Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 10
Hindi na nga napigilan ni francis ang sarili na masaktan habang binabasa ang kabilang pahina ng note book na iyon ni nathalie.
Dear Diary..
'Magkasama nga kami ngayon ni kuya james dahil nandito siya ngayon sa bahay. Hinatid kasi niya si ate dito. Ang saya-saya ko talaga kapag kasama ko siya, Mahal ko na yata si kuya james..alam kong bata pa ako pero si kuya james ang gusto kong makasama habang-buhay. Siya ang lalaking Pangarap ko. Kagaya ni tatay mabait din siya at maalaga. Kaya naman hihintayin ko ang tamang panahon kapag puwede na, aamin ako sa kaniya, sasabihin ko sa kaniya ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya.'
At itinuloy pa nga ni francis ang pagbabasa kahit pa nga nasasaktan na siya.
Dear Diary
'Para sa akin ito ang pinaka malungkot na araw ko, ang tagal ko ding hindi nakapag sulat. Nalaman ko kasi na may gusto pala si kuya james sa ate yumi ko. Sobrang sakit no'n kasi gustong-gusto ko siya pero si ate ang gusto niya. Hindi pa man ako umaamin nasaktan na ako agad. Pero kaya ko 'to. Mas importante si ate sa akin at kahit masakit support pa rin ako sa kanila. At magmo-move-on na lang ako.'
"Mahal?!"
Napahinto nga sa pagbabasa si francis ng tawagin siya ni nathalie at naka tingin ito sa hawak niyang note book.
"Mahal naman! Bakit nasa'yo 'to!"-tanong nga ni nathalie ng agawin niya mula kay francis ang notebook niya. "Bakit mo ginagalaw ang gamit ko?"
Tumingin naman si francis sa kaniya na luhaan ang mga mata.
"So si james pala?"
"Matagal na 'yon!"
"Alam kong matagal na. Pero wala kang sinasabi sa'kin. May lihim ka palang pagtingin sa kapatid ko na ngayon ay boyfriend ni celine. Kaya pala ganoon ka nalang din kung tumingin sa dalawa! At napapansin ko kapag magkakasama tayo nila james nagiging tahimik ka. Parang nawawala sa mood lalo na kapag naglalambingan ang dalawa. Kasi nasasaktan ka 'no?"
"Hindi 'yan totoo Francis!"
"Ow! Come on! Itatanggi mo pa talaga?! Obvious na obvious naman natz! Akala ko noon talagang wala ka lang gana pero may dahilan pala. Na kahit kasama mo 'ko hindi mo magawang maging masaya"
"Masaya ako sa'yo, mahal! Ikaw lang ang nag-iisip n'yan. Oo first crush ko si kuya james. First love gano'n. Pero high school pa ako n'yan! Ang tagal-tagal na no'n!"
"Oo matagal na, pero kapag mahal mo 'yung tao, kahit gaano katagal pa 'yun. Kahit ilang taon pa ang lumipas mananatili 'yung pagmamahal mo doon sa tao. Masasabi mo lang na naka move-on ka na kapag hindi mo na siya nakikita. Pero kapag nakita ko s'ya ulit. Babalik ang lahat! At gano'n ang nangyari sa'yo 'di ba?"
"Of course not, francis! Bakit ba ang kulit mo?!"
"Kung wala ka na talagang feelings sa kaniya, bakit mo pa 'yan tinago? Tsaka pahiram ulit. Ang dami ko pang hindi nababasa eh"-tsaka akmang aagawin iyon ni francis pero inilayo ni nathalie.
"Bakit ayaw mong mabasa ko kung ano pang nilalaman n'yan? Natatakot kang malaman ko pa ang ibang sikreto mo?!"
"Personal kong gamit 'to, francis! Hindi mo dapat binabasa! Tsaka wala akong ibang sikreto!"
"Boyfriend mo 'ko!"
"Alam ko! Pero hindi mo dapat pinakealaman 'to!"
"Mahal mo ba talaga ako?! Answer me!"
"Ano bang klaseng tanong 'yan?!"
"Uulitin ko! Mahal mo ba 'ko?!"
"Siyempre, Mahal kita!"
"Pwes, patunaya mo!"
"Huh? Paanong---"
"Marry me"
"A-ano?"
"Bakit ayaw mo? Kasi si james ang gusto mong mag propose sa'yo? Kasi siya ang lalaking pangarap mo 'di ba?"-sabay tulo muli ng mga luha nito. "Alam mo bang ikaw pa lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Ikaw pa lang ang iniyakan ko.. pero 'yung babaeng mahal ko, hindi pala ang kagaya ko ang pangarap niyang makasama habang-buhay"
"Hindi sa gano'n, mahal. Nakaka bigla ka naman kasi. Ang bata ko pa para sa mag-asawa. Kaka graduate ko lang at dalawang buwan pa lang na nagta trabaho tapos aayain mo agad ako ng kasal? Hindi ko pa nga natutupad ang pangarap ko para kila nanay at tatay eh"
"P'wede mo naman gawin 'yan kahit kasal na tayo. Kagaya ng ginagawang pagtulong nila kuya kila tito at tita 'di ba?"
"Ayoko pa, francis. Please wala namang sapilitan oh..."
"Isa lang ang ibig sabihin n'yan.. hindi ako ang lalaking gusto mong maging asawa. May hinihintay kang iba. At si james 'yon"
"That's not true! Tumigil ka na nga! Hindi mo dapat s'ya pinagseselosan! Ikaw ang boyfriend ko at siya may girlfriend na rin"
"Why not? Eh, siya ang gusto ng girlfriend ko. Wala ka ngang balak sabihin sa akin ang tungkol dito 'di ba?"
"Dahil alam kong ganito ang magiging reaksyon mo!"
"I don't know, natz. Basta ang alam ko lang masakit! Ang sakit! Sakit!"
"Para 'yun lang nasasaktan ka na? Ako ba? Tinanong mo kung nasasaktan ako kapag naiisip ko na ang dami ng babaeng nagdaan sa buhay mo! Na ang dami ng babaeng naka hawak sa katawan mo! Na ang dami mo ng babaeng naikama! Hindi 'di ba?!"-sabay iyak nga nito at tumalikod kay francis.
"Dahil ang alam ko, tanggap mo 'yung past ko..pero hindi naman pala"
"Tanggap ko 'yun!"-sabay harap niyang muli kay francis. "Pero ikaw dahil lang sa nabasa mong 'yon nagkakaganyan ka na! Inaaway mo na 'ko!"
"Kung talagang tanggap mo? Bakit ka nasasaktan?"
Umiling-iling lang si nathalie habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
Lumapit nga si francis sa kaniya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.
"Akala ko, nahanap ko na.. akala ko natagpuan ko na 'yung babaeng tanggap ako ng buong-buo. Na tanggap ang nakaraan ko. Pero hindi pala.. at least nalaman ko din.. na nasasaktan ka dahil sa nakaraan ko..kahit hindi mo naman sabihin sa akin, alam ko.. alam kong nasasaktan ka. Baka nga nandidiri ka pa sa akin 'di ba?"
"No! Of course not!"
"Sa ibang araw na lang natin puntahan ang daddy mo.. gusto ko ng umuwi. I'm tired"-tsaka niya binitiwan si nathalie at lumabas na ito ng bahay.
"Francis! Subukan mo 'kong iwan! Bumalik ka dito! Ano ba?!"
Pero tila walang naririnig si francis dahil nagdire-diretso ito sa paglakad hanggang sa makasakay nga ito ng sasakyan niya at tuluyan ng umalis..
Itutuloy...
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...