Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 1
Binisita nga ni james si eriz sa bahay nito dahil ito na talaga ang nakahiligan niya lalo na't sumasaya siya kapag kasama niya ito.
At malaki nga ang utang na loob niya kay eriz dahil kasi dito ay nagkabalikan sila ni celine.
Pababa pa lang siya ng sasakyan ng sumalubong na sa kaniya si eriz.
"Bakit ba lagi akong may bisitang pogi? Nakakahalata na 'ko ah"-ani eriz sabay kawit ng braso nito sa bewang ni james.
"What? A-anong nakaka halata?"
"Na mahal mo na 'ko, for your information may nidabells na ako ah"
"Sira! Hindi ako bakla 'no! Kinikilabutan ako sa sinasabi mo"-sabay alis niya ng kamay ni eriz sa bewang niya.
"Joke lang, ang sarap n'yong asarin ni francis, magkapatid nga talaga kayo. Sana all may kapatid hays. Ang lungkot ng buhay ko"
"Si tita belle ba nandiyan?"
"Oo, door bell na siya ngayon"
"Baliw talaga 'to!"
"Hangga't wala ako sa mental at hindi naka uniform ng puti, hindi pa ako baliw hehe"
"Ewan ko sa'yo, eriz"
Tsaka nga naunang naglakad si james at akmang pipihitin ang door knob ng biglang sumigaw si eriz.
"Stop!"
"Huh? Why?"
"Hawaii? Grabe nasa pilipinas lang tayo, nananginip ka pa yata"-tugon ni eriz.
"I mean, why? Bakit sumigaw ka ng stop?"
"Hindi mo na kasi kaylangang pihitin pa ang door knob kasi automatic 'yan"
"Really?!"-gulat na tanong ni james
"Ow, yes! Watch and learned."-saad nito at pumalakpak ng tatlong beses at agad ngang bumukas ang pinto.
Nabilib at natawa naman si james.
"Kitams? Sabi sa'yo eh"-pagyayabang ni eriz.
Nauna ngang pumasok si james at kinapa pa ang pinto pero natawa din ito ng makita si belle na naroroon.
"Pinagkaisahan n'yo nanaman ako tita"-ani to at yumakap kay maribelle. "Good morning po, tita. Kumusta po kayo?"
"Okay naman kami hijo, salamat at naalala mo nanaman kaming bisitahin dito"-tugon nga nito.
"Siyempre naman tita, lagi ko kayong nami-miss eh"
"Ikaw din, lagi ka naming naaalala. Wait lang ah, magluluto kasi ako ng pancit sotanghon, nalaman ko kasi kay eriz na mahilig ka sa gano'n eh"-
"Wow! Halla! Thank you po, tita.. Thank you din eriz"-sabay lingon kay eriz.
"Minsan nga gusto ko ng magselos sa'yo, paano ba naman kasi, ako anak ni nanay Pero ikaw bukambibig niya"
"Wag ka ng magselos, para na kasi tayong magkapatid eh"
"Uhmm... ehem! Payag naman ako, basta mas pogi ako sa'yo"-natatawang tugon ni eriz.
"Pag-isipan ko muna 'yan, sa ngayon need ko muna gumamit ng C.R kanina pa rin ako naiihi eh"-saad nga ni james.
Pagkatango nga ni eriz ay agad ngang ibinaba ni james ang cellphone niya sa lamesa at nagtungo sa C.R.
Si belle naman ay nagtungo na rin sa kusina.
Pero bumalik din agad sa lamesa si belle para kuhanin ang mga hiniwa nitong mga gulay ng biglang tumunog ang cellphone ni james na nasa ibabaw ng lamesa kaya napa tingin siya rito.
Dahan-dahan nga niya itong kinuha tsaka tinanaw pa si eriz na busy sa pag ce-cellphone.
Nanginginig nga ang mga kamay ni belle habang hawak ang cellphone ni james at bigla ngang nangilid ang mga luha nito habang titig na titig sa wallpaper ni james.
"T-tita? B-bakit po?"-napa angat nga ng tingin si belle ng tanungin siya ni james.
Naka labas na pala ito mula sa C.R
"T-tatay mo ba itong kasama mo sa picture?"
Kinuha naman iyon ni james mula kay belle at ngumiti.
"Parang ganoon na nga po, tita."
"Ano'ng parang ganoon?"
"Step dad ko lang po s'ya tita, napaka bait po niya sobra. Itinuring po n'ya akong tunay na anak.."
Napa lunok naman sa sariling laway si belle at tumalikod kay james.
"May problema po ba, tita?"
"W-wala naman"-tugon nito ng hindi manlang humaharap kay james.
"Bakit parang meron po, tita? Kilala mo po ba s'ya?"
Sasagot na sana si belle ng biglang tumawa si eriz kaya napalingon sila dito, ganoon din naman si eriz na napatingin din sa kanila.
"Ay, sorry. Kinilig lang ako sa banat ni nidabells sweetiepie ko eh. Usap lang kayo ni nanay d'yan, 'wag n'yo 'kong pansinin"
"Tita"-sabay hawak ni james sa braso ni belle at iniharap niya ito sa kaniya. "Kilala mo po ba si tito danny?"
"H-hindi, hijo.. sige na, magluluto na ako"-sabay dakma sa mga Hiniwang gulay..
"Baka po kilala mo s'ya tita, kasi po may ipinapahanap po s'ya sa'kin eh.."
"S-sino?"-utal na tanong ni belle.
"Yung totoong anak po n'ya"
"Ah..hindi ko talaga s'ya kilala hijo, pasensya na."
"Ganoon po ba? Ang hirap po kasing hanapin 'yung anak n'ya eh.. kasi hindi ko po alam kung paano o saan ako mag-uumpisa lalo na't wala na si tito danny"
"A-ano?! Paanong wala na siya?!"
Labis nga ang pagka bigla ni belle ng malaman iyon mula kay james.
"P4tay na po s'ya eh. Mag aapat na taon na"
Nanlambot nga si belle ng marinig iyon at tuluyang tumulo ang mga luha nito.
"Tita?! Are you, okay?"
"Nay? Bakit?!"-nag-aalalang tanong din ni eriz sa kaniyang ina.
Hindi nga makapagsalita si belle at umiyak lang ito ng umiyak.
"Sorry.. hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam..sorry"-paulit-ulit na sambit nito.
"Sorry for what tita?"
"Anyare ba 'nay? May balak ka bang sumali sa talent portion? Naks.. palakpakan natin ang nanay, ang galing talaga umakting eh.."
"Sira! Ano'ng akting ka d'yan? Umiiyak talaga si tita"
"Ha? True ba 'nay? Bakit ba? Bakit bigla-bigla kang umiiyak? Pinaiyak mo ba nanay ko?"
"Huh? Hindi ah"
"Uy, 'nay. Ano'ng problema?"
"Ang tatay mo, p4tay na pala"
"Nay naman. Matagal ng p4tay si tatay 'di ba?"
Umiling-iling naman si belle,
"Ang totoong tatay mo"
"Ha?! H-hindi kita maintindihan, 'nay. Kung may tunay akong tatay edi may peke?"
"Mag seryoso ka naman, anak"
"Gets ko na! Ikaw!"-sabay turo ni james kay eriz.
"Grabe ha! Hindi ako ang pumat4y sa tatay ko, may sakit talaga 'yun. Gagawin mo pa 'kong suspect"
"Hindi 'yon. Gets ko na! Ikaw ang ipinapahanap ni tito na anak n'ya, Tama ba tita? Ikaw ba ang ex-girlfriend ni tito danilo at si eriz ang anak n'yo?"
Itutuloy...
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...