Nang magising nga si franco dahil sa masamang panaginip na iyon ay hindi na ulit siya nakabalik sa pagtulog.
Nakahiga lang siya sa tabi ni yumi habang pinagmamasdan ang mukha nito.
Niyakap nga niya ito at hinalikan sa noo,
"Akala ko talaga totoo na, panaginip lang 'yun pero napakasakit. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari 'yon"-tsaka niya ito muling niyakap.
Maya-maya nga lang ay bumangon na ito para mag kape at makapag luto na rin ng almusal.
"Uy! Kuya franco? Talaga ba? Ikaw nagluluto?"-tanong nga ni nathalie.
"Ah oo naman.. lagi na lang kasi akong late ng nagigising hehe. Malapit ng maluto itong break fast natin. Sila nanay sandra at tito pancho nga pala naka alis na sila"
"Oo kuya, maaga talaga umaalis 'yun at nagbubukas. Tapos si nanay mamamalengke pa."
"Ang sipag nila 'no?"-saad ni franco.
"Sobra kuya, lalo na 'yan si tatay. Kaya nga napabayaan n'ya kalusugan n'ya eh. Ngayong magaling na ayan nanaman."
"May itatanong pala ako sa'yo natz"
"Ano 'yun kuya franco?"
"Naniniwala ka ba sa panaginip?"
"Huh? Panaginip?. Naku hindi kuya. Panaginip lang 'yun. Hindi 'yun nangyayari. Bakit mo pala natanong?"
"Ah..wala naman. May panaginip kasi ako na hindi maganda eh"
"Talaga kuya? Ano ba 'yun?"
"Si ate yumi mo daw kasi nakunan eh. Kaya nga maaga akong nagising kasi hindi na ako ulit makatulog"
"Wag mo ng isipin 'yun kuya, hindi 'yun mangyayari. Mai-stress ka lang"-sabay tapik nga ni nathalie sa balikat niya.
"Ah.. mag kape ka na, ako na magtitimpla"
"Naku..hindi na kuya, ako na. Nakakahiya"
"Maupo ka na dito"-ssbay hatak nga ni franco ng silya at inalalayan pa sa pag upo si Nathalie. "Ipagtitimpla na kita, magkakape ulit ako e hehe. Tsaka may dalawa pa akong tanong sa'yo"
"Thank you kuya, sige lang kahit ano 'yan sasagutin ko"
"Bakit nga pala ang aga mong nagising?"-tanong nga ni franco habang nagtatakal ito ng kape.
"Nasanay na mga mata kong nagigising ng maaga eh. Tsaka may pasok din naman ako. Si diana nga pala malikot palang matulog 'no? Parang orasan umiikot"
"Haha! Totoo 'yan. Kaya nga maluwang kama no'n eh kasi malalaglag talaga sa sobrang likot matulog"
"Ano nga pala itatanong mo kuya?"
"Kilala mo ba si flor? 'yung bestfriend ni ate yumi mo?"
Tsaka nga niya nilagyan ng mainit na tubig ang dalawang tasa tsaka ito hinalo at ibinigay kay nathalie 'yung isa.
"Si ate flordeliza? Oo kuya. Bakit 'yun?"
"Gusto ko kasi siyang makita"
"Ha? Bakit naman kuya?"
"Gusto kong magkita ulit sila ni yumi, at makapag usap eh. Diba bestfriends sila? Okay na lahat eh. Yun nalang ang kulang ang magkita at magka usap ulit sila"
"Hanga talaga ako sa'yo kuya franco, gagawin mo talaga lahat para kay ate yumi 'no? Para sa ikakasaya n'ya"
"Oo naman, at alam kong ganoon din si francis sa'yo"
"Ewan lang kuya hehe. Hindi ko na matandaan 'yung bahay nila ate flor eh. Isang beses lang akong nakapunta do'n pero may kilala ako na makakatulong sa'tin para mahanap s'ya"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...