Chapter 90

98 2 0
                                    

Maaga ngang umuwi si franco at ipinagawa nga niya ang lock ng kwarto ni yumi, natatawa na nga lang si yumi dahil tinupad nga nito ang sinabi kagabi.

"Love, okay na. Wala ng makakagambala."-bulong nito kay yumi.

"Multo ba? At makakagambala talaga?"

Silang dalawa nga lang ngayon sa bahay dahil si diana ay nasa eskwelahan pa.

"Sige na love, tuloy na natin 'yung napurnada kagabi"-naka ngising saad nito.

"Tuloy mo mag-isa, bahala ka d'yan. Akala mo talaga makaka puntos s'ya eh, pinapahirapan mo lang sarili mo"

"Sapat naman na muna sa'kin 'yung kiss tapos 'yung hawak hawak lang hehe"-sabay hatak nga niya kay yumi para halikan sana pero biglang may kumatok sa labas.

"Tao po! Yumi! Kami 'to ni diana"

"Si ate celine 'yun ah"-saad ni yumi at dali-dali ngang lumabas.

Napakamot nalang si franco sa batok habang sumusunod kay yumi palabas.

"Ateeeee!!"-ani yumi sabay yakap kay celine. "Ikaw na pala ang sumundo kay diana?"

"Hi mommy, Hi daddy"-pagbati nga ni diana at yumakap kay yumi at franco. Tsaka nga ito pumasok sa loob.

"Ah..oo.. tinawagan ko si michelle na ako na lang ang susundo kay diana. Tsaka gusto din kasi kitang maka usap"

"Ako? Tungkol saan ate?"

"Ahm. Franco p'wede ko bang mahiram muna ang kapatid ko?"

"Sige lang"-naka ngiting tugon ni franco.

"Salamat"

"Halika sa loob ate"

"Sige, saan ba kwarto mo dito? Doon na lang tayo mag-usap"

Naka kunot naman ang noo ni franco kung bakit kaylangang sa kwarto pa kaylangang mag-usap ang magkapatid.

"Ah, dito ate."-tsaka ng kumapit si yumi sa braso ni celine at dinala niya ito sa kwarto niya.

Si franco naman ay sinundan si diana sa kwarto ni nathalie.

"Ano pala 'yung pag-uusapan natin ate?"-tanong ni yumi habang naka upo sila sa kama.

"Kumusta ka ngayon? Nabasa ko 'yung mga comments sa profile mo ah. Buti hindi ka nagpa apekto sa mga sinasabi ng iba sa'yo?"

"Salamat sa pangungumusta ate, sa totoo n'yan apektado din naman ako. Masakit kaya 'yung ibang mga sinasabi nila sa'kin. Pero dinededma ko na lang, alam ko naman sa sarili ko kung ano 'yung totoo eh"

"Tama, ganiyan nga. Wala silang alam sa buhay natin. At buhay natin 'to hindi nila buhay. Kaya siguro hindi ka nag po-post ng picture n'yo ni franco dahil alam mong may mga lalabas na basher 'no?"

Tumango tango naman si yumi,

"Naiyak na nga lang ako ate nung mabasa ko 'yung mga comments do'n eh. Pero hindi ko ipinakita kay franco na nasaktan ako. Pero ate, kahit pala gaano tayo katatag at katapang. Manghihina din pala tayo 'no? Akala kasi ng iba kapag nakita nila tayong matatag at matapang, hindi na tayo nasasaktan eh. Pero kapag mag isa na lang ako doon ako sumasabog"

"Pareho tayo, ayoko din ipakita sa mga tao lalo na sa mga mahal ko sa buhay na nasasaktan ako eh. Kumbaga hindi ako pala labas ng nararamdaman ko sa ibang tao mas madalas sinasarili ko na lang lahat. Kasi para sa'kin mas mapagkakatiwalaan ko 'yung sarili ko."

"Salamat talaga ate ah, alam kong may hinaharap ka din na problema dahil sa kumalat na mga pictures n'yo ni james. Pero nandito ka para kumustahin ako."

Mommy For HireWhere stories live. Discover now