"Ano ba kasi 'yun nida?! Ano nanaman nagawa ko sa'yo?!"-inis na tanong ni nayumi kay nida matapos siya nitong kaladkarin palabas ng kusina.
"Kanina ko pa talaga 'tong gustong gawin eh, kaso nandoon 'yung bata. Kumusta pagpapanggap bilang mommy ni diana? Masarap ba?!"-ani nida habang hawak pa rin niya ang braso ni nayumi.
Nagpumiglas naman si yumi dahilan para mabitiwan siya nito.
"Ay oo! Masarap talaga. Kasing sarap ng mga luto ko hehe"
"Kahit kaylan pilosopo ka talaga! Hoy ikaw! Lubuslubusin mo na ang pagpapanggap mo. Kasi hindi magtatagal matatapos din 'tong masasayang mga araw mo. Kapag bumalik si ma'am celine, tapos ang maliligayang araw mo dito sa mansyon! Nganga ka na lang!"
"Edi kapag bumalik, edi tsupi na ako. Gano'n lang ang life."-sabay hawi nito ng buhok papunta sa likod. "Tsaka sa tingin mo ba papayagan pa s'ya ni sir franco na tumungtong dito? Pagkatapos n'yang iwan at pabayaan ang sarili n'yang anak?"
"Huwag kang pakakasiguro yumi, dahil hindi mo alam kung gaano kamahal ni sir franco si ma'am celine. Kung 'yung wala ngang anak na nag-uugnay sa kanila eh nagkakabalikan pa.. sila pa kaya na may diana?"
Bahagyang natahimik si nayumi dahil sa sinabing iyon ni nida, batid niyang may punto ang malditang kasambahay.
''Wala naman akong magagawa kung sakaling magkabalikan sila eh, buhay nila 'yon..relasyon nila 'yon.basta ako trabaho lang ang lahat sa akin. Walang personalan"
"Talaga lang ha? Wala ba talaga? Eh feel na feel mo nga ang pagiging mommy nung bata..tsaka ang pagbubuhay mayaman dito. Kahit ang totoo pekeng ina ka lang naman!"
"Sabihin mo na kung ano'ng gusto mong sabihin sa akin maldita ka! Basta ako nagtatrabaho para sa pamilya ko. Para sa tatay kong paralyzed at sa pangarap ko. Napaka dami mo namang time para pag aksayahan ang pangengealam sa buhay ko. Sumasahod ka ba sa ginagawa mo?"
"Aba! Lumalaban ka na?! So ano? Mayabang ka na? Kasi may papel ka na sa bahay na 'to?"
"Hindi lang papel, may ballpen din ako. Hiramin mo minsan. Magsulat ka sa diary mo!"
"Tsk! Ang yabang na nga! Hoy ante! Babagsak ka rin!"
"Hindi bale na basta pababa 'wag lang pataas. Kahirap kaya kapag pataas ka nalalaglag 'di ba?!"-pamimilosopo ng dalaga upang mainis lalo sakaniya ang malditang si nida.
"Tsaka isa pa 'di ba sabi ko sa'yo 'wag kang lalapit kay sir francis? Oh eh bakit lapit ka parin ng lapit?"
"Ha? Kelan? Kelan mo sinabi na 'wag akong lumapit? Sa pagkakatanda ko ang sinabi mo mag-ingat ako sakan'ya. Hindi mo sinabi na 'wag akong lumapit"
"Gano'n na rin 'yon!"
"Magkaiba 'yun tangek tangek naman 'to. Paano naman nagkapareho 'yung mag-ingat sa lumapit? Kinder nga alam 'yun eh"
"Oh? Edi ikaw na! Wow! Ikaw na matalino."
"Ay hehe..salamat naman do'n. I love it!"
"Mukha mo!"
"Maganda hehe.."
"Yuck! Maganda daw s'ya!"
"Pero ano bang dahilan mo kung bakit ayaw mo akong palapitin sa magiging boyfriend ko?"
"Ano?!"-gulat na tanong ni nida. "Magiging boyfriend mo?! Ibang klase na talaga ang kayabangan mo nayumi! Lumelevel-up! Sagad na sagad!"
"Yes, kasi..kaya kami magkasama kagabi kasi gusto n'ya daw akong ligawan"-bulong niya kay nida dahilan para mainis pa ito.
"Sinungaling! Sinasabi mo lang 'yan! Bakit ka naman liligawan ni sir francis?!"
"Eh, bakit hindi s'ya mismo ang tanungin mo? Ang sabi pa nga n'ya ipagpapaalam n'ya kay sir franco ang panliligaw n'ya sa'kin kasi 'di ba nga ang alam nung bata kami ni sir franco ang mag-asawa? Eh baka magulat 'yun kapag nalaman n'ya na nililigawan ako ng tito dada n'ya"
Sa sobrang inis ni nida sakaniya ay nilayasan siya nito.
Para itong batang paslit na hindi pinahiram ng laruan.
Tawang-tawa si nayumi pagkatapos nga siyang layasan ni nida.
Pakiramdam niya ay nakaganti na siya sa pagmamaldita sakaniya nito.
"Uhmm..ehem!"-ani francis dahilan para mapatalon sa gulat ang dalaga.
"S-sir?!"
"Ano'ng sabi mo kay nidz?"
"Hala sir, nand'yan ka po pala.. joke lang po 'yun..sorry po..kasi si nida po eh. Kung ano po 'yung narinig mo joke lang po 'yun."
Binasa naman ni francis ang itaas na labi gamit ang dila nito sabay tumitig sa dalaga.
"G-galit ka sir?"-nanginginig na tanong ni nayumi.
Seryoso ang tingin nito sakaniya ng bigla itong ngumiti.
Dahilan para makahinga ng maluwag ang dalaga.
"Ano ka ba? Okay lang 'yun.buti nga sinabi mo 'yun eh. Para tigilan na rin n'ya ako"
"H-hindi k-ka po galit?"
"Bakit naman ako magagalit? Sa totoo n'yan masaya ako."
"Bakit ka naman po masaya? Tsaka ano pong sabi mo? Para tigilan ka na n'ya? Bakit ho?"
"Kasi.."
"Kasi?"
"Kasi matagal ng may gusto sa akin si nida"-tugon ng binata kaya napanganga si nayumi.
"Hala. Kaya pala..kaya pala nung unang araw ko dito tapos pinuri mo 'ko bigla n'ya akong hinatak. At sinabi na mag-ingat ako sa'yo.. ngayon malinaw na sa akin..gusto ka pala n'ya"
"Oo, at alam mo ba kung ano'ng pinaka worst?"
"A-ano po?"
"Pinagkalat ba naman n'ya na boyfriend daw n'ya 'ko. Nakarating sa akin 'yun nung sabihin sa akin ng barkada ko. Kasi 'yung kasambahay nila nakaka tsismisan nitong si nida. Edi hayun kumalat na nga dito sa buong subdivision."
"Nakakatawa naman po, talagang ginawa po 'yun ni nida?"
"Yup. Kaloko noh? Muntik ko na ngang palayasin 'yan dito eh. Kaso sayang din kasi. Magaling sa paglilinis ng bahay tsaka mapagkakatiwalaan naman.Iba lang talaga nagagawa ng paghanga."
"Parang ako din po pala s'ya eh"
"Ha?! You mean pinagkalat mo din na may boyfriend ka kahit wala naman? Or ipinagkalat mo din na boyfriend mo 'yung taong gusto mo?"
"Hindi po.. 'yung kanina ay? 'Di ba sabi ko po sakan'ya liligawan mo 'ko? Pa'no po 'yan kapag may pinagsabihan s'ya? Naku..nakakahiya. sorry talaga sir,babawiin ko nalang po mga sinabi ko sakan'ya"
"No! Don't do that..hayaan mo s'yang maniwala..alam mo gan'yan sa'yo ang gusto ko sa babae"
"P-po?"
"Mabait pero palaban."
"Ahh..hehe..akala ko kung ano na."
"Tama 'yan..'wag kang magpapa api..mabait naman 'yang si nida. Ewan ko ba kung bakit ang init ng ulo sa'yo. Yang si nida lola lang n'ya nagpalaki sakan'ya. Nung naghiwalay 'yung mga magulang n'ya. Ibinigay s'ya ng nanay n'ya sa lola n'ya. Wala rin 'yang kapatid na nakasama. Kaya nung mamatay lola n'ya mag-isa na lang s'ya sa buhay.."
"Ang lungkot po pala ng naging buhay ni nida,sir.."
"Tama ka..kaya pagpasensyahan mo na lang minsan. Pero kung lumalabis na isako mo na..kasya sa sako 'yan maliit lang naman."
"Ay..haha..grabe ka sir ha..bad 'yun"
"Joke lang hehe. Sige na pakihain na 'yung iniluto n'yo ni diana. Gutom na 'ko e"
"Ah..sige po"-tugon ng dalaga at agad na bumalik sa kusina.
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...