Chapter 108

79 2 0
                                    

Pagka alis nga ni celine ay agad na tinext ito ni james.

"Ingat, babe..salamat sa pag-aalala. Dahil do'n nalaman ko na may pakealam ka pa ein sa akin at mahal mo pa rin ako. Kaya kahit ang layo ko sa'yo pinuntahan mo talaga ako"

"Ano'ng babe ka d'yan! Sinabi ko na bang tayo na ulit?"

"Payag ka na please, Tayo na lang ulit. I love you, punta ako sa inyo mamaya. Ano'ng oras ka uuwe?"

"Hindi ako uuwe kaya 'wag ka ng magpunta"

"Alam kong uuwi ka, maghihintay ako sa inyo"

"Oo na, sige na. Pabalik na 'ko sa set. Kainis 'yung tumawag na 'yun ah! Pinagalitan tuloy ako ni direk kasi umalis ako agad"

"Naku lagot pala.. pero okay na rin 'yun at least naging okay tayo. Mahal po kita"

"Sweet sweetan ka d'yan, hindi mo bagay"

"I love you"

"Nga pala sino 'yung nagpanggap na ricardo dalisay? Humanda sa'kin 'yun tatapyasin ko patilya no'n"

"Wag ka na pong magalit sa kaniya. Ginawa lang n'ya 'yun para magka ayos tayong dalawa. Effective naman 'di ba?"

"Pero sobra akong nag alala. Paano kung may sakit ako sa puso?"

"Sorry, pero okay ka naman 'di ba? Sige mamaya na ulit. Mag drive ka na ulit. Ingat ka."

"Okay, fine! Ayaw mo lang sabihin kung sino 'yung mokong na 'yun eh! Ricardo Dalisay pa nga. Hindi ko din naisip 'yun ah"

Natawa naman si james sa huling text ni celine.

-------

"Welcome back danaya! Iniwan mo na si mineya sa mundo ng mga tao"-ani eriz ng lapitan s'ya ni diana.

"Sino po si mineya tito eriz?"

"Ah.. ina n'yo 'yon..teka parang ang pangit pakinggan.. ah si mineya siya ang nanay ninyo"

"Ahh.. ibig mong sabihin si mommy yumi si mineya?"

"Oo! Tumpak nadali mo!"

"Tito eriz, miss ko na agad si mommy"

"Alam kong miss ka na rin agad no'n. Hindi bale malapit na ang kasal nila ng daddy mo kaya dito na ulit s'ya titira"

"Oo nga po eh, excited na po ako. Tsaka po ayoko na pong magkahiwalay kami ni mommy. Sobrang mahal ko po s'ya"

"Mahal na mahal ka din no'n."

"Oy, Eriz!"

"Ay kapre! Bakit ba nang gugulat ka?"

"Nadadalas yata paglabas labas n'yo ni james kaya pala tumatanggi ka minsan kapag inaaya kita, kasi si james pala ang pinagbibigyan mo ah"

"Hala, selos 'yarn?"

"Hindi 'no!"

"Halata kaya. 'wag ka na magselos. Alam mo naman na ikaw ang unang sweet heart ko eh..mwa mwa"

Natawa naman si diana at pumitas ito ng bulaklak.

"Here oh, ibigay mo kay tito francis para hindi na s'ya sad"-ani diana kaya natawa sila francis at eriz.

"Ginawa pa akong bakla nitong pamangkin ko.."-ani francis.

"Sabihin mo nga sa tito francis mo na 'wag na s'yang magselos kasi pareho ko naman silang mahal ng tito james mo eh"

"Ang sabihin mo mas gusto mo s'yang kasama."

"Hays, ang hirap talaga ng maraming jowa. Ang sakit sa ulo"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now