Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 32
Dahil sabado bukas ay si james nga ang sumundo kay diana upang ihatid din ito sa bahay nila celine.
Tuwing sabado at linggo nga ay nakay celine si diana. Puwera na lamang kapag nasa taping siya.
"Bakit po pala hindi mo kasama si mama, tito?"-tanong ni diana ng buksan ni james ang pinto ng kotse.
"Kasi po nagluluto si mommy mo"-tugon ni james.
"Tito naman eh. Iba si mommy at iba si mama"
"Ay oo pala hehe. Si mommy nga pala si yumi. At si mama si celine. Sorry na po baby"
At tuluyan na ngang nakapasok si diana sa kotse. Umikot naman si james upang maka upo sa driver seat dahil siya nga ang magmamaneho.
Katabi naman niya si diana..
"Tito, big girl na ako. Pero bakit baby pa rin tawag n'yo sa'kin?"
"Kasi nga baby ka naming lahat"
Ngumuso at nag kibit balikat na lamang ang bata.
"Ano po palang niluluto ni mama?"
"Favorite mo daw ang spaghetti at fried chicken eh. Kaya 'yun 'yung niluluto n'ya"-tugon ni james at nag-umpisa ng magmaneho.
"For dinner po?"
"Hmmm.. i think..meryenda lang"
"Okay po,Tito. May tanong nga po pala ako"
"Ano 'yun?"
"May gusto ka sa mommy ko?"
Agad ngang natapakan ni james ang preno ng sasakyan ng marinig iyon mula kay diana..kaya naman napahinto sila at muntik pang masubsob ang bata..buti na lamang ay naka seatbelt ito.
"Baby naman, bakit naman gan'yan 'yung tanong mo?"
"Answer me na lang po tito. Hindi po ba't si mama ang girlfriend mo? I mean, fiancee po pala. Pero bakit po parang mas love mo ang mommy yumi ko?"
Itinuloy naman ni james ang pagmamaneho at nginitian na lamang niya ang pamangkin.
"Tito, tinatanong po kita. Ayaw mo naman akong sagutin eh"-naka ngusong sambit nito at pumadyak pa.
"Baby, Ang bata mo pa para magtanong ng mga ganitong bagay. Tsaka bakit gan'yan ang tanong mo? Saan mo narinig 'yan?"
"Kay tita natz po tsaka kay mommy"
"Ha? Pinag-uusapan ba nila 'ko?"
"Opo.."
Napa lunok naman sa sariling laway si james sa tugon ni diana.
"Ano'ng sabi nila about me?"
"Tinanong po kasi ni tita natz si mommy"
"Nang ano?"
"What if daw po hindi nakilala ni mommy si daddy. Tapos bumalik ka at itinuloy mo daw po ang panliligaw mo. May chance ka daw po ba kay mommy. Yun po 'yung narinig ko eh. Noon pa po 'yun. Sa house po nila lola sandra"
"T-talaga? Gano'n 'yung tanong ng tita nathalie mo?"
"Opo.. ibig po bang sabihin. Niligawan mo po ang mommy dati?"
"Matagal na 'yun.. high school pa kami..ano'ng sagot ng mommy mo?"
"Aruuyyyy.. si tito. Halatang interested oh.. yiieee"
"Uy, ikaw ha.. may pa yiiieee yiiieee ka pa d'yan.."-natatawang sambit ni james. "So ano nga sagot ni mommy mo?"
"Talagang gusto mong malaman? Libre mo muna ako ng isaw at balut hehe. Tapos 'wag mo sasabihin kay daddy na nagpabili ako sa'yo no'n kasi ayaw n'yang kumakain ako ng street foods eh. Kay mommy ako natuto kumain ng gano'n. Masarap po kasi e"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...