Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 23
Pagkatapos nga nilang kumain ng hapunan ay pumasok sa loob ng kwarto si minda para kumuha ng pamalit ni yumi at james.
Damit nga niya ang ibinigay niya kay yumi at kay elbert naman ang kay james.
"Pagpasensyahan n'yo na 'yan ah, luma at hindi maganda"-ani minda ng tanggapin iyon nila james.
"Ayos lang po 'yun 'nay. Ang importante po ay may pamalit kami. Salamat po"-ani yumi.
"Tara, yumi. Maligo na tayo. Dumidilim na rin"-pag-aaya ni james.
Sa likod malapit sa C.R ang poso. Kaya naman doon nagtungo sila yumi para maligo.
"Ano? Marunong ka bang gumamit n'yan?"-tanong ni yumi kay james.
"Of course naman."
"Sige nga? Pa'no?"
"Pinipihit ba 'to?"
"Ano 'yan, gripo? Para pihitin? Sige nga, saan mo pipihitin?"
"Joke lang. Alam ko naman talaga gumamit neto eh"
At sinimulan na nga ni james na timbain ang poso.
"Alam mo minsan ang sarap din ng ganitong buhay 'no? Yung paghihirapan mo muna lahat bago mo makamtan"
"Ang lalim ah. Kapag pagod ka na, ako naman"
"Hindi na, kayang-kaya ko 'to. Ang lakas ng tubig 'no? Mabilis lang mapupuno ang batya"
"Sure ako, magagalit sa'kin si dra.ferrer"
"Bakit naman magagalit si mama sa'yo?"
"Dahil sa'kin muntik ka ng mapahamak. Tignan mo 'yang mukha mo oh. Puro pasa tapos 'yung noo mo may sugat. Sasabihin no'n nawala kapogian ng anak ko"
"Grabe naman. Gagaling din naman 'to. Tsaka kahit puro pasa at may sugat, aminin mo pogi pa rin ako 'no?"
"Yuck! Kapal"
"Bakit? Pogi naman talaga ako ah."
"Oo na, pogi ka naman talaga. Sobra. Sige na, punuin mo na 'yan."-nangingiting sambit ni yumi at sumalok na ito ng tubig mula sa batya gamit ang tabo at ibinuhos sa katawan. "Whoaaa!! Ang lamig! Sarap!"-at nagsaboy na ng nagsaboy.
Basang-basa na nga siya kaya naman kitang-kitang na ang kaniyang bra dahil manipis lamang ang suot nitong puting t-shirt at naka short nga lang ito ng maong na hanggang itaas lamang ng tuhod.
"Oh? Maligo ka na rin. Tignan mo, ang lamig"
Halos hindi na nga makatingin si james kay yumi dahil kitang-kita na nga niya ang panloob na suot nito.
"Wow! Ang lamig nga!"-ani james ng magsaboy na rin ito sa katawan. Mas lalo nga niyang naramdaman ang kirot at hapdi ng sugat sa kaniyang mukha.
"Mas masarap maligo sa poso 'no?"
Tumango-tango naman si james at kinuha ang inaabot na sabon ni yumi sa kaniya.
"Kaya mo bang sabunin ang mukha mo? Hindi ba't lalong mahapdi 'yan?"
"K-kaya 'yan"
"Sorry, talaga James ha?"
"Paulit-ulit ka ng nag so-sorry. Tapos na 'yun. Ligtas na tayo. At bukas makakauwi na tayo."
Ngumiti naman si yumi at nag shampoo na ito..
Hindi niya lubos akalain na makakasama niya si james ng silang dalawa lang.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...