Chapter 29

164 4 0
                                    

"Oy! Kita namin 'yon ah!"-ani nida pagka alis ni franco para silipin si diana sa cottage.

"Ang alin?"

"Hay nako! Yung sweet moment n'yo ni sir kanina. Akala namin iki-kiss ka na n'ya. Konting konti na lang eh..magdidikit na talaga haha.sayang umiwas pa si sir"

"So,nakita n'yo nga talaga?"

"Oo nga, kitang kita maliwanag 'yung buwan oh. S'yempre makikita namin. Akala ko talaga makaka nood na ako ng live na kissing scene"-ani nida habang kinikilig ito.

"Sira ka talaga"

"Eh,paano kung hinalikan ka nga ni sir? Iiwas ka pa ba?"-tanong ni michelle.

Nilingon pa nito ang pinsan na hindi kalayuan sa kanila na abalang kinukuhanan ng litrato ang karagatan.

"Ako? Iiwas? Hindi ah"-tugon nito dahilan para maghampasan sina nida at michelle dahil sa kilig.

"Aba, ako din hindi noh. Si sir franco na 'yun..ang gwapo tapos iiwas ka pa? Sasayangin ko pa ba ang pagkakataon?"-ani michelle.

"True!"-pagsang-ayon naman ni nida."Ang daming babaeng pinapangarap siya kaya ang swerte ng babaeng mamahalin ni sir franco. Tapos may bonus pang diana na napaka cute at napaka lambing"

Napa isip si yumi dahil sa sinabing iyon ni nida. Tama ito maswerte talaga ang babaeng napupusuan ng binatang ama at siya iyon.

"Babalik na 'ko sa cottage parang sumama bigla 'yung pakiramdam ko eh"-ani yumi.

"Hala,bakit ay?"-nag aalalang tanong ni nida.

"Hindi ko alam eh"

"Tara,sabay na kami ni michelle.

"Sige"

Bumalik nga sila sa cottage at dahil masama ang pakiramdam ni yumi ay pinili niyang sa taas na lang matulog.

Mabuti na lang ay may gamot na dala si franco kaya naman naka inom ito bago mahiga.

"Okay ka lang ba talaga dito? Wala kang katabi?"

"Oo naman po, tsaka pakiramdam ko po para akong lalagnatin kaya hindi ako p'wedeng tumabi kay diana. Ikaw na po munang bahala sakan'ya ah"

"Oo naman, sige.. pahinga ka na"

"Salamat po"

Malalim na nga ang gabi ngunit hindi pa rin makatulog si franco laman ng isip niya si nayumi.

"Kung hindi talaga n'ya ako gusto bakit s'ya gumaganti ng halik kapag hinahalikan ko s'ya tsaka 'yung mga tingin n'ya kapag nahuhuli ko s'yang naka tingin umiiwas s'ya. Hindi ko maintindihan kung wala nga ba talaga s'yang nararamdaman para sa'kin"-wika nito sa sarili habang nakatagilid ng higa.

Dahil alam nga niyang masama ang pakiramdam ni yumi ay bumangon ito at umakyat sa itaas para tignan ang kalagayan ng dalaga.

Nakita nga niyang naka baluktot ito at nanginginig maging ang mga labi ay nangangatal din.kahit balot na balot naman ang katawan nito ng kumot. Kaya mabilis siyang pumanik at tumabi kay yumi at agad itong niyakap.

Pero hindi pa rin nawawala ang panginginig ni yumi kahit yakap na niya ito.

Dinoble na nga niya ang kumot nito pero ganoon pa rin.

"Dalhin na kaya kita sa ospital"

"A-ayoko po"-tugon nito habang ginaw na ginaw.

May naisip ngang gagawin si franco kaya hinubad nito ang suot niyang damit.

"Walang malisya ito yumi ah. Pero ito 'yung naiisip kong way para maibsan ang panginginig mo"

Hindi nga kumibo si yumi at hinayaang gawin ang naisip ni franco.

Mommy For HireWhere stories live. Discover now