"Mommy!! Mommy! Gising! Gising po!"-sunod sunod na sigaw ng bata habang ginigising si nayumi.
"Yumi,gising!"-sabay liglig ni Nida sa mahimbing na natutulog na si nayumi.
"Hala! Hindi s'ya magising! Irah! Tawagin mo si kuya jovan!"
"Wala s'ya! Pinag drive si sir francis"-mabilis na tugon ni Irah.
"Ano'ng gagawin natin? Bakit hindi s'ya magising?"-nag-aalalang tanong ni michelle.
"Hindi ko alam"-tugon ni nida.
"Yumi!"-saad ng tatlo. "Gising!"
"Mommy!!"
Sa wakas ay naidilat na ni nayumi ang mga mata, pawis na pawis ito kahit naka tutok sakaniya ang electricfan at naka on ang aircon.
"Binabangungot ka yata"-bungad ni nida.
"Mommy, are you alright?"
"Akala ko totoo na..akala ko kukuhanin ka na n'ya sa'kin"-sabay yakap niya kay diana at paulit-ulit na hinalikan ito sa noo.
"Po? S-sino po ang kukuha sa akin?"
Tinignan pa muna ni nayumi sina Nida, Irah at Michelle bago ito sumagot kay Diana.
"Wala baby, may bad girl kasi na gustong kumuha sa'yo sa panaginip ko eh"
"Halan bad girl po? Ayoko pong sumama sakan'ya mommy"
"Yes,baby..hindi ko hahayaan na makuha ka n'ya sa'kin. Sa amin ng daddy mo, 'di ba ate nida? Ate Irah and yaya michelle?"
"Oo naman diana."-sabay nilang tugon.
"Sino ba kasi 'yung bad girl na sinasabi mong 'yan madam yumi?"-tanong ni Nida.
"Hayaan na natin 'yun..thank you pala sa pag gising sa akin ah. Narinig ko na ginigising n'yo ko eh"
"Si Nida talaga nakapansin sa'yo eh"-ani Irah. "Magwawalis sana s'ya dito kwarto ni diana eh. Hayun tinawag n'ya kami.
"Thank you, nida..sabi ko na eh, kahit mataray ka sa'kin alam kong mabait ka tsaka concern ka rin sa'kin"
"Tse! Thank you, thank you ka d'yan.. may bayad 'yun noh!"
"Bayad? Ano namang kabayaran nun?"
"Ipagluluto mo kami ng masarap na sotanghon bukas para sa meryenda"
"Ay wow! Gusto ko rin 'yan.. oo nga nayumi, magluto ka no'n"-ani michelle.
"Sige ba, 'yun lang pala eh."
"Yey! Gusto ko din po 'yan. 'Yung may soup po 'yun 'di ba? 'yung kulay orange? Tapos may carrots po"
"Ang galing naman ng baby ko, tama baby, pa hug nga ulit si mommy"
_________
"Uy bro! Nandito ka pa pala? Mukhang titig na titig ka d'yan ah. Sino ba 'yan?"-tanong sakaniya ng kaybigang si Noah.
Nasa resort ang mga ito ngayon,
"Ah..wala..si diana lang"
"Parang dalawang tao eh, nahagip ng cute kong mga mata"
"Wala 'yun, cook lang namin"
"Cook? So may kapalit na pala si Aling Martha?"
"Yup, 1 month na sa'min si nayumi"
"Ah..so nayumi pala ang name ng bago ninyong cook?"
"Yes"
"Baka p'wedeng makita?"
"Okay, here"-sabay abot ni franco ng cellphone sa kaybigan.
"Namalik mata pa 'ko haha.. akala ko si Celine. Sabi mo Nayumi name neto 'di ba?"
"Oo..akala ko ako lang nakapansin na magkahawig sila ni Celine"
"So pati pala ikaw?"-tanong ni Noah. "Baka naman magkapatid sila ni Celine? Or magpinsan?"
"Hindi ah, hindi sila magka-ano-ano.."
"Ah..kung sa bagay, marami namang magkakahawig sa mundo ni hindi naman magkakapatid. Gaya ko kahawig ko si Alden Richards na may konting Coco Martin pero di ko naman sila kamag-anak"
"Yabang talaga..ano pa bang ginagawa mo dito? Naka out na 'yung pinopormahan mong chimber maid"
"Haha! What? Ano'ng tingin mo sa'kin? Walang taste?"
"Oy! 'wag ka nga. Alam kong patay na patay ka kay czarina. Kaya 'wag mo kong lokohin.kaya lagi kang naka tambay dito"
"Okay,fine.. oo na..ang ganda kasi n'ya. Yung ganda na hindi mo pagsasawaang titigan. Yung babaeng walang kolorete sa mukha pero ang ganda ganda pa rin. Mas gusto ko 'yung babaeng gano'n"
"Ang tanong, gusto ka ba?"
"Hindi nga eh, binusted nga ako. Ayaw daw n'ya sa babaero..oo babaero ako pero dati pa 'yun. Nagbago na 'ko"
"Asus! Ang babaero, babaero na 'yan. Hindi na magbabago"
"Yun ang akala mo, ako ang patunay na p'wede pang magbago."
"Haha. Talaga lang ha?"
"Oo nga..balik tayo sa'yo..hindi mo ba nagugustuhan 'yang cook n'yo? Kasi kitang kita ko kanina naka smile ka pa habang pinagmamasdan 'yan eh, kunwari ka pang si diana lang 'yun pala kasama si nayumi"
"To be honest, i like her"
"Naks! Anak ng pagong! Pumapag-ibig ka na ulit. At doon pa sa kamukha ng ex mong si celine. Oh baka naman nakikita mo lang si celine sakan'ya kaya mo s'ya nagugustuhan?"
"Of course not! Gusto ko s'ya hindi dahil kahawig n'ya si Celine. Gusto ko s'ya kasi gusto ko 'yung katangian n'ya. Basta ibang-iba si yumi kay celine"
"Talagang tinamaan ka na sa cook na 'yan ha"
"Sobra noah. Alam mo 'yung feeling na bigla ka nalang sumasaya kapag nakikita mo s'ya."
"I feel you,bro! Gan'yan nararamdaman ko t'wing nakikita ko si czarina. Bakit hindi mo ligawan?"
"Hindi p'wede bro"
"Bakit naman? May asawa na ba?"
"Wala pa, kaso gusto din s'ya ni francis"
"Ha?! Karibal mo pa pala 'yang utol mo eh. Pa'no mo naman nalaman? Sinabi ba n'ya sa'yo?"
"No!"
"Yun naman pala eh..hindi sinabi. Baka akala mo lang 'yun"
"Malakas kutob ko na may gusto s'ya kay yumi..'yung mga tingin n'ya alam na alam ko 'yun"
"Ouch, bro..mahirap 'yan"
Itutuloy
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...