Chapter 91

103 2 0
                                    

Nakaka ilang text na nga si eriz kay nida ngunit hindi pa rin siya nito nirereplyan.

"Mag reply ka naman sweetie pie, Buko pie, pizza pie ko. Please..kapag hindi ka nagreply tatalon ako sa building. Gagawin ko talaga 'yun"-huling text nga ni eriz.

Nang bigla ngang tumunog ang cellphone niya kaya agad niya itong tinignan at reply nga iyon ni nida.

"Sige lang, tumalon ka na. Mas okay 'yun! Papansin ka!"-napa nguso naman si eriz dahil sa reply na iyon ni nida.

"Tatalon talaga ako! Hindi ako nagbibiro. Nandito na ako sa building malapit sa'min"

"Sige nga lang. Tumalon ka na."

"Ah..hindi na pala, nagreply ka na eh hehe. Miss na kita agad kahit isang araw pa lang kitang hindi nakikita. Namimiss ko na agad ang kagandahan mo aking iniirog"

"Ewan ko sa'yo!"

"Umaasa akong magugustuhan mo rin ang tulad ko, binibining marikit na dalangin ko"

Natatawa nga si eriz dahil sa mga tine-text niya kay nida.

"Asa ka! Hindi kita type! May saltik ka!"

Bigla ngang nawala ang mga ngiti sa labi ni eriz at hindi na niya nireplyan si nida.

Pumikit na nga lang siya habang naka duyan sa likod bahay nila.

Nang tumunog ulit ang cellphone niya.

"Uy, eriz. Joke lang.. nagalit ka na yata? Sorry"

"Hindi ako galit, nasaktan lang. Wala akong saltik sweetie pie. Ganito lang ako. Pero kaya ko naman iayos ang sarili ko kung ayaw mo sa ugali ko"

"Nagbibiro lang ako..sorry na"

Nagliwanag nga ang mukha ni eriz at bumangon mula sa pagkakahiga sa duyan.

"Bukas, pag pasok ko d'yan may gusto akong itanong sa'yo"-text nga ni eriz.

"Bakit hindi mo pa ngayon itanong?"

"Mas maganda sa personal, para makita ko ang reaksyon mo."

"Bahala ka.."

"Salamat at nirereplyan mo na 'ko, siguro natakot ka din 'no? Wala ako sa building. Nandito lang ako sa bahay naka duyan. Kauuwi ko lang galing palengke"

"Ah, namalengke ka?"

"Hindi, umextra ako"

"Sipag mo naman pala"

"Kaylangan eh, kami na lang ni nanay ang magkasama sa buhay"

"Pareho pala tayo, ako nga si lola nalang ang meron ako eh. Tapos hindi ko pa s'ya nakakasama. Pero may kasama naman s'ya sa probinsya namin, mga pinsan ko"

"Buti naman at may kasama s'ya, mahal na mahal mo siguro ang lola mo 'no?"

"Oo naman, siya kaya ang tumayong nanay at tatauy ko"

"Kaya naman pala eh. Ako din mahal na mahal ko ang nanay ko. Maaga kasing nawala si tatay. Namatay sa sakit na T.B. katorse pa lang ko ng mam4tay s'ya"

"Ako naman, hindi ko na nakita ang nanay at tatay ko. Pero change topic na tayo. Ayoko ng malungkot"

"Ako din, ayoko ng malungkot na usapan."

"May lungkot ka din palang itinatago pero kung titignan ka napaka masayahin at napaka kalog mo"

"Oo eh, ayokong ma stress hehe. Sabi nga tuloy ni francis maluwag ang turnilyo ko sa utak"

"Hmmm..parang tama naman si sir francis HAHAHAHA. Joke!"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now