Mahimbing na ngang natutulog si franco ng gisingin ito ni yumi. Halos nahihirapan pang imulat ni franco ang kaniyang mga mata dahil sa antok.
"Love...love..gising"
"B-bakit ba love?"-tsaka nito tuluyang iminulat ang mga mata.
"Gusto ko ng mangga"
"Ha?! Mangga?!"-gulat na tanong nito tsaka tumingin sa wall clock nila. "Love naman alas dose na ng hating gabi, ngayon mo pa naisipan kumain ng mangga"
"Eeeeehhhh"-pabebe nitong sambit. "Gusto ko nga ng mangga eh"
"Itulog mo na lang 'yan love, bukas na lang.. tsaka wala ng bukas na tindahan ngayon ng prutas"
"Meron pa.. sa 7/11"-tugon nito.
Napatampal naman sa noo si franco,
"Ano ka ba, love.. kelan pa nagka mangga sa 7/11? Pinagti-tripan mo naman ako eh, inaantok na talaga ako"
"Alam ko na.. bago makarating dito sa subdivision merong puno ng mangga 'di ba?"
"Ano? Kila Mr. Villareal? Pagnanakawin mo pa ako ng mangga?"
"Hind mo na ako mahal?"
Napakamot naman sa batok si franco,
"Ayaw ko lang magnakaw ng mangga hindi na agad kita mahal? Bukas na lang kasi kahit isang basket pa na puro maniba. Mga babae talaga eh, kahit ano maisipang kainin"
"Ayoko ng maniba. Gusto ko 'yung maasim. 'yung malambot pa 'yung buto"
"Ano ba, love? Naglalaway ako sa mga sinasabi mo! Tigilan mo na 'to. Matulog ka na"
Pero padabog na nahiga si yumi at tumalikod kay franco..
Napansin naman ni franco na nagtatampo ito kaya bumangon na lang at nag jacket.
Pinuntahan si jovan sa kwarto nito para magpasama na manguha ng mangga.
"Mangga, sir? Sinong kakain ng mangga ng ganitong oras?"
"Si yumi ah.. sino pa ba. Umaakyat dugo ko sa utak ko eh."
"Hating gabi talaga?"
"Kaya nga eh, ginising pa ako..buti gising ka pa?"
"Opo eh, kayayari ko lang kausapin asawa ko"
"Tara, nakaw tayo mangga"-natatawang sambit ni franco.
Ginamit nga nila ang kotse ni franco at ng makalabas ng subdivision ay agad na nagtungo sa puno ng mangga sa harapan ng mga Mag Villareal.
"Kulong ang aabutin ko nito eh"-ani franco.
"Oo nga, sir..may CCTV d'yan.."
"Eh, ano'ng gagawin ko?"
"Hanap na lang tayo ng ibang puno ng mangga, sir.. sa walang CCTV"
Nagkasundo nga ang dalawa na maghanap ibang puno ng mangga.
"Ayun, sir! Walang kabahayan..free 'yan.."
"Teka, paano pala tayo kukuha? Ikaw aakyat?"
"Akyat now.. hindi na makababa later"-tugon ni jovan.
"Hindi rin ako marunong umakyat eh. Wala pala tayong sungkit na dala"
"Oo nga po eh, nakaka loka naman kasi itong si bikang"
"Mismo! Nakaka high blood. Pasalamat s'ya mahal ko s'ya.. hay nako"
Natawa naman si jovan at naka isip ng plano.
"Batuhin na lang natin, sir"
"Batuhin? Mamaya makabato tayo ng hindi nakikita eh"
"Oo pala, sige po try ko na lang umakyat."
"Sige, salamat.. 'wag daw maniba ah.. 'yung mura pa.."
"Ibang klase. Baby mango pa gusto."-tugon ni jovan.
Natawa naman si franco,
Para silang mga luko-lukong magnanakaw sa hating gabi.
Matagumpay ngang naka akyat si jovan pero mas maraming nakuhang maniba si jovan kaysa sa mga hilaw.
"Okay na siguro 'to.. salamat jovan"
"Natatawa ako sa mga pinaggagagawa natin sir"
"Ako nga din eh..tara balik na tayo"
-------
Pagkabalik nga nila ng mansyon ay gising pa rin si yumi at tuwang-tuwa naman ito na kinuha ang mga mangga. Agad ngang nagtungo sa kusina para kumuha ng pangbalat.
"Love, tama na 'yung isa ah. Baka sumakit tiyan mo"
"Gusto ko mga lima..maliliit lang naman 'to"
"Ano? Lima talaga? Baka sumakit tiyan mo!"
"Hindi 'yan.. kain ka rin"
"Ah..ayoko.."
Pero walang nagawa si franco ng subuan siya ni yumi.
Kaya napa pikit ito dahil sa sobrang asim.
Si yumi naman ay parang wala lang, parang hindi maasim ang nilalantakan.
Iodized Salt nga lang ang sawsawa nito. Napapa ngiwi naman si franco habang pinapanood siyang kumakain ng mangga.
------
Kinabukasan nga ay napaka daming dalang prutas ni franco, may mga singkamas pa at ubas.
"Oh? Ba't ang dami n'yan? Sino dadalawin mo sa ospital?"-tanong ni celine ng makita nito si franco na may bitbit na dalawang basket ng prutas.
"Ano'ng dadalawin sa ospital? Para 'to sa kapatid mo"
"Kay yumi? Bakit? Pinabili n'ya?"
Hindi naman.. pero binilhan ko na.. baka gisingin nanaman ako mamayang hating gabi para lang kumain ng mangga."Sus! Nakakaloka ah..hating gabi na nag crave pa ng mangga?"
"Kaya nga eh"-tsaka nito ibinigay kay nida para iayos sa kusina.
"Parang naglilihi ahh---- teka! Baka nga?!"-nanlaki ang mga mata ni celine tsaka ito napatakip sa kaniyang bibig.
"Ha? Lihi? Ano'ng lihi?"-nagtatakang tanong ni franco.
"Ang nakakaranas ng lihi 'yun 'yung mga buntis"
Nagulat naman si franco sa sinabing iyon ni celine,
"You mean buntis si yumi?"
"I don't know, pero marami kasi akong napapansin sakan'ya lately.. madalas natutulog.. tapos minsan nagluluto ako mabaho daw.. akala ko naman nang-aasar lang.. pero 'yun din 'yung mga symptoms ko nung ipinagbubuntis ko si diana eh"
"May posibilidad kayang buntis nga s'ya, celine?"
"Aba! Oo naman! Magkasama na kayo sa iisang kwarto tsaka kung ginagabi gabi mo kapatid ko bakit hindi nga makabuo?"
"Grabe sa ginagabi gabi ah.. dalawang beses pa lang eh..pero sana nga.. hindi pa ako sure pero na e-excite na ako celine.."
"Para makasiguro tayo.. bilhan mo ng pregnancy test or ipa check up mo. Pero ako na muna bahala.. ako na pala bibili. Dalawa na agad para sigurado"
"Salamat celine.. sige nga"-naka ngiting tugon nito.
"Pero 'wag ka munang maingay ah.. 'wag mo munang sabihin na may kutob tayo na nagdadalang tao s'ya"
"Sige ba.."
"Pero 'wag masyadong umasa ah..masakit 'yan"
"Malay mo naman 'di ba?"
Ngumiti naman si celine..
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...