Prologue

986 16 1
                                    

Pagpatak ng alas kwatro ng madaling araw ay bumangon na si Nayumi upang mamalengke ng kaniyang lulutuin para sa kanilang maliit na carinderia.

Agad na nga itong nagtungo sa lamesa upang magtimpla ng kape bago magtungo ng palengke.

Nilingon pa niya ang kapatid na mahimbing na natutulog sa mahabang upuan sa kanilang maliit na sala.

Batid niyang hating gabi na ito naka uwi dahil may part time job ito at sa umaga ay istudyante ito.

Pumasok si Nayumi sa silid ng kaniyang kapatid upang ikuha ito ng kumot. At ng maka kuha nga ay dahan-dahan niya itong kinumutan.

Bumalik na siya sa lamesa at inapura ang pagkakape.

-------

"Isang kahig,isang tukang pamumuhay. Isang lingon sa langit at isang ngiting wagas. May talang kikislap gabay patungo sa tamang landas. Unti-unting mararating kalangitan at bituin. Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning"-pagkanta ni nayumi habang nagluluto nga ito."Hawak ngayon tibay ng damdamin----"

"Wow! Kaya naman ang sarap ng luto mo kasi kinakantahan mo eh"-pagpuri sakanya ng kaniyang kaybigan na si Eriz.

"Aba, siyempre.. oh ano? Oorder ka ba?"-tanong niya rito.

"Hindi eh..may ulam kami"-tugon ng kaybigan niya.

"Ganon? Eh bakit ka nandito?"

"Wala hehe..para ano..para---"

"Para? Para mamwisit?"

"Grabe naman 'to..hindi ba pwedeng nadaan lang?"-tugon ng kaybigan niya.

"Asus..ang sabihin mo para sumilay..alam ko na 'yang mga galawan mong 'yan."-pagsingit ng kaniyang pinsan na si ramon.

"Wag ka nga d'yan.. hindi 'no! Bakit naman ako sisilay? Tsaka ikaw ang dumi ng brain mo. Magkaybigan kami netong si bikang."

"Oo nga naman ramz..haha.. Tsaka never akong magkaka gusto sa mokong na 'to..eeeww. over my dead body"-maarteng tugon ni yumi sa kaniyang pinsan.

"Arte neto.. crush mo nga ako nung mga bata tayo e"-saad ng kaybigan dahilan para manlaki ang mga mata ni yumi.

"Aba! Saan ka humuhugot ng kakapalan ng face ha?! Ako may gusto sa'yo noon? Kilabutan ka nga sa sinasabi mo d'yan!"

"Eh bakit ka namumula at lumalaki butas ng ilong mo kung hindi totoo?"

"Puwede ba lumayas ka na at baka malasin ang araw ko ngayon. Tsupi! Alis! Yabang neto"

"Hindi 'yan..baka swertehin kamo kasi swerte ako eh."

"Alis na sabi eh!"

"Ah.. good morning po, tita sandra.. 'yung anak n'yo po pinapaalis ako.. oorder pa naman po sana ako ng chop suey eh"-saad ni Eriz sa nanay ni yumi.

"Bakit mo naman pinapaalis,anak?"

"Nandito na po pala kayo..naku 'nay, 'wag kang maniwala kay berto. Hindi 'yan oorder ng chop suey. Namumwisit lang 'yan kahit tanungin n'yo pa 'tong si ramz"

Ngumiti lang si Ramon at ipinagpatuloy ang paghihiwa ng mga gulay.

"Bakit hindi mo ako ginising? Sinolo mo nanaman ang trabaho"-saad ng kaniyang ina.

"Okay lang po 'yun 'nay..tsaka nandito naman si ramon."

"Ahm..balikan ko na lang po 'yung order ko"-ani eriz kay sandra.

"Kahit 'wag ka ng bumalik! Kutong lupa!"

"Sumusungit ka lalo. Naglilihi ka ba?"-pang-aasar ni eriz sa kaybigan.

"Tse! Alis!!"

"Eto na..aalis na. 'wag mo ko mami-miss ah"

"Mukha mo!"

"Para talaga kayong aso't-pusa ni Eriz Miguel 'no? Baka mamaya n'yan kayo pa magkatuluyan"-saad ng kaniyang ina pagka alis ni Eriz.

"Naku, nay..malabo 'yan..kaybigan ko lang po si Eriz..tapos na nga po pala 'to. Ang next ko naman po is adobong manok"

"Ako na d'yan anak.. nakalimutan ko palang sabihin sa'yo tumawag si Jovan"

"Ano pong sabi?"

"Naghahanap daw 'yung amo n'ya ng cook. Baka daw gusto mo? Malaki daw sweldo."

"Gusto ko sana 'nay pero paano 'tong carinderia?"

"Kaya ko na 'to 'nak..ako ng bahala dito"

"Sure po ba kayo?"

"Oo naman..bakit hindi mo subukan? Para makapag ipon ka ng pang college mo..alam kong matagal mo ng gustong bumalik sa pag-aaral baka ito na 'yung sagot anak.."

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now