Nasa talyer na nga sila celine at james upang ipagawa ang nayuping kotse ni james dahil sa pagkakabangga ni celine dito.
"Alam kong matagal maaayos 'yan. Kaya tumawag ka na lang sa'kin kung magkano ang babayaran. May pupuntahan pa ako!"
"Teka! Eh paano kung takasan mo 'ko?"
"Hello?! Mukha ba akong scammer ha?! Ibibigay ko number ko sa'yo! Tawagan mo 'ko! Tsaka baka bukas pa matapos 'yan. Ano ako maghihintay dito?"
"Kasalanan mo 'yan eh! Kaya hintayin mong matapos maayos"
"Kung makapag salita ka naman akala mong ako lang ang may kasalanan! Hindi ba't kasalanan din ng sinusundan mo?! Wag mo nga akong sisihin na parang kasalanan ko lahat!"
"Humuhugot ka ba?"
"Ewan ko sa'yo! Basta eto ang calling card ko, tawagan mo na lang ako! Tsaka hindi lang naman sasakyan mo ang nasira. Pati din naman 'yun sa'kin. Pero tsaka ko na 'yan ipapaayos"
Kinuha nga iyon ni james at akma na sanang aalis si celine pero pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak niya sa braso nito.
"Bakit ba? Ano pa bang problema mo?"
"Iiwan mo 'ko dito mag-isa?"
"Bakit?! Mapapano ka ba dito?"
"Paano ako makakauwi kung wala akong sasakyan?"
"Akala ko ba doctor ka?! Parang ang hina yata ng utak mo! Edi mag taxi ka pauwe! Problema ba 'yun Mr. Antipatiko?"
"Naku! Kung hindi lang masamang pumatol sa babae kanina ka pa nakatikim sa'kin eh!"
"Bakit hindi mo subukan? Bakla lang ang pumapatol sa babae!"
"Hayst! Kainis ka na talaga! Wala akong cash! Ihatid mo 'ko sa bahay namin!"
"Ano?! At ginawa mo pa akong taga hatid mo? Ano ka? Sinuswerte?! Ayoko!"
"Basta! Ihatid mo 'ko!"
"Ang sabi mo makikipag date ka tapos wala ka palang cash? Ano 'yun magpapalibre ka sa ka date mo?! Hindi ka ba nahihiya? Kalalaki mong tao ikaw pa ililibre ng babae! Tsk! Ginagamit ang itsura para malibre sa date! Ibang klase!"
"Tapos ka na ba magsalita?! Basta ihatid mo 'ko! At kung tinatamad kang magmaneho ako ang magmamaneho! Akin na ang susi mo"
"No!"
Pero pilit paring hinatak ni james ang susi sa kamay ni celine at binuksan ang kotse nito.
"Ano? Tutunganga ka na lang ba d'yan o sasakay ka?"
Inirapan lamang ni celine si james at pumasok na nga rin ito sa loob ng kotse niya.
"Talaga bang masungit ka, Miss Celine Claveria? Sayang, ang ganda mo pa naman"
"Hindi mo ba talaga ako titigilan sa pamumwisit sa akin ha?!"
"Tsk. Ang sungit talaga eh. Siguro wala kang boyfriend"
"Eh ano naman sa'yo kung wala nga?!"
"So, totoo nga?"
"Ano bang pake mo?!"
"Nagtatanong lang eh. Ilang taon ka ng single? Since nung nag break kayo ni franco?"
"Of course not! Kaka break ko lang sa boyfriend ko kanina"
"Ow! Kaya pala ang sungit mo! Now i know na kung bakit ka masungit."
"Ang malas naman ng girlfriend mo kasi may mayabang at epal na boyfriend"
"Sinong nagsabi sa'yong may girlfriend ako? Hindi pa ako nagkaka girlfriend"
"Ano?! Maniwala sa'yo"
"Si yumi ang una kong niligawan at mula no'n hindi na ako nanligaw pa ng iba. Siya lang kasi 'yung gusto kong maging girl friend. Pero hindi na mangyayari 'yun kasi nakatali na s'ya sa iba. At sa ex mo pa"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...