"Oh? Franco? You're here din pala? Hindi ka rin makatulog?"-tanong ni celine ng makita si franco na naliligo sa pool.Tumango naman si franco at umahon na ito.Tsaka kinuha ang twalya na nasa silya at ibinalot ito sa mula sa kanyang baywang.
"Tapos ka na?"-muling tanong ni celine. "Tutal nandito ka na lang din. Samahan mo na 'ko"
"Kaylangan ko ng bumalik sa kwarto, baka magising si yumi. Hahanapin ako no'n."-at akmang aalis na si franco pero mabilis siyang hinawakan ni celine sa braso.
Tinignan naman ni franco ang kamay ni celine na nakahawak sa kaniyang braso. Bago tignan si celine.
"Why?"
"Dito ka na kasi muna.."-tugon ni celine at nagtungo sa harap ni franco.
Maya-maya lang ay dahan-dahan nitong hinahaplos ang dib-dib ni franco gamit ang kaniyang hintuturo.
"Celine! What are you doing?"-sabay alis ni franco ng daliri ni celine.
"Why? Hindi mo ba nami-miss 'yung ganito?"
"Tumigil ka na, celine!"
"Hindi mo ba nami-miss 'yung mga ginagawa natin noon? Mas malala pa nga dito 'di ba?"-saad nito sabay lapit niya ng bibig niya sa tenga ni franco. "Hindi mo ba ako nami-miss?"
"I said, shut up! Tumigil ka na!"
"Siguro naman mas magaling ako sa kapatid ko 'di ba? Sabi mo nga nakaka dalawa pa lang kayo.. eh tayo ba? Hindi na mabilang kung gaano kadami. Meron sa umaga, sa tanghali, sa gabi at madaling araw bago natin nabuo ang anak natin"
Napalunok naman si franco dahil sa sinabing iyon ni celine,
"Hindi ka naka kibo? Kasi totoo 'di ba? Nagawa na natin lahat.."
Tsaka nito inalis ang tali ng kaniyang bathrobe at tinanggal ito ng tuluyan, tanging swimsuit nalang ang natirang takip sa kaniyang katawan.
Hindi napigilan ni franco na tignan ang kabuuan ni celine, napaka ganda pa rin talaga ng katawan nito kahit may anak na..
Kasabay nito ang biglang Paghalik ni celine sa mga labi ni franco na ikinagulat nito.
Gusto niyang pigilan si celine sa ginagawa nito pero tila nagugustuhan na rin niya ito.
Kinuha nga ni celine ang kamay ni franco at inihawak ito sa bewang niya. Kasabay nito ang pag-alis niya ng twalyang nakatakip sa ibaba ni franco.
Mas lalong tumindi ang paghalik ni celine lalo na't gumaganti na din si franco.
Sandaling naghiwalay ang kanilang mga labi at nagpatibuwal sa tubig at muling pinagsaluhan ang mga labi ng isa't-isa.
Patuloy sila sa kanilang ginagawa hanggang sa makita sila ni Yumi.
Napatakip nga sa bibig si yumi habang nag-uunahan sa pag-agos ang kaniyang mga luha.
Pakiramdam niya ay libo-libong kutsilyo ang sumasaksak sa kaniyang puso habang pinapanood ang dalawang naghahalikan sa pool.
Tatakbo na sana siya dahil hindi na niya kinakaya ang nasasaksihan ng bigla niyang mabangga si francis.
"Yumi? Are you, okay?"-agad na tanong nito pero hindi sumagot si yumi at yumakap nalang siya ng mahigpit sa binata habang humahagulgol.
"Ang sakit-sakit francis! Ang sakit! Sakit!"-ani yumi habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Mga manloloko sila!"-dagdag pa nito.
"Yumi?!"-kapwa sila napalingon ng tawagin ni franco ang pangalan ni yumi.
Nasa likuran ni franco si celine habang naka ngiti ito.
Akma sanang lalapitan ni yumi si celine para saktan pero agad na hinarangan iyon ni franco.
"Yumi! Ano ba?!"-ani franco.
"Ano?! Dedepensahan mo s'ya?! Kaylan n'yo pa 'ko niloloko?! Mga wala kayong kwenta! Mga manloloko!"-halos manghina na si yumi sa sakit na kaniyang nararamdaman. "Ang sama n'yo! Ikaw!"-sabay duro niya kay celine. "Ate pa naman kita! Tapos aahasin mo lang pala si franco?! Magsama kayo!"
"Mas unang naging akin si franco, yumi!"
"Pero ako na ang mapapangasawa n'ya! Sabi mo wala ka ng nararamdaman para sakan'ya! Sinungaling ka! Sinungaling kayo!"
"Kung alam ko lang na sasaktan mo si yumi, sana noon pa lang hindi na ako pumayag na maging kayo, kuya..sana pala ipinaglaban ko na lang ang nararamdaman ko para sakan'ya!"
"A-ano? May gusto ka sa ate ko?!"-luhaang tanong ni nathalie. Hindi nila napansin ang pagdating nito.
"Mahal, mag-e-explain ako!"-ani francis pero mabilis siyang ginawaran ng sampal ni nathalie.
Hanggang sa......
"Love.... Gising....love!!"-tsaka tinatapik ni franco ang pisngi ni yumi para magising ito.
"Love.."
Hanggang sa magising nga si yumi,
"Binabangungot ka"-bungad ni franco.
Kitang-kita ang mga mata ni yumi na lumuluha ito kaya labis na nag-alala si franco.
Agad namang bumagon si yumi para yakapin ng mahigpit si franco habang humahagulgol ito sa pag-iyak.
"Akala ko totoo na.. akala ko niloloko n'yo 'ko ni ate celine"-saad niya habang umiiyak.
"Nanaginip ka lang, love.."-habang hinahaplos ni franco ang buhok nito.
"Hindi ko kakayanin kapag totoong nangyari 'yun..hindi ko kaya.."
"Ano ba kasing napanaginipan mo, love?"-tanong nito ng maghiwalay sila sa pagkakayakap.
Hawak ng dalawang kamay ni franco ang mukha ni yumi habang pinupunanasan ang mga pumapatak na luha nito.
"Naghahalikan daw kayo ni ate sa pool eh. Tapos sabi n'ya hindi mo daw ba nami-miss 'yung mga ginagawa n'yo noon. Basta ayoko ng maalala..kahit panaginip 'yung ang sakit-sakit parin.
"Ssshh.. tahan na, love..hinding-hindi 'yun mangyayari..panaginip lang 'yun."-sabay halik niya sa pisngi ni yumi. "Hinding hindi kita lolokohin..'yung sa amin ni celine matagal ng tapos 'yun. Ikaw na 'yung mahal ko ngayon"
"Wag mo 'kong sasaktan ha? Mahal na mahal kita, franco.."
"Oo naman, bakit naman kita sasaktan? Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang masaktan kesa ikaw..kaya matulog ka na ulit, tahan na.. makakasama kay baby kapag umiiyak ka"
Tumango naman si yumi at muli na silang nahiga.. naka unan nga si yumi sa braso ni franco habang magkayakap sila..
Kinantahan na nga lang ni franco si yumi para muli itong makatulog..
Too many billion people running around the planet
What is the chance in heaven that you'd find your way to me
Tell me what is this sweet sensation
It's a miracle that happened
Though I search for an explanation
Only one thing it could beThat I was born for you
It was written in the stars
Yes, I was born for you
And the choice was never ours
It's as if the powers of the universe Conspired to make you mine until the day I die I bless the day that
I was born for youToo many foolish people try to come between us
None of them seem to matter when I look into your eyes
Now I know why I belong here In your arms
I found the answer
Somehow nothing would seem so wrong here If they'd only realize thatI was born for you and that you were born for me
And in this random world, this was clearly meant to be
What we have the world could never understand
Or ever take away until the day I die
I bless the day that
I was born for you
What we have the world could never understand or ever take away
And as the years go by until the day
I die,I bless the day that I was born for you..Pagkatapos nga niyang kumanta ay napansin niyang mahimbing na ulit ang tulog ni yumi kaya hinalikan niya ito sa noo.
"I love you, so much, love..walang kahit na sino ang p'wedeng sumira sa ating dalawa, para sa akin ikaw na ang buhay ko.. ikamamatay ko kapag nawala ka pa, mahal na mahal kita."-bulong nito kay yumi at niyakap niya ito ng mahigpit.
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...