uuwi ka na lang ba may ganito kang sorpresa, yumi?"
"Na surprise ka 'nay? Surpriseeeee!!"-pagbibiro nito para alisin ang takot na nararamdaman sa ina.
"Nung una sabi mo nagpapangap kang mommy nung anak ni sir franco, tapos ngayon girl friend ka na n'ya? Ano'ng naisip mo at pumatol ka sa mas matanda sa'yo at sa may anak at lalong lalo na sa boss mo pa!"
"Nay"-tanging nai-usal ni yumi at akmang hahawakan ang ina pero agad nitong iniiwas ang braso.
"S-sorry po..sorry kung lagi ko nalang kayong binibigyan ng sakit ng ulo. Sorry talaga 'nay. Pero mahal ko po si franco, mahal po namin ang isa't-isa. Wag ka na pong magalit please"-sabay luhod ni yumi sa harap ng ina.
"Tumayo ka nga!"
Tumayo naman ito at muling nagmakaawa,
"Payagan mo na po kami 'nay.. please naman po oh..'wag ka na pong magalit. Kung nag-aalala po kayo sa'kin, okay lang po ako. Alam ko pong hindi n'ya ako sasaktan dahil mahal n'ya 'ko. Tsaka 'di ba po? Age doesn't matter naman? Hindi naman po halatang 34 na s'ya eh. Tsaka wala pong kaso sa'kin kung may anak na s'ya, pamangkin ko naman po si diana at parang anak ko na po 'yun"
"Ewan ko sa'yo, yumi! Ikaw lang ang iniisip ko! Paano kung bumalik si celine sa buhay ng mag-ama? Pano ka ha?!"
"Nangako po sa'kin si franco na hindi n'ya po hahayaan na mangyari 'yon..matagal na po silang iniwan ni celine at hindi na po babalik 'yun"
"Hindi ka nakakasiguro d'yan! May anak sila! Kaya kahit anong oras p'wedeng bumalik si celine sa mag-ama!"
"Bumalik man po s'ya hindi naman po 'yun magiging hadlang sa relasyon namin ni franco"
"Paanong hindi? Sige nga?! Si celine ang tunay na ina ng anak n'ya..at si celine ang una n'yang minahal"
"Pero ako na po 'yung mahal n'ya ngayon.."
"Ewan ko sa'yo yumi! Sana hindi dumating ang panahon na pagsisisihan mo itong pinasok mo. At sana hindi ka masaktan"
Natahimik si yumi dahil alam niyang may punto ang kaniyang ina.
"Pero matanda ka na, alam mo na ang tama at mali. Ano pa bang magagawa ko? Boyfriend mo na..at kahit hindi ako pumayag sa relasyon n'yo alam kong ipaglalaban mo pa rin s'ya..kaya sige, kung ito ang magpapasaya sa'yo..susuportahan na lang kita. Tsaka panahon na rin para sarili mo naman ang intindihin mo"
Maluha-luhang niyakap ni yumi ang kaniyang ina,
"Salamat 'nay..salamat po talaga..kaya mahal na mahal ko po kayo eh"
"Mahal na mahal din kita, pero kapag sinaktan ka n'ya uwi agad dito sa bahay ha?!"
"Opo 'nay, pangako po"-sabay taas nito ng kaniyang kanang kamay.
"Pero bakit ang bilis? Siguro binigay mo na sarili mo sakan'ya 'no?!"
"Hmm..medyo po 'nay"
"Ano?!! Ano'ng medyo?! G*ga ka!"
"Medyo lang naman 'nay..50/50 kumbaga"
"Umayos kang bata ka! Tandaan mo hindi pa kayo mag-asawa para gawin n'yo ang ginagawa ng mag-asawa"
Napaiwas naman ng tingin si yumi kay sandra dahil muntikan na ngang mawala ang kaniyang pagka birhen. Mabuti na lang talaga ay hindi iyon tuluyang nawala.
"Ah..opo, nay! Promise hindi po..tsaka hindi naman po kami magkasama sa iisang kwarto eh, kay diana po ako natutulog"
"Siguraduhin mo lang yumi! Dahil kapag nabuntis ka ng hindi pa kayo kasal malilintikan ka talaga sa'kin"
"Opo, promise po..tara na po do'n, balik na po tayo sa loob"
"Paano na ngayon 'yan? Cook ka parin ba sa kanila?"
"Oo naman po, at tuloy pa rin po ang pangarap kong makabalik sa pag-aaral. Hindi po muna ngayong taon, next year na po para makapag ipon pa po ako"
"Tama 'yan anak, dahil kahit boyfriend mo na 'yang boss mo hindi magandang umasa ka sakan'ya lalo na pagdating sa pera"
"Opo, 'nay.."
Okay na nga kay sandra ang relasyon ng dalawa kaya naman ikinatuwa ito ng magkasintahan.
At kahit Girl friend na ni franco si yumi ay nililigawan pa rin niya ito,
Hindi lumilipas ang araw na wala itong ibinibigay kay yumi.
Madalas nba din niya itong bigyan ng paborito nitong bulaklak na tulips.
"Araw-araw ka nalang may regalo sa'kin, sige ka n'yan baka masanay ako. Ini-spoiled mo akong masyado,love"
"Walang problema 'yon..kahit masanay ka. Basta masaya ang mahal ko, masaya din ako"-sabay halik nito sa noo ni yumi.
Tinanggap na rin ni francis ang relasyon ng dalawa kahit masakit ito para sakaniya dahil gusto din niya ang dalaga.
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...