Balik eskwela na nga si Diana at sa idad na mag aanim na taon ay Grade 1 na ito.
Taga hatid si michelle sa eskwelahan sa tanghali at taga sundo naman si yumi sa hapon.
"Mommy, can i ask you po?"
"Yes, sure baby"
"You and daddy po ba is married na?"
"Ha? Bakit mo natanong?"
"Kasi may classmate po ako na hindi pa po kasal 'yung mommy and daddy n'ya. And next week po ikakasal na po parents n'ya. Sabi nga po ni joy invited po tayo. Kasi po she's my friend. And gusto ko pong ipakilala kayo ni daddy sa kanila"
"Sige, sasabihin natin kay daddy kung free s'ya that day ah. Kasi you know naman busy si daddy sa new work n'ya at sa resort"
"Masyado na pong busy si daddy, namimiss ko na po s'ya dati po nung inaasikaso lang n'ya 'yung resort mahaba po 'yung time n'ya sa'tin"
Naging business partner kasi ni franco ang daddy ni noah kaya naman mas lalo itong naging abala.
"Intindihin na lang natin si daddy mo, kasi para sa'yo din 'tong ginagawa n'ya"
Nadadaanan nga nila ang park kaya naman nakatanaw dito si diana.
"Gusto mo ba daan tayo?"
"P'wede po?"
"Oo naman"
"Talaga,mommy? Yehey! Gusto ko po d'yan"
"Kuya jovan, tara muna sa park ilibot muna natin si diana."
"Sige, yumi..wait park lang ako"
Tuwang-tuwa nga ang paslit habang naglilibot sila ni yumi, binilhan niya din ito ng lobo at ice cream.
Mga bagay na ngayon lang naranasan ng bata. Hindi kasi binibilhan ni franco ang anak ng ice cream kung sa lansangan lang ito mabibili.
"Mommy, tara po do'n"
"Saan?"
Hinatak hatak naman ni diana si yumi at huminto sa ihaw-ihaw.
"Mommy, want ko po ng hotdog."
"Ha? P-pero bawal sa'yo 'to 'di ba? Ayaw ni daddy mo"
"Please po! Secret na lang po natin ulit.. gaya po netong ice cream. Sige na mommy..please po! Please...."
Nilingon naman ni yumi sa franco at naka ngiti ito sa kanila.
"Secret is a secret. Promise hindi ako magsusumbong"-saad ni jovan.
"Thank you, manong jovan. I love you po"
"Aysus. Love mo 'ko?"
"Yes,po.. love ko naman po kayong lahat. Tsaka po ikaw po nagbalik kay mommy sa house 'di ba? Cousin ka po ni mommy 'di ba?"
"Ow yes naman baby girl, ang nag-iisa n'yang pinsan na pogi"
"Ehem..humangin nanaman"-saad ni yumi sabay tawanan nilang lahat.
"Sige..bibili na tayo. Ano ba naman kasi 'tong si franco ayaw kang pakainin ng mga ganito kahit minsan minsan."
"Oo nga po eh, buti ka pa mommy binibili 'yung gusto ko"
"S'yempre love na love kaya kita"
"Ako din po. Mahal na mahal po kita."
"Oh s'ya, mamaya na 'yang sweet moments n'yong mag-ina bumili na tayo at nag amoy tinapa na tayo dine"
"Hotdog lang ba gusto mo,anak?"
"What's that po? Parang worm po"
Natawa naman sila yumi at jovan.
"Ah, isaw 'yan anak.. chicken intestine"
"Ah..okay po.. eh hayun po"-sabay turo sa balut. Chicken egg?"
"Hindi, itik egg 'yan"-tugon ni jovan na ikinatawa nanaman ni yumi.
"Balut ang tawag d'yan anak. May sisiw 'yan sa loob pero super liit pa tapos may soup din s'ya"
"Ang taray sa soup, yumi"-natatawang sambit ni jovan. "Sabi ng nanay ko, ihi daw nung kiti 'yon sa loob haha!"
"Grabe ka kuya, hindi din siguro."
"Ano po pala 'yung sisiw?"
"Ah..'yung sisiw is baby chicken"-tugon nanaman ni jovan.
"Grabe sa baby chicken, kuya jovan"
"Bakit? Mali ba? Ano ba dapat?"
Nagkibit balikat lang si yumi habang natatawa.
"Basta 'yun na 'yon..masarap 'yan"-ani yumi sa bata.
"Okay po.. want ko po ng hotdog, isaw tsaka po 'yan.. 'yung...'yung ano na po 'yan?"
"Balut"-sabay na tugon ni jovan at yumi.
"Ayan po..want ko po 'yang three na 'yan"
"Ha? Sure ka? Baka sumakit t'yan mo anak?"
"Hindi po.."
Napakamot na nga lang sa ulo si yumi at bumili na nga ng mga itinuro ni diana at dinagdagan niya ito para sa kanilang dalawa na rin ni jovan at para sa tatlo pang nasa bahay. Bumili nga din siya ng barbecue at paa.
Kinain nga nila iyon habang nasa park pa. Tuwang tuwa naman si yumi sa reaksyon ni diana sa balut.
"Mommy! Paano na ito kainin?"
"Isubo mo lang baby, wag nga lang pati balat ha"-tugon ni jovan.
"Akin na anak, babalatan ko. Itong kulay orange, ito na lang kainin mo. Tas ako na dito sa sisiw"
"Okay po"
Binalatan nga iyon ni yumi at ng matapos kainin 'yun ng bata ay sinunod naman nito ang hotdog at ang panghuli nga ay ang isaw.
"Ano nararamdaman mo? Masakit na tummy mo?"
"No, mommy. Busog na po ako hehe. Thank you po. Super enjoy po"
"Baka kalbuhin ako ng daddy mo kapag nalaman n'yang pinakain kita ng street foods naku po.."
"Hindi 'yan mommy..tsaka ang sarap po kaya"
"Oh pa'no? Uwi na tayo? Medyo dumidilim na"
"Sana pag-uwi natin nandoon na si daddy"-malungkot na sambit ni diana.
"Wala pa si daddy n'yan anak, tsaka nagtext si daddy mo may meeting daw sila eh"
"Okay lang po pala. Nandito ka naman po eh"
"Tama..let's go?"
"Yes po"
Tuwang-tuwa naman sila Nida, Irah at Michelle dahil sa pasalubong ni yumi na mga street foods. Ito na nga rin ang inulam nila.
Hindi na rin nagluto si yumi dahil may dinner meeting si franco.
"Sa'n ka na, love?"-text ni yumi.
"On the way na love"
"Ingat,love"
"Salamat love, kumusta kayo d'yan sa bahay?"
"Okay naman kami lahat dito, si diana nanonood naman kasama ni michelle"
"Okay love, napagod ako sobra..mamaya ah..alam mo na"
"Ito talaga parang tanga!😳😒"
"Hala, bakit? Ano bang iniisip mo? Naglalambing lang naman ako para sa massage. Ikaw ha, kung anu-ano iniisip mo😂 Pero parang mas gusto ko 'yang iniisip mo hehe😜"
"Sira! Sige na magdrive ka na! Ingat ka. Ma-massage kita mamaya, love you😘"
"Ibang massage na pala gusto ko😂😁"
"Baliw!"
Itutuloy...
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...