Chapter 37

149 4 0
                                    

"Explain mo lahat sa girl friend mo.. i have to go!"-huling sabi nito bago tuluyang lumabas ng bahay.

"Bakit nakapasok dito 'yung babaeng 'yon?"-tanong ni franco kay jovan.

"Hindi ko din alam sir, dahil siguro kilala siya ng mga guard kaya pinapasok s'ya"

Tahimik naman si yumi na nakatingin sa kanila kaya agad niya itong hinarap.

"Love, i'm sorry.. nangako ako sa'yo na hindi na s'ya makakabalik dito pero nagkamali ako. Bumabalik s'ya para kuhanin si diana. Sorry kung hindi ko iyon natupad"-paliwanag nito habang nakahawak sa dalawang balikat ni yumi.

"K-kukunin n'ya sa'tin si diana? 'Wag kang pumayag franco!"

"Hindi ako papayag na makuha n'ya si diana pero kapag ng file s'ya ng petition for custody s'ya ang mananalo dahil hindi kami kasal. Sakaniya mapupunta ang anak namin dahil bata pa si diana."

"Paano na ngayon 'yan?"-malungkot na tanong ni yumi kasabay ng pagpatak ng ilang mga luha nito.

Agad namang pinunasan iyon ni franco gamit ang kaniyang daliri.

"May kondisyon si celine, dito s'ya titira. Para makasama si diana. Pumayag na ako para lang hindi mailayo sa akin ang anak ko"

Inalis ni yumi ang mga kamay ni franco na nakahawak sa mga balikat niya tsaka ito bahagyang lumayo.

"A-ano?! Dito s'ya titira? Magsasama-sama tayo sa iisang bubong?!"

Tumango lamang si franco,

"Pumayag ka talaga?! Paano naman ako? Paano naman 'yung mararamdaman ko? Araw-araw kayong magkikita.Araw-araw ko s'yang makikita? Aalis na lang ako, franco!"

"No, hindi mo kaylangang umalis. Nandito lang naman s'ya para kay diana. Hindi s'ya manggugulo sa'ting dalawa."

"Paano ka nakakasiguro? Malay ko ba kung mahal ka pa rin n'ya hanggang ngayon? Paano na 'ko?"

"Wala akong pakealam sa nararamdaman n'ya, basta ako matagal ng naka move-on, ikaw ang mahal ko ngayon, ikaw ang babaeng pakakasalan ko. Sana maintindihan mo ako, alam kong mahirap ito sa'yo, love. Pero mahirap din 'to para sa'kin. Ito lang ang tanging paraan para hindi mailayo ni celine sa akin ang anak ko, ang pamangkin mo. Alam kong anak na rin ang turing mo sakan'ya kaya alam kong masasaktan ka rin kapag kinuha n'ya si diana."

Napasapo na lamang si yumi sa kaniyang noo kasabay noon ang paglamukos nito sa sariling mukha.

"Noon, pangarap kong makita s'ya. Dahil idol ko s'ya, pero nung nalaman ko ang pagkatao n'ya. Na pabaya s'yang ina. ayoko na s'yang makita pero talagang mapaglaro ang tadhana, kung sino pa 'yung ayaw mo ng makita pagtatagpuin pa kayo. Bakit imbis na lukso ng dugo ang dapat kong maramdaman sakaniya bakit pagkulo ng dugo!"

Niyakap naman ni franco ang kasintahan dahil ito lang ang magagawa niya sa ngayon.

"Ayoko man sa set-up na ganito pero wala akong magagawa, mas ayoko namang mawala sa piling natin si diana, mahal na mahal ko si diana, love..parang mas mahal ko pa nga s'ya kaysa sa sarili ko eh"

"Mahal na mahal ka rin n'ya"-sabay halik nito sa noo ni yumi.

"Paano ngayon 'yan? Dumating na ang panahon na malalaman na niya ang totoo na hindi ako ang tunay n'yang ina. Ako nga nasasaktan na..paano pa kaya 'yung bata?"

"Akala ko ready na ako sa ganitong situation, pero hindi pala..ang hirap pala talaga"-tugon ni franco. "Pero wala eh, wala na tayong magagawa, dumating na 'yung panahon na kinatatakutan ko.

"Sana hindi magalit sa'tin si diana kapag sinabi na natin sakan'ya ang katotohanan"

"Sana nga,love.."

--------

Si Yumi nga ang sumundo kay diana sa school at habang kasama niya ito ay hindi niya maiwasang maluha.

Yakap siya ng yakap sa bata at halik ng halik hanggang sa makahalata ito.

"Mommy, are you okay po?"

"Ah..oo naman anak, okay lang si mommy"

"Are you sure po?"

"Yup..why?"

"Because you are so tender po, mommy"

"Wala lang 'yun baby ko, s'yempre love na love ka ni mommy kaya naglalambing ako sa'yo, hindi ba't mahal mo rin ako?"

"Yes po, 1 million times po"-tugon nito at humawak sa mukha ni yumi para humalik sa labi nito.

"Ang sarap naman ng kiss na 'yon anak"-saad niya at hindi nanaman niya naiwasang maluha. Pero hindi niya iyon pinahalata sa bata.

"Kapag po ba big girl na ako p'wede pa kita i-kiss sa lips?"

"Oo naman, basta gusto mo..pero baka kapag big girl ka na mahiya ka na humalik kay mommy?"

"Of course not po. Hindi ako mahihiya na i-kiss ka gaya ng pag kiss sa'yo ni daddy lagi sa lips"

Napakagat labi naman si yumi ng sabihin iyon ng bata,

"Ha? N-nakikita mo 'yun?"

"Hehe..yes po"

"Naku..haha"

"Si daddy po? Nasa house na po ba?"

"Wala pa anak eh, pero pagdating n'ya,may sasabihin ang daddy mo sa'yo"-sabay tulo muli ng mga luha niya.

"Why are you crying po?"-nag-aalalang tanong ng bata. "Sabi mo po okay ka lang?"

"Wala anak, tears of joy lang 'to."-pagsisinungaling nito at agad na pinunasan ang mga luha.

---------

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko trixie!"-ani celine habang nasa taping sila ng teleserye nito.

"Ano ba 'yun?"

"Pumunta na ako kila franco!"

"Really? So ano'ng nangyari?"

"Sa ngayon wala pa..hindi ko pa nakita 'yung anak ko. Hindi daw kasi alam ni diana ang totoo at 'yung girl friend ni franco ang kinikilala niyang ina.pero doon ako titira para makasama ang anak ko. At pumayag na si franco"

"Really? Katawa-tawa naman, 'yung girl talaga na 'yun ang kinikilala n'yang ina?"

"Mismo! At sa unang pagkakataon nakita ko 'yung girl friend n'ya! Magkahawig nga kami. Nang makita ko nga s'ya para akong naka tingin sa salamin. Parang napaka inosente n'ya. I mean parang 'yung walang kamuwang muwang..tingin ko bata pa 'yun
23 or 24 nasa ganoong idad."

"Ang bata ng nabingwit ni franco ah..kung sa bagay bata ka pa rin nung maging kayo 'di ba?"

"Yes, 22 ako no'n tapos s'ya 28"

"Ang laki ng agwat ng idad nila kung nasa 23 or 24 nga 'yung girl. pero hindi naman halata kay franco na 34 na dahil ang bata ng mukha n'ya kasi nga gwapo. So ano'ng naramdaman mo nung makita mo s'ya?"

"Wala..parang wala naman..pero doon kay girl parang may kakaiba akong na feel. 'yung parang matagal ko na s'yang kilala"

"OMG! Baka naman kababata mo s'ya, hindi mo lang matandaan"

"Of course not! Alam ko mga kababata ko 'no. Tsaka halos lahat ng friends ko artisat gaya natin. Kaya malabong nagkita na kami before"

"Ibig sabihin parang magaan ang loob mo sakan'ya?"

"Ewan..parang gano'n. Pero ayoko! Kaagaw ko s'ya sa pagmamahal ng anak ko..kapag nakilala na ako ng anak ko sisiguraduhin kong mas higit akong mamahalin ni diana kaysa sa babaeng 'yon"

"Miss celine, pa picture!"-saad ng kaniyang fans.

"Sure"-tsaka ito ngumiti sa mga camera na nakaharap sakaniya.

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now