Chapter 89

94 3 0
                                    

Malalim na nga ang gabi at nasa kani-kaniyang kwarto na sila nayumi. Kay nathalie nga naka tabi si diana at si franco naman ay sa kwarto ni yumi.

Naka higa na nga sila franco at yumi habang magkahati sa iisang kumot at unan.

"Seryoso love? Dito talaga kayo titira ng 2 weeks ni diana?"

"Oo nga love, hindi makapaniwala?"

"Oo eh, kayanin n'yo kaya? Lalo 'yung bata love.."

"Kayang-kaya no'n kasama ka n'ya eh. Lalo na ako. Kakayanin ko lahat, ang hindi ko lang kaya ay 'yung hindi ka makasama"

"Asus. Lakas magpa kilig eh"

"Kinikilig ka?"

"Bakit? Hindi ba halata? Sure ka ah. Walang aircon dito. Tapos walang shower madalas pa mawalan ng tubig. At kapag walang tubig, kila aling josie kami naliligo. D'yan lang sa katabi namin."

"Walang problema, love. Sabi ko nga sa'yo lahat kakayanin ko. Ang cute ng kwarto mo. Ngayon ko lang 'to nakita."

"Pink na pink 'no? Kasing cute ko"

"Favorite color mo pala ang pink ah. Gusto mo pagtapos ng kasal natin ipaayos natin 'yung kwarto natin? Papipinturahan ko ng pink"

"Hindi na love, oks na sa akin 'yung white. Maaliwalas tignan. Ang ganda ganda kaya ng kwarto mo"

"Correction, kwarto natin"

"Hehe..oo pala"

Bigla ngang natahimik si franco at tumitig ito sa mga labi niya habang naka ngiti, alam na ni yumi ang susunod na gagawin nito kaya naman agad na siyang pumikit.

Pagka pikit nga niya ay ang paglapat ng mga labi ni franco sa kaniyang mga labi. Naka hawak nga ang kamay ni franco sa kaniyang batok.

Mas lumalalim nga ang mga halik na iyon at nagsimula na nga ang paglikot ng kamay ni franco. Inumpisahan nito sa binti ni yumi paakyat sa hita nito. Hanggang sa maipasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng short nito at tinungo nga ng kamay niya ang pagkababae ni yumi.

Akma na sana niyang ipapasok ang kamay niya sa loob ng p4nty ni yumi ng biglang bumukas ang pinto.

"Daddy!"-pagtawag ni diana kaya kapwa sila nagulat at nasipa pa ni yumi si franco dahilan ng pagkalaglag nito sa sahig.

"Halla! Ang daddy ko!"-naawang saad ni diana.

Ininda nga ni franco ang kaniyang balakang at nahirapan itong tumayo kaya mabilis na bumaba si yumi para alalayan siya.

"A-aarray.. 'yung balakang ko nabali na yata"-saad ni franco haban hinihimas ito.

"Ano pong nangyari daddy bakit ka po nalaglag?"

"Ah..ano kasi anak. May ano.. may ipis akong nakita kaya nasipa ko si daddy mo"-pagsisinungaling ni yumi.

"Ano po? Cockroach?! Waaaahhh!!! Saan po? Asaan? Ayoko po sa ipis! Takot po ako.do'n"-sigaw nito at mabilis ngang umakyat sa kama.

"Ah..w-wala na.. lumipad na sa labas"-tugon ni yumi.

"Bakit ka pala nandito anak?"-tanong ni franco.

"Look po oh, nag drawing po kami ni tita natz ng rainbow, ang ganda po 'di ba?"

Napakamot naman si franco sa batok habang sapilitan itong ngumiti.

"Oo nga, ang ganda nga ng rainbow, anak"-tugon niya.

"Ipinakita ko lang ito sa inyo daddy, bago kami matulog ni tita. Sige po, good night na po. I love you, mommy. I love you, daddy"-sabay halik nga niya sa mga labi ng mga ito.

Mommy For HireWhere stories live. Discover now