"Celine, ano na? Ano'ng result? Positive ba? Buntis nga ba si yumi?"-sunod-sunod na tanong ni franco ng sagutin ni celine ang tawag niya.
"Alam mo, dapat si yumi 'yung tinawagan mo eh"
"Halla, eh, 'di ba sabi mo 'wag natin ipaalam sakan'ya na may kutob tayong buntis s'ya? Nakalimutan mo agad?"
"Basta.. umuwi ka na lang, nasa'n ka na ba?"
"Nasa office pa, marami pa akong ginagawa eh. Hindi na nga ako makapag focus kakaisip eh. Na e-excite na talaga akong malaman"
"Basta pag uwi mo, si yumi na ang magsasabi sa'yo kung ano'ng result ng pregnancy test"
"Celine naman..parang awa mo na. Sabihin mo na sa'kin..positive or negative?"
"Secret..bye haha!"
"Celine..celine!"
Lalo ngang nataranta si franco kaya inapura niya ang mga ginagawa sa opisina para makauwi na..
Habang nasa biyahe nga ay ang resulta ng pregnancy test ang iniisip niya.
Ang lakas ng kabog ng dib-dib niya ng makapasok na sa bahay.
"Si yumi?"-agad na tanong niya kay irah.
"Nasa garden, sir.."
"Sige..salamat, irah"
"Okay po.."
"Hi, kuya! Nandito ka na pala?"-ani francis.
"Uy.. oo kararating ko lang, ikaw ba? Kanina pa?"
"Mga 1 hour pa lang siguro. Kami na ni yumi ang sumundo kay diana eh, day off ni kuya jovan"
"Ay..oo nga pala noh? Thank you sa pagsundo sa pamangkin mo"
"Walang anuman, kuya.. parang may hinahanap ka?"
"Oo eh, si yumi.."
"Ah..nasa garden..nakatuwaan mag trim ng mga halaman, ang sipag talaga eh."
"Ah, okay..thanks..puntahan ko lang s'ya"
"Ah..wait kuya!"
"Yes?"
"P'wede ba muna tayong mag-usap? May mga konting katanungan lang ako"
"Okay, sure..ano 'yun?"
"Kuya kasi.. Girlfriend ko na si nathalie..nung isang araw pa"
"Really?! Sinagot ka na n'ya? Naks.. may love life na utol ko ah. I'm so happy for you"
"Thanks kuya, sinabi ko na rin kay yumi.. masaya naman s'ya para sa'min ni nathalie"
"Oo, boto naman sa'yo 'yun, 'wag mo lang talagang sasaktan kapatid n'ya. Naku magiging tigre talaga 'yun"
"Yeah.. I know kuya.. hindi ko naman sasaktan si natz. I love her.. siya nga lang sineryoso ko eh.."
"That's good. Ano pala 'yung itatanong mo?"
"Ano 'yung naramdaman mo nung sinagot ka na ni yumi?"
"Siyempre natuwa ako. Sobrang saya ko nung araw na sinabi n'ya na boyfriend na n'ya ako. Kahit alam kong napilitan lang s'ya kasi sabi ko pakakasalan ko s'ya agad. Tapos sabi n'ya kasal agad eh hindi pa nga niya naranasan maging girl friend. Bakit mo pala natanong?"
"Ganiyan din kasi naramdaman ko kuya, ang sarap palang maging seryoso noh? Kaysa 'yung fun fun lang..'yung puro kiss and sex lang 'yung bumubuhay sa relationship n'yo pero walang kilig. Kay nathalie ko talaga naramdaman 'yun kuya.. Pero may aaminin ako sa'yo, hindi ko ito aaminin para saktan ka..aaminin ko 'to para gumaan 'yung pakiramdam ko. Ayoko kasing may inililihim ako sa'yo eh"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...