Tawa nga ng tawa si yumi ng ikuwento ni nathalie ang mga kaganapan kanina habang kausap niya ito sa cellphone.
"Talaga natz? Takot pala sa ipis 'yang lalaking 'yan HAHAHAHAHA. Eh ano'ng sabi ni nanay ay?"
"Kaya nga ate eh, at dahil doon nabisto na magkasama kaming nakatulog sa kwarto. Okay na sana eh, paalis na si nanay, eh kaso naka kita ng ipis. Ayun akala mong bakla sa loob ng banyo na nakikipag karate sa ipis. Akala ko nga talaga ate ipapakasal na kami eh. Kakaloka talaga kung nando'n ka lang"
"Naku makakasal pala kayo ng de oras ah. Baka mag double wedding pa tayo HAHAHAHAHA. Siya lang kilala kong takot sa ipis akala mong hindi lalaki eh"
"Sinabi mo pa ate!"
"Pero wala nga ba talagang nangyari?"-paniniguro ni nayumi.
"Oo naman ate.. pati ba ikaw nagdududa?"
"Kiss at yakap lang talaga?"-pang-aasar ni yumi. "Talagang talaga ba?"
"Oo nga ate. Ang bait nga n'ya eh, kung 'yung iba 'yun may mangyayari na."
"Hindi naglikot ang mga kamay?"
"Hindi ate, naka yakap lang s'ya sa'kin habang nagki-kiss kami"
"Ang bait naman pala"
"Si kuya franco siguro malikot kamay 'no? HAHAHAHA"
"Malikot talaga ah.. kita mo nga nakabuo agad"-sabay tawa din nito ng malakas. "Talagang binuntis na ako eh para wala na akong kawala. Nakalimutan ko nga palang i-kwento sa'yo nahalungkat n'ya 'yung old fb account ko. Tapos nakita n'ya do'n 'yung pictures namin ni james. At pinagselosan n'ya"
"Halla! Talaga ate? Tagal na no'n ah. Talagang hinanap pa old account mo"
"Kaya nga eh, at 'eto pa.."
"Ano pa ate?"
"Nagpa check up ako 'di ba? Yung doctora na nag check up sa'kin mama pala ni james"
"Halla! Talaga?"
"Oo! At nagkita kami mismo ni james sa clinic. Nagulat nga s'ya ng malaman na buntis ako at si franco ang ama."
"Kasakit no'n. Alam naman natin kung gaano ka ka love ni kuya james. Naalala ko nga noong hinahatid ka n'ya dito may pasalubong pa s'ya sa aking chocolates eh. Suhol ba HAHAHAHA"
"Nasaktan talaga s'ya natz..hanggang ngayon pala may nararamdaman pa rin s'ya sa'kin. Niyakap pa nga n'ya 'ko eh. Tapos nakita pala 'yun ni franco"
"Edi, nag-away sila?"
"Hindi.. nagpanggap si franco na walang nakita. Pero nung pag-uwi namin ayon inamin sa akin na nakita n'ya. Todo selos nanaman si mokong. Umiiyak pa nga eh. Naaawa din ako kay franco kapag umiiyak sa harap ko eh. Sabi ko nga sa kaniya matagal na 'yun. S'ya 'yung mahal ko at s'ya ang pakakasalan ko."
"Iyakin silang magkapatid ate, si francis din eh. Naiyak kagabi hehe. Sinabi ko lang na mahal na mahal ko s'ya at tanggap ko 'yung past n'ya naiyak naman na hehe. Sabi nga nila kapag ang lalaki umiiyak sa harap mo mahal na mahal ka talaga n'yan"
"Mapagmahal talaga sila natz. Kaya hindi nila deserve masaktan. Pero si francis parang ngayon lang nagmahal 'yan. Swerte mo dzai. Napatino mo. Congrats"
"Oo nga ate eh, sabi nga rin n'ya sa'kin hehe"
"Tapos nga pala inimbitahan kami ng mama ni james sa kanila. Nag dinner kami do'n. Tapos itong s james hinalikan ako"
"What?! Hinalikan ka?! Kaloko ay! Halla!"
"Oo, tapo nakita 'yun ni franco. Galit na galit s'ya kay james. Sinuntok nga n'ya eh. Pareho akong naawa sa kanila nung gabing 'yun. Sabi nga ni james bakit hindi ko daw s'ya hinintay.. wala eh. Huli na. May mahal na akong iba."
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romantizm"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...