Pagkakain nga ng almusal ay inaya ni franco si yumi na umuwi ng mansyon.
"Bakit tayo uuwi love?"
"May ibibigay kasi ako sa'yo love..kaso nasa bahay eh"
"Halla! Gumastos ka nanaman para may maibigay sa'kin? Love naman.."
"Don't worry love, hindi ko 'to binili. Kasi sa'yo talaga 'yun. Gamit mo 'yun"
"Ha? Gamit ko?"
"Oo, panahon na para ibalik ko 'yun sa'yo"
"Hindi kita maintindihan love, ano'ng gamit 'yun na kaylangan mong ibalik sa'kin?"
"Basta love, tara.. nabihisan ko na si diana eh"
Nagtataka man si yumi ay sumunod pa rin ito, nagbihis nga siya at pagkatapos ay nagtungo na rin sa sasakyan.
Habang nagmamaneho nga ay tinanong ni franco kung may idea ba ito kung anong gamit iyon.
"Wala love, hindi ko nga alam kung ano 'yun eh. Ano ba kasi 'yun? Kanina pa ako napapa isip kung ano 'yun at kung bakit kaylangan nating umuwi para lang do'n"
"Secret, basta love..mamaya makikita mo rin. Pero alam ko magiging emotional ka mamaya kapag nakita mo 'yun. Kaya yakapin mo lang ako ah"
Lalo tuloy naguluhan si yumi,
"Daddy! Si tito eriz po ba nasa house?"
"Hindi talaga n'ya makalimutan si eriz eh"-ani yumi. "Dapat na yata akong magselos kay tito eriz ah"
"Eh, paano naman kalaro kasi n'ya 'yon. Dalhin ba naman ni eriz si diana sa mundo ng encantadia"
"Yes, mommy.. ang saya saya ko po kapag nagpi-play kami ni tito eriz. Tapos si tito dada. Sabi nga po ni tito eriz ako po si danaya eh. Isa daw po akong diwata"
Nangiti naman si yumi dahil sa sinabi na iyon ni diana. Idinikit nga ng bata ang kaniyang ulo sa braso ni yumi.
"Mommy, kapag lumabas na si baby sa tiyan mo at malaki na siya 'di ba magpi-play din kami? Tapos ipapakilala ko s'ya kay tito eriz"
"Ah..oo naman baby, mag pi-play kayo."
"P'wede po ba kaming mag play kahit boy po s'ya?"
"Oo naman, p'wede naman anak"
"Yehey! Excited na po ako. Kaso sabi ni daddy matagal pa"
"Oo, anak eh. Matagal pa nga. At habang baby s'ya tutulungan mo si mommy na mag bantay sa kaniya 'di ba?"
"Oo naman po mommy, magiging mabait po akong ate gaya mo po. Mabait ka po kay tita natz eh"
"Napaka talino mo talagang bata."-tugon ni yumi. "Napaka matured mo ng mag isip kahit mag aanim na taon ka palang"
"Siyempre..ehem..mana sa ama"-tugon naman ni franco.
"Buti itong anak mo, hindi nagmana sa'yong iyakin"-pagbibiro ni yumi.
"Oo na..mang-aasar pa eh"
-------
Pagkadating nga nila ng mansyon ay agad na nagtungo si diana sa garden para hanapin doon si eriz.
"Hi, tito eriz!"-sabay takbo nga niya ka eriz at yumakap ito. At kahit pawisan ang mukha ni eriz ay tinadtad siya ng halik ni diana sa mukha.
"Naku, mahal na sangre danaya, puro pawis ako.."
"Okay lang lolo imaw. Na miss po kita eh"
"Grabe lolo imaw talaga eh"
Tumatawa naman sila franco at yumi habang nakatingin sa kanila.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...