Hindi maintindihan ni Nayumi kung bakit pumayag siyang angkinin ang kaniyang mga labi ng kaniyang amo.Lalo na at hindi naman niya ito kasintahan.
Naka upo lang si Nayumi sa gitna ng kaniyang kama habang umiiyak. Pakiramdam niya ay napakababa niyang babae. Para mahalikan na lang ng lalaking hindi naman niya mahal.
Tumingala nga siya upang pigilan ang muling pagbagsak ng mga luha. Tahimik ang gabi kaya dinig na dinig ang kaniyang mga pagtangis at paghikbi.
Bumaba nga siya mula sa kama at nag shower din ito. Kasabay ng mga pagpatak ng tubig mula sa shower ay sumasabay dito ang kaniyang mga luha.
Paulit-ulit na pinapahid nito ang kaniyang labi, kulang na lang ay mabura ito.Parang gusto niyang bigla na lang maglaho. Hindi niya rin maintindihan kung bakit gumanti din siya ng halik.
Basa na ang kaniyang damit bago niya ito maisipang hubarin. Mabilis nga siyang naligo at lumabas ng kwarto.
Kahit naiinis sa amo at lalo na sa kaniyang sarili ay tinungo pa rin nito ang silid ng bata at doon tumabi.
Basa pa nga ang kaniyang buhok kaya naman binalikan niya ang kaniyang hair brush sa kanyang silid.
Ngunit pagbalik niya sa kwarto ni diana ay naroroon na si franco.
Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata pero agad din itong umiwas at naisipang bumalik na lang sa kaniyang kwarto.
Susundan sana siya ni franco ngunit naunang lumapit si francis sa dalaga. Kaya napa hinto siya sa paglapit.
"Gabi ka ng naligo. Masama 'yan ah"-saad ni francis pagkalapit sa dalaga.
"Hindi naman siguro. Bihira lang naman akong maligo ng gabi. Ang lagkit kasi"-tugon nito kay francis.
"May utang ka nga pala sa'kin buti naalala ko"
"Ha? Utang? Never akong nagkautang ng pera sa'yo sir ha"
"Ano ka ba? Hindi naman pera ang tinutukoy ko eh"
Napakunot ang noo ni franco ng marinig niya iyon, maging si nayumi ay nagtaka kung ano'ng utang ba iyon.
"Eh, ano nga ba 'yun sir?"
"Hindi ba't may utang ka sa aking kwento?"
"Kwento po?"
"Hala oo.. hindi mo na ba natatandaan? Tara sa pool area"
"Bakit naman po kaylangang sa pool area pa?"
"Basta,para matandaan mo"
Sumunod nga si nayumi kay francis patungo sa pool area at palihim din na sumunod si franco sa kanila.
"Ano po ba talagang kwento 'yun sir?"-nagtatakang tanong ni nayumi.
"Hindi ba't nagkwento ako sa'yo about sa family namin? Tapos sabi ko sa susunod ikaw naman ang magkukwento"
Nangiti ang dalaga tsaka ito naupo sa gilid ng pool at isinawsaw sa tubig ang paa nito. Naupo din si francis at ginawa din nito ang ginawa ng dalaga.
"Oo nga po pala 'no?" Nakalimutan ko na hehe"
"It's okay. Tutal need mo pa rin naman magpatuyo ng buhok sakto magkwento ka na about sa life mo and about to your family"
Nakatingin naman si franco sa kanila pero minabuti na lang nito na umalis dahil hindi niya kayang pagmasdan ang dalawa dahil nasasaktan lang siya.
Alam niyang naangkin niya ang mga labi nito pero batid din niyang di niya maaangkin ang puso nito.
"Simple lang naman po 'yung buhay namin..nung bata ako nakakaluwag luwag kami sa buhay dahil OFW 'yung tatay ko. Tapos si Nanay naman po may patahian. Maraming nagpapatahi sa kaniya gaya po ng mga wedding gown, barong tagalog tsaka gumagawa din po si nanay ng kurtina. Naaalala ko nga po nung bata ako pumapasok ako sa pwesto tapos kapag wala si nanay 'yung mga tinatahi n'yang wedding gown sinusukat ko hehe.tapos nag iimagine na ako 'yung kinakasal hehe. Tapos iikot ako na para bang prinsesa tapos mahuhuli ako ni nanay. S'yempre pinagagalitan ako kasi baka masira ko 'yun"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...