"Matanong ko lang tita, 'yung first love ba ni james binalikan n'ya? Nagkita ba ulit sila?"-tanong ni franco kay Dra. Ferrer na ikinakunot ng noo ni yumi.
"Binalikan ni james, pinuntahan pa nga daw n'ya sa bahay nila eh. Dalawang beses yata kaso wala daw do'n. Lagi niyang hindi naaabutan"
"So, sign na po talaga 'yun 'no tita? Na dapat mag move-on na nga s'ya. Matagal na rin naman yata 'yun"
"Lagi kong sinasabi kay james 'yun. Pero ayaw talaga eh. Mahal talaga n'ya 'yung niligawan n'yang 'yun. Pakiramdam ko naman pinaasa lang s'ya nung babae pero hindi talaga s'ya gusto. Hays..mga kabataan nga naman. Kapag nakita ko 'yung babaeng 'yun susumbatan ko talaga s'ya eh, masyadong malalim ang iniwan n'yang sugat sa anak ko na hanggang ngayon hindi naghihilom"
Napa lunok naman si yumi sa sarili niyang laway at nagpaalam ito na gagamit muna ng c.r..
"Nga pala hijo, bibilinan kita ah.. maselan ang pagbubuntis ng fiance mo, lalo na't weeks pa lang ito..kaylangan niyang laging magpahinga. Iwasan n'yo ang mga pag byahe byahe. Tsaka iwasan mong ma stress siya. Hindi makakabuti sa pagbubuntis n'ya 'yun."
"Eh, paano po 'yun tita? Sa makalawa mag aayos na po kami ng papers para sa pagpapakasal namin. Magiging busy din po kami."
"Pwede naman, 'wag lang 'yung sobrang layo ng byahe. At siguraduhin mong hindi siya mapapagod. Congrats nga pala.. sana matuloy na ang kasal n'yo kasi 'di ba kay Celine hindi natuloy..sabi ko na eh, lahat ng nangyayari may dahilan. Kaya hindi kayo nakasal ni celine kasi may ibang nakalaan para sa'yo"
"Tama po tita, tsaka last na s'ya.. kapag hindi pa naman s'ya ang makakatuluyan ko hindi na ako magpapakasal haha..mahal na mahal ko 'yan tita. Alam kong mas mahal ko s'ya kaysa sa pagmamahal ko noon kay Celine"
"Kasi nga nararamdaman ng puso mo na s'ya na talaga.. basta every chek ups n'ya samahan mo s'ya.. 'yun din ang gusto ng mga babae 'yung sinasamahan sila ng partner nila sa mga ganito. Habaan mo din ang pasensya mo kasi nga buntis s'ya may mga pagbabago talaga. Tsaka 'wag mo na rin siyang pinag pa-pantalon. Naiipit 'yung puson n'ya"
"Salamat po, tita.."
"Bakit parang ang tagal n'ya?"
"Hindi ko nga din po alam eh, sige tita. Puntahan ko na rin po s'ya para makauwi na rin po kami"
"Sige, 'yung vitamins 'wag n'yong kakalimutang bilhin"
"Opo, tita. Salamat po ulit"
Paglabas nga ni franco ng clinic ni Dra.Ferrer ay siyang pabalik din doon ni yumi,
"Tapos na?"-tanong nito.
"Tapos na.. ikaw ba? Tapos ng umiwas? I mean mag c.r.. tara na, love.. uwi na tayo"-sabay akbay niya kay yumi palabas.
Hindi na nakapagsalita si yumi,
"Nagugutom ka ba, love? Kain tayo"
"Wala akong gustong kainin eh, sa bahay na lang siguro tayo kumain."
"Okay, love"
Pansin ni franco ang pagiging tahimik at pagkatamlay ni yumi. Batid niyang dahil iyon sa mga napag-usapan kanina.
"Kung iniisip mo 'yung sinabi ni tita, 'wag mo ng isipin 'yun love.. tsaka hindi naman totoong pinaasa mo si james 'di ba? Kasi minahal mo din naman s'ya"
Tumingin lang sandali si yumi kay franco at dumiretso na ulit ito ng tingin sa daan.
Pinili na lang din ni franco na manahimik na lang hanggang sa makauwi nga sila..
"Magbihis ka na, love. Magpapahanda lang ako ng pagkain kila nida"-saad nito pagkapasok nila sa kwarto.
Tumango lang si yumi at tahimik pa rin ito na naghubad ng damit at pantalon..habang naghahanap ng maisusuot na pambahay.
"Kanina ko pa napapansin na tahimik ka.. may problema ba, love?"-tanong ni franco.
Ngumiti lang ng tipid si yumi, at nagsuot na ito ng pambahay.
"May kasalanan kasi ako.."-tugon nito habang mailap ang kaniyang mga mata.
"Ano naman 'yun, love?"
"Ayoko na sanang sabihin kasi alam ko magseselos ka nanaman at magagalit pero sabi mo dapat lahat ikukwento ko 'di ba?"
Tumango tango naman si franco, at yumakap sa kaniya si yumi.
"Nagkita kami 'di ba? Nagka-usap din at----"
"Niyakap ka niya"
Napabitaw si yumi sa pagyakap kay franco.
"N-nakita mo?"
"Yes, nakita ko..niyakap ka n'ya"
"Pero ang sabi mo malapit ka palang sa clinic no'n?"
"Nandoon na ako..lumabas lang ako kasi hindi ko kayang makita na may yumayakap sa mahal ko"-sabay patak ng luha nito. "Kaya ako tumawag para mabitiwan ka n'ya. Kanina pa gustong sumabog ng dib-dib ko dahil sa selos.. pero hindi 'yun 'yung tamang lugar para ilabas ko 'yung selos ko"
"Love...sorry.."
"It's okay, wala ka namang kasalanan eh..siya 'yung yumakap sa'yo.. kitang-kita ko 'yun.. ano palang naramdaman mo love habang nakayakap s'ya sa'yo?"
"W-wala naman..parang yakap lang ng kaybigan na matagal mong hindi nakita."
"Kahit konti wala kang naramdaman sa kanina? Wala bang panghihinayang? Kasi napaka gwapo na n'ya..na halos lahat yata ng dalaga magugustuhan s'ya"
"Wala akong panghihinayang na naramdaman..nakonsensya oo.. kasi sabi n'ya mahal n'ya pa rin 'yung first love n'ya at alam kong ako 'yun..naaawa ako sa kaniya kasi hindi pa rin pala s'ya nakaka move-on. Pinanghahawakan pa rin pala n'ya 'yung mga sinabi ko noon.alam kong nasaktan ko s'ya ng malaman niyang ikakasal na ako at magkaka baby na..pero kung papipiliin ako kung siya o ikaw? Ikaw pa rin ang pipiliin ko.. mahal na mahal kaya kita"
Pagkasabi ngang iyon ni yumi ay agad siyang hinalikan ni franco sa mga labi. At mahigpit na niyakap.
Luhaan nga ang mga mata nito habang naka ngiti.
"Alam ko namang mahal mo 'ko at hindi ko 'yun pinagdududahan..ang swerte ko nga eh, kasi kahit may anak na ako, may babae pa rin na nagmamahal sa akin ng sobra at totoo. Tanggap niya 'yung mga nakaraan ko..binigay niya ng buong-buo 'yung puso at kaluluwa n'ya sa'kin. Yung kalayaan at buhay n'ya.. at ang kaya ko lang ipangako sa kaniya mamahalin ko siya habambuhay, aalagaan at poprotektahan kahit magmukha pa akong body guard"-tsaka ito natawa sa kaniyang huling sinabi.
Maging si yumi ay napa ngiti din..
"Hindi mo talaga makalimutan 'yung biro ko na 'yun.."-naka ngusong sambit nito.
"Natatawa kasi ako, Bakit kasi ipinakilala mo akong body guard?"
"Yun bigla 'yung naisip ko eh..hayaan mo na napagkamalan naman akong assistant eh"
"Assistant ni body guard"-natatawang tugon ni franco..
"Babalik ka pa ba sa opisina? Kasi hindi kapa nagbibihis.."
"Hindi na, dito na muna ako..bukas na ako papasok.. tsaka magle-leave pala ako love..para maayos na natin pagpapakasal natin"
"Talaga love? Sige ba.."
"Oo, love..pasusukatan na rin kita ng wedding gown.. sure ako napaka ganda mo kapag naka wedding gown. Excited na akong mapakasalan ka.. Tapos tatawagin ka na nilang Mrs. Dela Vega"
"Ayiieeee..bagay... Nayumi Shane Del Vega"
"Pero parang mas bagay din 'yun Nayumi Shane Ferrer"
Agad namang binatukan ni yumi si franco,
"Pang-asar eh!"
Natatawa naman si franco at muling hinalikan si yumi.
"Bakit naman ako papayag na maging apelyido mo ang apelyido n'ya"-tugon nito.
Itutuloy...
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...