Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 7
"Ay, weh? Hindi nga? Nanganak na si yumi?"-hindi makapaniwalang tanong ni irah ng ibalita sa kaniya ni nida na nanganak na si yumi.
"Oo nga, sorry ah. Hindi ka na namin natawagan eh. Sobrang busy kasi tapos 'yung taranta namin ni michelle habang sinusugod namin s'ya sa ospital, Akalain mo 'yun dalawa lang kami ni michelle wala kaming ibang kasama kasi wala sila. Tapos wala ka din"-tugon ni nida mula sa kabilang linya.
"Sorry ah, nasakto pa sa day-off ko. Kumusta naman panganganak n'ya?"
"Ano ka ba? Wala 'yun 'no, ano naman malay mo na manganganak s'ya sa mismong day-off mo. Okay naman, malulusog 'yung mga bata. Ang gaganda"
"Puro babae pala? Naks naman. Puro yumi pala eh. Talagang magaganda mga 'yon eh ang ganda-ganda ni yumi eh at ang pogi ni Sir Franco"
"Oo babae pareho, Si Cheska at Anne. Iyan Nick name nila"
"Naks.. ang ganda.."
"May isa pa akong chika sa'yo, Irah"
"Talaga? Ano pa?"
"Alam mo bang si eriz ay step brother pala ni james?"
"Weh? Hindi nga? Paano naman nangyari 'yon?"
"Kasi nga 'yung step father ni james at 'yung totoong tatay ni eriz ay iisa. Hindi pala n'ya tunay na ama 'yung kinilala n'yang ama eh. Kasi nga buntis na pala 'yung nanay n'ya nung mapangasawa 'yung kinilala n'yang ama"
"Nakaka tuwa naman, Akalain mo mayaman pala si imaw?"
"Wahahaha. Grabe sa imaw ah. Pero oo. Kasi nga 'yung iniwan daw na pera kay james, ibabalik kay eriz at 'yung ibang properties. Pero sabi sa akin ni eriz paghahatian daw nila ni james 'yon eh"
"Ang bait naman ni eriz"
"Pareho lang sila ni james"-tugon ni nida.
"Nga pala hindi ba't nililigawan ka pa rin hanggang ngayon ni eriz? Edi kapag nagkatuluyan pala kayo. Magiging mayaman ka na din. Matutupad mo na pangarap mo girl na maging mayaman. Matutupad mo na 'yung pangarap mong mabigyan ng magandang buhay at bahay ang lola mo"
"Oo, tama ka.. Pero dati 'yon. Narealized ko kasi hindi maganda na iasa ko sa tao o sa mapapangasawa ko 'yung pagyaman ko. Kahit naman hindi ko alam na mayaman pala si eriz, siya na talaga ang gusto ko eh. Kaya nga nalungkot ako ngayon"
"B-bakit naman? Bakit ka nalungkot? Hindi ba dapat masaya ka?"
"Pinatagal ko ng pinatagal panliligaw n'ya eh, tapos bigla ko s'yang sasagutin. Baka isipin ng mga taong nakapaligid sa amin. Sinagot ko s'ya kasi may pera na s'ya"
"Edi hayaan mo lang sila, hindi naman nila alam ang totoo. Kung alam lang nila na matagal mo ng gustong sagutin si eriz pero hindi mo ginawa kasi sabi mo hayaan lang muna. Kung talagang seryoso s'ya makakapaghintay s'ya. Hindi ba't 'yun ang sabi mo?"
"Oo, 'yun nga.. Pero parang mas gusto ko 'yung dating siya. Kasi kapag mayaman 'di ba laging busy 'yan. Lalong busy sa pagpapayaman.. tsaka baka magbago si eriz kasi biglang yaman eh"
"Wag kang mag-isip ng gan'yan, si eriz pa ba? Hindi 'yun magbabago. Mabait kaya 'yun tsaka hindi na hihigpit turnilyo no'n. Tsaka hindi lahat ng yumayaman nagbabago o yumayabang.. iba si eriz.. napaka humble kaya no'n."
"Tama ka, Irah. Salamat.."
"Sino palang kasama nila yumi sa ospital?"
"Si sir franco..Kaylan ka pala babalik dito? Bukas na ba?"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...