Chapter 14

188 6 0
                                    

Nakita nga niya ang ina na inaasikaso nito ang ama, nilalagyan niya ito ng bimpo sa likod. Lumapit si Nayumi at huminto sa likuran ng ina.

"Y-yumi"-saad ng ama nito kaya agad napalingon ang kaniyang ina.

"Oh? Akala ko ba maliligo ka na?"

"Ano 'to 'nay?"-sabay taas niya ng hawak niyang papel.

"Ano'ng ano 'yan? Ano ba 'yan?"-kukuhanin sana ni sandra iyon mula kay yumi pero inilayo iyon ni yumi.

Luhaan ang mga mata ng dalaga habang kaharap nito ang ina,

"Anak, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba umiiyak? At bakit ayaw mong ipakita sa'kin 'yan?"

"Ahm tay, usap lang po kami ni nanay ha."

Tumango naman ang ama nito kaya lumabas ito mula sa kwarto ng mga magulang. Sumunod din naman sakaniya si sandra.

Sa kwarto ni nayumi sila pumasok at ni-lock iyon ng dalaga.

"Ano bang pag-uusapan natin bakit kaylangang i-lock mo pa ang pinto mo?"

"Nay, isa lang po ang gusto kong malaman.. ang katotohanan. Wala po sanag halong kasinungalingan"

"Ano bang ibig mong sabihin? Bakit hindi mo na lang ako diretsahin?"

"Anak mo ba talaga ako? Anak n'yo ba talaga ako ni tatay?!"

"Aba'y oo naman! Bakit naman gan'yan ang tanong mo?"

"Gaya po ng sabi ko, ang gusto ko lang po ay ang katotohanan"

"Ano bang tinutumbok mo ha nayumi?"

"Alam ko na po! Alam ko na!"-hindi na naiwasan ni nayumi na masigawan ang ina.

Napa dukdok ito sa pader ng kaniyang kwarto habang umiiyak ito,

"Alin ba ang alam mo na?"

"Nay naman! Lulusot ka pa ba? Alam kong gets mo ko.. alam ko."-sabay harap nitong muli sa ina.

Iniabot nga niya ang hawak na papel na naglalaman ng liham ni Olga.

"Paano?--- papaano mo itong nakita?"

"Sa picture frame po! Kaya ngayon n'yo po sabihin sa akin na anak n'yo 'ko. Nagalit ka sakin nung malaman mong nagpapanggap akong mommy ni Diana pero ikaw din naman po pala may inililihim sa akin. Ano pong pinagkaiba nating dalawa?"

Luhaan na rin ang mga mata ni sandra, hindi niya akalain na malalaman din ni Nayumi ang katotohanan.

"Sana pala sinunog ko na 'tong letter na 'to eh. Para di mo na nabasa pa"

"So, wala ka po talagang balak sabihin sa akin ang totoo?"

"Dahil anak kita! Para sa akin anak kita! Nabasa mo naman 'yung sulat 'di ba? Yung tunay mo ng ina ang nagsabi na 'wag kong sabihin sa'yo ang totoo"

"At sinunod mo naman po s'ya 'nay? Karapatan ko pong malaman ang totoo."

"Dahil ayokong masaktan ka. Ayokong malaman mo na ipinamigay ka ng sarili mong ina. Pero tama ka, karapatan mong malaman ang totoo. Katotohanan na matagal ko ng itinago, na ayaw ko na sanang malaman mo pa"

"Ano po ba talagang nangyari? Bakit n'ya 'ko inabanduna? Bakit n'ya 'ko pinamigay?"

Naupo si Sandra sa kama ni nayumi tsaka ito nagsimulang magkwento.

"High school Bestfriends kami ni olga, pareho kaming nangangarap mag artista noon. Kaya naman ng maka graduate kami ng high school kung saan saan s'ya nag audition. Siya pinalad na matupad ang pangarap n'ya kasi magaling din s'yang kumanta pero ako hindi, kaya ginive-up ko na lang 'yung kagustuhan ko at nagpatuloy sa pag-aaral sa college. Pero si olga unti-unti ngang natupad ang pangarap n'yang maging sikat na artista. Nagkaroon na s'ya ng mga teleserye at mga commercials. Proud na proud ako sakan'ya kasi pinilit talaga n'yang matupad ang pangarap n'ya kahit hindi suportado dito ang nanay n'ya"

"Tapos ano pong nangyari?"

"Nagka boyfriend s'ya ng kapwa n'ya artista. Naging leading man n'ya 'to sa mga ilang teleserye nila. Hanggang sa nabuntis nga s'ya at 'yun si Celine..pero namatay 'yung lalaki. Kaya naman mag-isang binuhay ni olga ang anak na si celine. Nalugmok noon si olga sa pagkawala ng ama ni celine. Alak ang kinapitan n'ya, alak ang inisip n'yang paraan para panandaliang makalimot sa mga pinagdadaanang problema at kalungkutan. Hanggang sa nawalan na s'ya ng mga projects wala na s'yang t.v show.  Sa madaling salita nalaos na s'ya. At 'yun ang naging dahilan kaya naitago n'ya ang pagbubuntis sa'yo..oo anak, itinago n'ya ang tungkol sa'yo sa publiko dahil na rape lang s'ya."

"A-ano ho? B-bunga ako ng rape?"-muling naluha si nayumi ng malaman niya iyon.

"A-alam n'yo po ba kung sino ang nan-rape sakan'ya? Sinabi n'ya po ba sa'yo?"

"Hindi eh, ayaw n'yang sabihin sa'kin kahit ano'ng pilit ko kung sino 'yung hayop na 'yun. Hanggang sa tinawagan ulit s'ya ng management. May bago ulit s'yang gagawing teleserye kaya hayun ibinigay ka n'ya sa'kin at tuluyang inilihim ang tungkol sa'yo. Pero alam kong mahal ka n'ya, kahit hindi n'ya 'yun sabihin sa akin. Dahil hindi ka pa rin n'ya pinabayaan. Pinadadalhan n'ya pa rin ako para sa mga pangangaylangan mo tsaka tatlong buwan ka na no'n ng ibigay ka n'ya sa'kin. Kaya alam kong mahal ka n'ya anak."

"Sinasabi mo lang po 'yan para hindi ako gaanong masaktan pero ang totoo hindi talaga ako mahal ng tunay kong ina. Si celine lang ang mahal n'ya. Para sakan'ya si celine lang ang anak n'ya. Dahil kung mahal n'ya rin ako hindi n'ya ako ipamimigay. Hindi n'ya ako itatago kahit bunga lang ako ng kasalanan. Sabi nga n'ya sa sulat 'di ba? Hindi n'ya kayang makita ako dahil tuwing nakikita n'ya ko naaalala n'ya ang pambababoy sakan'ya ng ama ko"

"Pero anak, bali-baliktarin man ang mundo s'ya pa rin ang mama mo, s'ya pa rin ang nagluwal sa'yo dito sa mundo. Gusto mo ba s'yang makita at makilala?"

"Hindi na po 'nay, para saan pa ba? Tsaka kilala ko na rin naman s'ya hindi nga lang ng personal. Pero okay na 'yun"

"Hindi mo ba s'ya kayang patawarin?"

"Hindi ko po alam..paano ko naman patatawarin 'yung taong hindi naman humihingi ng tawad 'di ba? Ang mahalaga po sa'kin alam ko na ang totoo. At masaya din ako dahil kadugo ko pala si diana. Pamangkin ko ho s'ya. Kaya pala ang gaan gaan ng loob ko do'n sa bata kasi may koneksyon pala kaming dalawa"

"Oo anak, pamangkin mo si diana. Kaya nagulat ako ng sabihin mong si Celine ang nanay n'ya.kaya nga ayoko sanang magpanggap kang nanay ni diana kasi alam kong masasaktan din 'yung bata kapag nalaman n'ya ang totoo"

"Kung noon po na hindi ko alam na magka dugo kami e minahal ko na s'ya lalo pa ngayon na alam kong pamangkin ko s'ya. Ako po ang magbibigay ng pagmamahal na hindi ibinigay sakan'ya ni celine."

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now