Chapter 142

165 3 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 31

Nakaharap ngayon sa salamin si liezel habang ikinakabit niya ang hikaw niya sa kanang tenga niya ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto niya.

"Pasok.."-aniya at agad ngang bumukas iyon.

"Ma'am!"

"Oh, Lucy? Bakit?"

"May mga tao po kasi sa labas. Hindi ko po sila kilala. Nagpupumilit pong pumasok eh."

"Ano?! At bakit sila magpupumilit pumasok? Sino daw ba sila?"

"Mukhang mayaman din ma'am. May mga gwardya pa nga po eh. Pero s'yempre hindi ko pinapasok kasi hindi ko kilala. 'yun po ang bilin mo 'di ba?"

"Oo, tama 'yan. Nasaan na? Nasa gate pa ba sila?"

"Opo, ma'am. Basta ang sabi po nung lalaki. Kaylangan nga niyang maka usap"

"Bakit sila pinapasok dito sa village ng mga guard ng hindi tumatawag sa akin?!"

"Yun din po ang ipinagtataka ko ma'am. Hindi po kaya mga masasamang tao ang mga 'yon?"

Napakunot na nga lang ang noo ni liezel at kasabay niyang lumabas ng kwarto si Lucy at patungo  nga sila sa gate, ngunit malayo pa nga sila ay dinig na dinig na nila ang ingay mula sa labas ng gate.

"Liezel, mag-usap tayo! Ilabas mo ang anak ko!"-sigaw ng lalaki mula sa labas sabay paulit-ulit na pinindot nito ang door bell.

Ngunit hindi ito maintindihan ni liezel..

"Walangh!ya 'yun ah! Sino ba 'yun?!"-galit na tanong ni liezel at patakbong lumapit sa gate at mabilis itong binuksan.

"Hoy! Anong karapatan mong mag eskan---"-hindi na niya naituloy ang sasabihin ng mamukhaan ang lalaking kaharap niya ngayon.

May tatlong gwardya itong kasama na naka palibot sa kaniya.

"Gilbert?!"

Pinagmasdan naman siya nito mula ulo hanggang paa bago nagsalita.

"L-liezel?"

"Ano'ng ginagawa mo dito?! At sabi ng kasambahay ko nagpupumilit kayong pumasok?! Gusto n'yo bang sampahan ko kayo ng kasong trespassing ha?!"

"S-sorry.. G-gusto ko lang makita ang A-anak natin.."-utal na sambit nito.

"Ano?! Are you out of your mind? Ano'ng anak ang pinagsasasabi mo, Mayor Roxas?! I don't know what are you talking about! Wala kang anak dito. Malay ko kung saan napunta ang anak mo"

"Ang anak natin, liezel.. nasaan siya?"

"Wow! Anak natin? Bakit ha?! Nagka anak ba tayo?"

"Wag mo ng ilihim pa! Alam ko na ang totoo, matagal na.."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo gilbert! Makaka alis ka na! Nakaka abala ka na!"

"Sinabi sa akin ni cindy ang totoo. Nakita ka niya sa ospital ng ipinanganak mo ang anak nating dalawa.. at 'yun ang araw-araw naming pinagtatalunan. Sinubukan kitang hanapin ng malaman ko 'yun. Pero bigo akong mahanap ka. At ngayong nahanap na kita, pakiusap liezel..hayaan mo naman na makita ko ang anak natin."

"Tsk! Sa tingin mo talaga nabuhay ang bata?! Hindi! Wala na siya!"

"22 years ko kayong hinanap, tapos sasabihin mo sa'kin wala na 'yung anak natin? Sige! Kung wala na talaga s'ya saan siya naka libing?! Alam kong nagsisinungaling ka lang!"

"Umalis ka na! Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala! At kahit pumasok ka pa sa loob ng bahay ko wala kang makikitang anak natin! Lumayas na kayo! May lakad pa 'ko!"

"Hindi ako naniniwala sa'yo! Itinatago mo lang ang anak natin!"

Kapwa naman sila natigilan at napalingon sa bagong dating na sasakyan.

"No, hindi p'wede 'to! Hindi sila p'wedeng magkaharap"-wika ni liezel sa sarili..

Alam kasi niyang sasakyan iyon ni francis at alam niyang nandoon din si nathalie.

Agad ngang bumaba ng sasakyan sila francis at nathalie at laking gulat nga ni nathalie ng mamukhaan ang kaharap.

Nilingon pa nga niya ang kaniyang ina at umiiling ito sa kaniya.

"P-parang pamilyar kayo sa'kin? Nagkita na ba tayo before?"-tanong ni gilbert kila Nathalie at Francis.

"Ah, yes po. Mayor.. ako po si nathalie. Kami po 'yung naghatid noon kay roselle"

"Sabi na eh! Ikaw pala.'yan. Magka kilala pala kayo ni liezel?"

Muli ngang napa sulyap si nathalie kay liezel..

"Ah, opo.."-tugon ni nathalie.. "Magka kilala din po pala kayo?"-tanong nga niya kahit alam naman niya ang totoo.

"Oo, hija. Hinahanap ko kasi 'yung anak namin. Gusto ko siyang makita at mayakap manlang.."

Bigla ngang nangilid ang mga luha ni nathalie ng marinig iyon mula sa tunay niyang ama..

"Magka kilala kayo 'di ba? Please, hija. Sabihin mo sa'kin ang totoo. Wala na ba talaga ang anak namin? Wala na ba talaga ang anak namin na hinanap ko ng mahigit dalawang dekada."-dagdag pa niya at naging garalgal na ang tinig nito.

"Sinabi ko naman sa'yo, gilbert! Wala na siya! Wala na ang anak natin! Tumigil ka na!"-sabad ni liezel.

"Mama! Ano ba?!"-sigaw ni nathalie at tuluyan na ngang pumatak ang mga luha nito..

Nagulat nga si Gilbert ng marinig niya na tinawag na 'MAMA' ni Nathalie si Liezel..

"M-mama?  Mag-ina kayo?"-tanong ni gulbert at sunod-sunod na pumatak din ang mga luha nito. "Kung mama mo s'ya ibig sabihin ikaw ang---"

"Hindi, Gilbert! Anak ko s'ya sa ibang lalaki! Hindi s'ya ang anak natin!"

"Mama, please.. tama na po."-ani nathalie at mahigpit na yumakap kay Gilbert.

Hindi na nga din napigilan ni liezel na maiyak.. tumalikod na nga lang siya at umiyak ng umiyak.

Dahil ang buong akala niya ay ayaw ni nathalie na kilalaning ama si gilbert. Pero heto ngayon, nakayakap siya sa kaniyang ama..

"Opo, papa.. ako po ang anak n'yo.. ako po.. kapatid ko po si roselle"-wika ni nathalie habang mahigpit na nakayakap kay gilbert at pareho silang luhaan.

Nang sabihin nga iyon ni Nathalie ay gumanti din ng mahigpit na yakap si Gilbert.

"Anak.. anak..."-tanging nasambit nito habang patuloy sa pagpatak ang mga luha.

"Sa wakas po. Nayakap din kita. Matagal ko ng gustong gawin 'to eh. Pero pinigilan ko ang sarili ko.."

"Kaya pala ang gaan ng loob ko sa'yo noong una kitang nakita at ganoon di si roselle sa'yo.. kasi anak pala kita.."

Bumitaw nga sa pagkakayakap si nathalie at hinarap ang ama..

"Aaminin ko po noong una.. wala po akong balak talagang magpa kilala sa'yo. Pero alam ko pong pagsisisihan ko ito kapag hindi ko ginawa. Kaylan lang din po kami nagka kilala ni mama. Hindi po kami magkasama. Sa ibang pamilya po ako lumaki.. Sa takot po ni mama na totohanin ng asawa mo ang banta niya sa amin kaya itinago po ako ni mama.. at 'wag ka din sanang magalit kay mama kung inilihim n'ya ang tungkol sa akin. Pinoprotektahan lang niya ako, lalo na't bunga lang ako ng pagkakasala n'yong dalawa"

Pagkatapos ngang magsalita ni nathalie ay lumapit naman siya kay liezel at ito naman ang niyakap niya ng mahigpit.

Tahimik lang naman si francis habang pinapanood lang ang nangyayari..

"Ngayong okay na.. Kilala ka na ng tunay mong ama..Panahon na para gawin ko na ang matagal ko ng balak"-wika ni Francis sa sarili.

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now