Chapter 27

158 4 0
                                    

Hindi na nga nakatulog si franco kaya naman ng magising si nida,irah at michelle ay sinabihan niya ito na maghanda dahil mag-a-outing din sila.

Napakasaya nga ng tatlo ng malaman iyon, binulabog na nga nila ang dalawa na mahimbing pang natutulog.

"Gising na baby girl.."

"B-bakit po?"-tanong ni Diana habang hirap pa itong imulat ang isang mata.

Nagising na nga rin si yumi dahil sa ingay ng tatlo.

"Kasi baby girl sabi ng daddy mo mag a-outing tayo today sa pangasinan. Kaya go na! Bangon na kayong dalawa ni mommy! Uy,bessy sabi ni sir franco lahat ng laman ng ref at freezer dalhin daw! Kami ng bahala sa iba pang mga kaylangan"

"Ano? Outing? Seryoso ba kayo?"

"Yehey! Excited na 'ko!"-sigaw ni diana at naglululundag pa sa kama nito.

"Oo nga, seryoso 'yun walang halong painting 'nu ba? Hindi ba't hindi dito nag birthday si sir franco? Kaya ngayon n'ya gaganapin ang birthday n'ya. Kaya go na! Bangon na! Marami pa tayong aasikasuhin."

''Pero masakit ang ulo ko"

"Halla naman..inuman mo na lang ng gamot mamaya kapag yari kumain..kaya mo ba magluto? Ako na gagawa no'n tutal prito lang naman."

Si nida na nga ang tumoka sa kusina habang iginagayak ni michelle ang mga dadalhin ni diana at si irah naman ang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin.

Tumulong na din si nayumi at jovan sa pag-aayos ng mga pagkain na dadalhin nila.

"Hindi daw ba magluluto ng dadalhin?"-tanong ni yumi kay nida.

"Hindi na, may madadaanan naman tayong restaurant"-tugon ni franco ng marinig ang tanong ng dalaga.

"Ah..okay po"

"Daddy, i'm so excited na po. Malayo po ba ang pangasinan?"

"Yes baby, malayo. Pero okay lang dahil 3 days naman tayo do'n. Kaya kung may mga kulang pa daan na lang kayo nida at yumi sa market"

"Okay po"-sabay nilang tugon.

________

Nasa byahe na nga sila at manghang mangha si diana sa mga nadadaanan. Ngayon lang din kasi ito naka byahe ng ganito kalayo.

"Mommy, look! There's a mountain!"-turo nito sa bundok na natatanaw mula sa bintana ng kotse.

Van nila franco ang ginamit para kumasya silang lahat at ang mga dala-dala ng mga itong mga gamit.

"Ang lalaki ng mga mountains dito 'di ba anak?"

"Oo nga po mommy eh,ahm daddy can i borrow your phone? Picture-an ko lang po"

"Okay,sweetie.."

Nasa tabi nga ng driver seat si franco samantalang ang limang babae naman ay nasa passenger seat.

Nagulat si nayumi ng mapansin ang Wallpaper ng amo, larawan nilang dalawa iyon ni diana. Hindi na lamang siya kumibo at itinuon ang pansin sa naglalakihang mga bundok.

Naaala niya ang litratong iyon kung bakit sila nagkaroon ng litratong dalawa ni diana sa cellphone ni franco. Dahil madalas hiramin ni diana ang cellphone ng ama at inaaya siya nitong mag selfie.

"Alam mo anak, minsan na akong tumira ng bundok"-saad ni yumi.

"Really,mommy?"

"Yes,anak"

"Pa'no po?"

"Dati kasing monkey si mommy"-sabay tawa nito.

Tahimik naman ang lahat at hindi natawa sa joke niya. Kaya napayuko na lamang siya ng biglang magtawanan ang mga ito.

"Nakakatawa 'yon?"-tanong niya na may halong pagka pikon.

"Naaalala ko nga 'yan yumi, lumalambitin ka pa nga sa mga sanga ng naka saya"-dagdag ni jovan habang pigil ang pagtawa nito.

"Ikaw kaya 'yun kuya jovan. Dadamay mo pa 'ko"

Palihim naman na nangiti si franco,

"Totoo po 'yun mommy?"

"Ah, no anak..nagbibiro lang si kuya jovan"

Hanggang sa nagkwentuhan na sila ng kung anu-ano.

Hanggang lahat sila ay naka tulog na pwera kay franco at jovan.

"Naka tulog na kakatawa 'yung limang girls natin ah"-ani franco kay jovan.

"Oo nga sir eh, okay 'yan para may lakas mamayang tumawa ulit dahil malayo pa tayo"

"Kaya nga eh. Saan na ba 'to?"

"Muñoz nueva ecija na 'to sir"

"Ahh... nga pala jovan may itatanong ako, 'di ba pinsan mo si yumi?"-mahinang tanong nito. "So, alam mo lahat ng tungkol sakaniya?"

"Yes,sir..lahat lahat po"

"Edi alam mo na hindi tunay na matias si yumi?"

"Paano n'yo nalaman sir?"

"Sinabi n'ya sa'kin eh."

"Ha? Alam na pala n'ya?"

"Oo eh, bakit ba napunta si yumi kila tita sandra?"

"Ang pagkaka alam ko kasi sir hindi magka anak sila tito pancho at tita sandra. Tapos nagulat na lang kami ng may iuwi ang mga ito na sanggol. At si yumi nga po 'yun sir. Hindi sinabi nila tita kung saan nila nakuha ang bata basta sinabi na lang nila na may nagbigay sa kanila. Sa kanila kasi ako noon naka tira dahil 'yung nanay ko nasa ibang bansa 'yung tatay ko naman bata palang ako ng mamatay s'ya. Ako 'yung naging katu-katulong ni tita sa pag-aalaga kay yumi noong bata pa s'ya. Hanggang sa nagbuntis din si tita sa tunay nilang anak."

"Si nathalie 'yun tama?"

"Hindi po"

"Ano?! Paanong hindi?"

"Hindi din po tunay na anak nila tita sandra si nathalie, namatay po ang bata ng maisilang ito"

"A-ano?! Alam ba 'to ni yumi?"

"Baka hindi pa sir"

"Eh kung hindi nila anak si nathalie kaninong anak si nathalie?"

"Hindi po namin alam eh, iniwan lang si nathalie sa simbahan. Wala namang nag report na may nawawalang bata kaya hindi na po sinabi ni tita sa mga pulis na may napulot silang bata. Para kay tita si nathalie ang kapalit ng anak nilang namatay na si natasha."

"Ang dami palang sikreto ng pamilyang kinagisnan ni yumi"

"Opo, tsaka 'yung stroke ni tito pancho pangalawa na 'yun eh. Hindi sinabi ni tita sa mga anak n'ya na na stroke si tito pancho sa saudi. Pero 'yung stroke kasi ni tito 'yung kabilang side lang ng katawan n'ya. Tapos medyo naging okay naman s'ya pero mas pinili nila na 'wag ng pabalikin ito sa ibang bansa"

"Kawawa naman sila nayumi, ang daming lihim ng pamilya nila"

"Sobra po"

"Si yumi ba nagka boyfriend na?"

"Boyfriend sir? Naku wala..napaka mahiyain n'yan. Lalo nung high school ang daming nanliligaw sakanya pero ni isa walang sinagot eh. Tsaka para sakan'ya mas mahalaga ang pag-aaral kaysa sa lovelife"

"Bakit mo pala natanong sir?"

"Hmm..wala naman..gusto ko lang s'yang makilala ng lubusan"

"Nga pala sir, 'yung nakwento ko po sa'tin na lang po sanang dalawa.."

"Oo naman, tsaka pamilya n'ya ang may karapatang magsabi ng katotohanan"

"Tama sir.."

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now