"Pasensya na talaga, Mrs.Velasquez sa ginawa ng fiance ko..buntis kasi eh"-pagpapaliwanag ni franco.
"Wow! Buntis pala s'ya? Congrats..tapos ikakasal na kayo. Mukhang ang bata pa n'ya ah?"
"Yes po, 23 pa lang s'ya eh..next month 24 na s'ya. almost 11 years din tanda ko sa kaniya eh"
"Kaya dapat doble talaga gawin mong pagpapasensya at pang-unawa..bukod sa bata pa, buntis pa.. Nakikita ko 'yung sarili ko sa kan'ya nung buntis din ako eh.. pinagseselosan ko din mga katrabaho ng asawa ko maging sa secretary n'ya..iniisip ko na baka nambabababe s'ya kasi nga buntis ako. Pero tamang hinala lang pala ako hehe"
"Gano'n din po ginagawa ko sa kan'ya, doble talaga ginagawa kong pagpapasensya at pag-iintindi. May pagka tigre din talaga hehe. Hindi ka p'wedeng magtampo kasi mas magtatampo s'ya"
"Hahaha. Ganiyan talaga ang mga babae, franco"
"Matanong ko lang po, ilang taon na 'yung anak mo?"
Pero biglang lumungkot ang mukha nito..
"Nakunan ako eh.. lagi kasi akong stress kakaselos ko..umiiyak ako gabi-gabi kahit wala namang dahilan. Basta..hindi ko naalagaan 'yung ipinagbubuntis ko..sana apat na taon na s'ya ngayon kung nabuhay lang s'ya. Hanggang ngayon hindi na ako nagbuntis eh"
"I'm sorry to heard that"
"It's okay, kaya ikaw alagaan mo 'yang mapapangasawa mo.. mahirap magsisi sa huli..ang buntis napaka sensitive n'yan.. kapag may hiningi 'yan o hiniling na hindi mo naibigay naku humanda ka na"
"Salamat po sa advise. Promise po gagawin ko 'yan"
"Okay, tuloy na natin 'yung pinag-uusapan natin about business"-pag-iiba nito.
Nang matapos nga ang meeting nila ay pinuntahan na niya si yumi.
Sa stairs nga ng mall niya ito nakita kaya umakyat siya doon at iniabot ang palad niya kay yumi.
Nag angat naman ng tingin ito,tsaka mabilis na tumayo at yumakap kay franco.
"Love, sorry..sorry talaga..hindi ko sinasadya..akala ko talaga kung sino lang 'yung babaeng 'yun eh. Akala ko talaga ka date mo 'yun..sorry ahh"-saad nito habang nakayakap kay franco.
"Okay na 'yun love, naiintindihan naman ni Mrs. Velasquez. Nasabi ko rin sa kan'ya na buntis ka. 'wag mo ng isipin 'yun.."-tsaka niya hinalikan sa mga labi si yumi. "I love you, at hinding hindi ko magagawang makipag date sa iba"
"Ang ganda kasi n'ya eh, kaya nagselos ako"-naka ngusong tugon nito.
"Bakit? Maganda ka rin naman ah"
"Wag mo na akong bolahin, mas maganda 'yung regine na 'yon"
"Regine? Sino nanamang regine?"
"Yung asawa ni ogie alcazid"
Napasapo naman sa noo si franco habang nangingiti.
"Ikaw talaga, love..hindi si regine velasquez 'yun.. Si Mrs.Anna Velasquez 'yon."
"Gano'n na rin 'yun..basta..ang ganda ganda n'ya..akala ko nga dalaga eh"
"Mas maganda ka do'n.. Nga pala love ano'ng ginagawa mo dito?"
"Hinatid ko si diana kanina sa school, tapos dumiretso ako kila nanay.."
"Umuwi ka?"
"Oo, sinabi ko na sa kanila na buntis ako"
"Ha? Bakit sinabi mo na agad love? Dapat dalawa tayong nagsabi"
"Ay.. sorry ah!! Sorry! Kung sinabi ko na agad.. napaka busy mo kasi eh..kaya ako na lang nagsabi.. 'di ba nga kaya kita pinapa absent kanina? Pero sabi mo marami kang aayusin sa opisina!"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...