Binalikan nga ni franco ang profile na iyon ni yumi at binasa ang ibang mga komento.
"Siya ba? Yung fiance daw ni franco? Talaga ba? For me hindi naman siya ganoon kaganda para kay franco. Parang she's nothing"
"Yung may account nyan, yung nagtrending sa beach. Naalala nyo ba yun guys? Siya yun. Anong nakita ni franco ni dyan? Yes, maganda sya pero hindi sila magka level"
"Pera lang habol nung babae"
"Bakit parang kahawig nung ex niya? Stalk nyo yung account dali. Mawiwindang kayo"
"Pinapa mine n'ya na..kuhanin nyo nga si Franco Dela Vega. Hindi sila bagay. Mas bagay talaga sila ni celine claveria"
"Guys! Move on na kayo sa past nila franco at celine. Pareho na silang masaya ngayon. Siguro naman nakita nyo yung nag trending din na pictures ni celine na may kasamang guy at nagsalita na yung manager nya na boyfriend daw ni celine yun"
Hindi na nga niya kinaya mga nababasang mga komento kaya naman itinigil na niya ang pagbabasa.
"Siguro kaya hindi nga nag popost o nag ma-my day manlang si yumi ng pictures naming dalawa dahil dito. Dahil sa mga bashers na walang magawa sa buhay. Hindi p'wedeng mabasa ni yumi ang mga 'to ma i-stress lang s'ya"-wika sa sarili tsaka ito tumayo para puntahan si yumi sa sala kasama si diana.
Hindi talaga siya pala patol sa mga bashers kaya naman hinayaan lamang niya ang mga iyon, marami din naman siyang nabasang magagandang komento.
May mga ilang larawan din sila na pinost niya sa instagram pero hindi siya nagbasa ng mga comments doon.
Nakita nga niya ang anak niya at si yumi na masayang nanonood. Tahimik nga siyang tumabi sa mga ito.
"Nag bo-bonding ang mag mommy hindi manlang ako sinali"-saad ni franco.
"Hello, daddy. Eh kasi po akala ko nagpapahinga ka dahil busy ka po sa work"
"Hehe. Tinanggal na ni mommy 'yung pagod ko"-naka ngising tugon nito kaya nilakihan siya ng mga mata ni yumi.
"Love, delete mo na 'yung profile mo. Ang daming nag ma mine sa'kin. Sige ka, mawawalan ka ng fiance"-saad nito. "Wag ka ng magbabasa ng comment kasi puro MINE lang naman lahat 'yun. mahihirapan ka lang mamili kung kanino mo ako ibibigay"
"Huli ka na sa balita love, nabasa ko na"
"Ano?! Nagbasa ka? Bakit nagbasa ka?"
"Daddy? Ano pong nangyayari?"-tanong ni diana.
"Ah..W-wala anak..sige lang nood ka lang. 'yung food mo oh. Kaininin mo na"
Ngumiti naman si diana at nag focus na nga ito sa pinapanood.
"Akala mo maaapektuhan ako sa mga comment nila? Tsk. Di ah.. bahala sila"
"Sure ka? Kahit na hindi maganda mga sinasabi ng iba? Gusto mo replayan ko lahat ng mga bashers do'n eh"
"Hindi na..hayaan mo lang sila.."
"Nabasag tuloy pagiging tahimik ng facebook mo"-saad ni franco.
"Lalong magagalit mga 'yun kapag nag profile na 'ko ng picture nating dalawa sa araw ng kasal natin"
"Tama, love.. napaka tatag mo talaga. Hindi ka nagpapa apekto sa mga kagaya nila"
"Yung mga kaklase ko nung high school nag message sa akin eh. Kaso hindi ko na nireplyan. Tinatamad ako makipag chat"
"Ano bang sabi nila?"
"Ayon, tinatanong nila kung binebenta daw ba talaga kita. Bibilhin ka daw kahit dalawang milyon. Joke HAHAHAHA. Yung iba akala naman kinuha ko lang picture mo tapos pinrofile. Basta matatawa ka nalang eh. Ngayon lang ako naging sikat HAHAHAHA masakit din pala sa ulo"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...