Pauwi na nga si Eriz galing nag basketball, sa basketball court nga siya nagtungo pagka alis sa carinderia..
Nag-iisip nga ito habang naglalakad,
"You break my heart? Mali yata 'yung English ko kanina. Dapat you broke my heart 'yun eh. Siguro pinagtatawanan ako ng ng boyfriend ni nata de coco kanina"
Dahil sa lalim ng iniisip ay napalundag nga ito ng may mahinang bumusina sa likuran niya.
Paglingon nga niya ay nakapagbaba na ng bintana ng kotse si francis.
"Hi, ikaw 'yung bestfriend ni nathalie 'di ba? 'yung eriz?"-tanong ni francis sa kaniya.
"Naku paktay! Baka jombagin ako neto..this is the right time na yata para mag change ako ng name"-wika nito sa sarili.
"Gusto ko lang magpasalamat sa'yo sa pagtulong mo kanina sa kaniya. Tsaka sorry na rin sa reaksyon ko kanina.
Nakahinga ng maluwag si eriz at ngumiti ito.
"Wala 'yun pre! Pasensya na rin ah. Nagbibiro lang ako kanina"-tugon ni eriz.
"Saan ka nga pala pupunta n'yan? Hatid na kita"
"Naku, hindi na. D'yan lang naman sa store ako pupunta may bibilhin lang ako"
"Sakto doon din ako pupunta eh, sabay ka na sa'kin"
"Mabaho ako, amoy pawis"
"It's okay..normal umasim ang tao kapag pawisan"
Pagkasabi ngang iyon ni francis ay umikot na si eriz para buksan ang kabilang pinto ng sasakyan.
"Sure ka ha? Okay lang sa'yo amoy ko?"
"Don't worry pre, wala akong naaamoy"-naka ngiting tugon ni francis kaya nangiti na lang din si eriz.
"Ilang buwan na pala kayo ni nathalie?"
"Wala pa, weeks pa lang kami.."
"Ahh..first boyfriend ka n'yan.."
"Oo nga eh, first kiss den hahaha"
"Di mo sure"-tugon ni eriz kaya napatingin sa kaniya si francis.
"Joke lang haha"
"Palabiro ka ah..ang gaan kasama ng kagaya mo. Kaya hindi ako magtataka kung bakit kaybigan mo 'yung magkapatid"
"Oo nga eh, matagal ko na din kaybigan 'yung dalawa. Mga bata pa lang kami."
"Na kwento nga ni yumi sa'kin"
"Wow! Naikukwento din pala ako ni yumi sa inyo?"
"Oo naman"
Kinilig naman si eriz pero hindi niya iyon pinahalata kay francis.
Nang may madaan nga silang store ay pumarada sila tsaka sabay na bumaba.
"Ano palang bibilhin mo dito?"-tanong ni eriz.
"Secret"-tugon nito.
At nang makapasok nga sila ay laking gulat ni eriz ng makita ang dinakma ni francis.
"Teka! Napkin 'yan pre! Nireregla ka?!"-medyo malakas ang boses nito kaya napatakip ng mukha si francis habang natatawa.
"Ako talaga? Para kay natz 'to"
"Aba! Nakaka tuwa ka naman. Buti kaya mong bumili ng napkin? May dalaw pala s'ya ah"
"Oo naman..Kahit first time ko itong gagawin hehe..wala pang dalaw. Masakit daw kasi puson n'ya.. eh alam ko kapag masakit puson ng babae malapit ng datnan kasi gano'n si mommy eh"
Tumango tango naman si eriz,
"Ano kayang maganda? Itong whisper o modess?"
"Ibig mong sabihin 'yung madikit ba?"
"HAHAHAHA. Para tayong tanga dito. Bahala na nga kuhanin ko na lang 'tong dalawang 'to"
"Yan lang ba bibilhin mo?"
"Titingin pa ako dito, bibilhan ko na rin ng chocolates"
"Sige, ako din bibili na ng sa'kin"
Pagkatapos nga nilang bumili ay bumalik sila ng carinderia.
Nandoon pa naman si nathalie, nagtutulakan pa nga ang dalawa kung sinong mag aabot sa kaniya ng mga binili ni francis.
"Ikaw na mag-abot. Iaabot mo lang naman, kanina ngang binili mo hindi ka nahiya"-ani eriz
"Ano ba kasi 'yun? Tsaka himala ah..friends na kayo?"
"Hehe..hindi mo naitatanong kami na ng boyfriend mo"-tugon ni eriz.
"Sira! Bakit kayo bumalik? Akala ko mahal uuwi ka na?"
"May binili lang ako para sa'yo.."-tsaka nga nito iniabot ang mga pinamili niya.
Natawa naman si nathalie ng makita ang dalawang magkaibang brand ng napkin sa supot.
"Binilhan mo talaga ako, mahal?"
Ngumiti at tumango naman si francis,
"Ang sweet 'no? Tinatanong pa nga niya sa'kin kung ano daw mas maganda. Sabi ko ako ang mas maganda HAHAHAH"
"Baliw talaga 'to eh! Mahal, thank you ah..na appreciate ko 'to"
"You're welcome, mahal..basta ikaw"
"Ehem! May kasama kayong single baka naman p'wedeng bawasan pagiging sweet ninyo d'yan"
Natawa naman ang dalawa,
"Nga pala uwi na rin ako.."-ani eriz.
"Sige, uwi ka na. Bye!"-tugon ni nathalie.
"Ayun eh! Tuwang tuwa! Tuwang tuwa.. aalis na talaga ako baka mag mwa mwa pa kayo eh"
"Luko-luko!"
"Nasimulan na pre! Itutuloy na lang"
"Ahh.. naputol ba kanina?"
"Si mahal oh! Parang tanga!"-ani nathalie.
"Oo may batang bumili eh"
"Ay istorbo pala HAHAHAHA. Oh s'ya ituloy n'yo na.. sibat na ako!"
"Sige!"
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...