Chapter 109

81 2 0
                                    

Madalas ngang magpunta si james kila celine para makita ito.

"Ma'am, celine. Nandito na po si Doc.James"-saad nga ng kasambahay nilang si eden.

"Okay, eden. Salamat"

"Nasa sala po s'ya"

"Sige.."

Agad ngang tumayo si james ng makita si celine,

"You're here again? Lagi mo talaga akong nami-miss ah"-ani celine.

"Ano'ng lagi? Minu-minuto kaya kitang nami-miss. Si tita pala?"

"Nasa kaniyang grocery store pa"

"Labas tayo? Nood sine?"

"Uhmm..tinatamad ako eh, wala ako sa mood lumabas. Kung gusto mo sa room ko na lang. Nood na lang tayo movie."

"Sige ba"-tugon nga ni james at nagtungo na sila sa kwarto ni celine.

Ngayon nga lang siya napasok dito,

"Wow! Ang cute naman ng room mo."-pagpuri nga ni james at tinignan din nito ang mga pictures na naka display doon ni celine.

"Oh? 'Wag kang ma inlove sa mga pictures ko. Nandito naman ako"-naka ngiting sambit ni celine ng mabuksan na nito ang t.v

"Ikaw talaga..ano nga palang panonoorin natin?"

"Ikaw kung ano'ng gusto mo"

"Hmm..mahilig ako sa mga old movies eh.. may movie sila john lloyd cruz at bea alonzo na hindi ko natapos eh"

"Ano 'yun?"

"One more chance"

"Ay wala ako no'n eh. Horror movie na lang?"

"Sige, mahilig din naman ako sa horror movie eh, lalo na 'yung sobrang nakaka takot talaga"-tugon ni james.

"Sige"

Si celine na nga lang ang pumili ng horror movie na panonoorin nila. At ang pamagat nga nito ay Bloody Crayons.

Sa una ay hindi pa natatakot si james. Hanggang sa may mga nakakatakot ng eksena kaya naman napaka higpit ng kapit niya kay celine. Natatawa naman ito dahil sa reaksyon ng kaniyang boyfriend.

Naka upo nga sila sa dulo ng kama ni celine.

"Babe, ano ba? Akala ko ba mahilig ka sa horror movie? Bakit takot na takot ka? Akala mo namang lalabas sa screen 'yang multo"

"Ey..basta nakaka gulat eh"-tugon nga nito at nanatiling naka kapit sa braso ni celine.

Bigla ngang bumitaw si james sa braso ni celine at tumingin sa mukha nito. kaya napatingin na rin celine sa kaniya. At nagtagpo nga ang mga mata nila.

Bumaba ang tingin ni james sa mapupulang mga labi ni celine at dahan-dahang inilapit ang kaniyang mukha at ng maglapa ang kanilang mga labi ay kapwa sila napa pikit.

Dahan-dahan lang ito noong una hanggang sa unti-unting bumilis ang halik ni james kay celine.

Nagpatibuwal na nga sila sa kama habang patuloy pa rin sa ginagawa nila.

Nag eespadahan na nga rin ang kanilang mga dila habang ang isang kamay ni james ay nakahawak sa kanang dib-dib ni celine.

Bumangon nga si james upang alisin ang kaniyang damit at binuhat si celine para iayos ito ng higa.

Sunod nga ay umibabaw siya rito at muling siniil ng halik.

Dahan-dahan na rin niyang itinataas ang damit ni celine ng biglang ibinaba niya muli ito.

"Why?"-tanong nga ni celine.

"Kaylangan kong pigilan ang sarili ko"-tsaka nga ito umalis sa ibabaw ni celine.

"P-pero bakit? Naka handa naman akong ibigay sa'yo ngayon"

"Mas magandang gawin 'to kapag kasal na tayo"-tugon nga ni james at pinulot ang damit niya at isinuot ito.

Naluha naman si celine habang nangingiti ito.

Bumangon nga siya upang yakapin si james.

"Ibig bang sabihin nito handa ka talagang pakasalan ako?"

"Oo naman..mahal kita celine..kaya kahit alam kong may anak ka na at hindi ako ang naka una sa'yo kaylangan pa rin kitang respetuhin bilang babae at bilang girlfriend ko"

"Thank you, james..mahal na mahal din kita"

Hinalikan nga sa noo ni james si celine at ipinagpatuloy na nila ang panonood.

--------

Nagpunta nga si celine kila franco at si diana ang naabutan niya roon.

"Hi, anak..nagpi-play pala ang maganda kong anak"-saad nga nito.

"Hello po, mama"

"Si mommy yumi wala pa dito 'no?"

"Wala pa po, sabi kasi n'ya after ng kasal nila ni daddy s'ya babalik"

"Miss mo na s'ya? Di bale 2 days na lang kasal na nila tapos babalik na si mommy yumi mo dito"

"Yes po, at excited na po akong bumalik ang mommy ko"

"Ah, anak..p'wedeng maka hingi ng favor?"

"Ano po 'yun mama?"

"Kahit sana mga 1 week sa bahay ka tumira kasama si mamita olga mo. Okay ba 'yun sa'yo? Ipagpapaalam kita kay daddy mo"

"Ayoko po, mama. Dito lang po ako kila daddy"

"Pagbigyan mo na si mama kahit 1 week lang. Miss na miss na kita eh..please anak?"

"Ayoko nga po mama. Gusto ko dito lang ako. Lagi mo din naman akong iniiwan eh. Kahit nandito ka po sa house hindi mo naman po ako inaalagaan kasi lagi kang busy. Buti pa si daddy kahit busy sa work n'ya may time pa rin po sa akin. Ikaw po wala"

"Anak, i'm sorry"-luhaang sambit ni celine. "Sorry kung laging busy si mommy sa work.kaya nga kita kukuhanin kahit 1 week lang para makabawi ako sa'yo eh"

"Sana po si mommy yumi na lang talaga ang mommy ko. Kasi hindi n'ya po ako pinapabayaan. Kapag kaylangan ko po ng mommy si mommy yumi po ang kasama ko. Ikaw po laging wala. Mas love mo po ang work mo kaysa sa'kin"

"That's not true anak. Of course mas mahal kita"

"Hindi po 'yan totoo. Alam mo po ba naiinggit ako sa mga classmates ko na sinusundo po sila ng mommy nila. Kasi ako laging si yaya ang sumusundo sa'kin o kaya si mommy yumi. Kasi wala ka po. Minsan mo lang ako sinundo nung nandoon po kami ni daddy kila mommy"

"Sorry talaga anak.."-sabay yakap niya kay diana. "Paano kung papipiliin ka? Kung kanino ka sasama? Sa akin o kay mommy yumi mo?"

"Of course kay mommy yumi ko po. Alam ko po kasing love na love n'ya ako. And love ko din po siya 3 million times"

"Pero ako ang totoong mommy mo"

"Pero para sa'kin po s'ya lang ang mommy ko!"-sabay takbo nga nito sa kaniyang kwarto at ini-lock ito.

"Diana! Open the door please! Mag-usap tayo! Hindi maganda 'yang inaasal mo! Mommy mo pa rin ako!"

"I hate you, mama! Lagi mo akong iniiwan!"

Napahagulgol na nga lang si celine at napayakap sa kaniyang sarili. Nakita nga siya ni michelle kaya naman lumapit ito at siya naman ang kumumbinsi kay diana na buksan ang pinto.

"Ayoko po yaya..Gusto akong kuhanin ni mama. Ayoko pong sumama sa kaniya."

"Pero, ipagpapaalam ka naman n'ya kay daddy mo eh..tsaka isang linggo lang 'yun"

"I said, no! Leave me alone po!"

Hindi na nga nila pinilit si diana..at hinayaan na lamang muna nila ito na mapag isa.

-------

Wedding Day bukas naaaa.....

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now