Chapter 23

166 6 0
                                    

Nagmadali nga sa pagluluto si Nayumi dahil baka mainip ang mga bisita at baka nagugutom na ang mga ito.

"Ang aga naman kasi nilang dumating, hindi pa ako nakakapag luto eh''-wika sa sarili habang ibinibiling ang piniprito nitong itlog.

Sunod nga niyang ipinrito ay hotdog,Tocino at longganisa.

"Hi, bestfriend!"-pagulat na pagbati ni francis sa abalang nagpi-prito na si nayumi.

"Ano ba francis, nanggugulat ka..sige ka baka ikaw ma prito dito"

"Napaka seryoso mo naman kasing magluto tsaka napansin kong apurang apura ka d'yan..wag kang mataranta. Kalma"

"Eh pano nga may mga bisita si sir franco..baka gutom na 'yung mga 'yun. Kaya nga kabilaan na ang pagpiprito ko eh"

"Bisita? Ang aga naman"-sabay tingin nito sa relo niya. "6:57 pa lang ah, kanina pa ba sila?"

"Oo, may isang oras na"

"What?! Sino ba mga 'yun?"

"Noah yata 'yung pangalan no'n. Tapos 'yung ex ni sir franco"

"Ha? You mean nandito ang bruha mong half sister? Andito si celine?"

"Hindi..grabe ka naman..si celine agad?"-sabay kuha nito ng ipiniprito n'yang tocino. "Halla muntik ng masunog"

"Okay lang 'yan.. iyan nga ang masarap 'yung pasunog na hehe. So sino ngang ex n'ya 'yun?"

"Yung trina"-tugon nito na naka harap pa rin sa iniluluto.

"Trina?! 'yung pinsan ni Noah?"

"Siya nga"

"Naku, 'yung maarte na akala mo s'ya ang pinakamagandang nilalang sa buong planeta"

Natawa naman si nayumi,

"Hindi ex ni kuya ang maarteng 'yon"

"Eh, bakit sabi ni sir noah?"

"Hindi noh! Ang feeling naman nila..walang naging Girlfriend si kuya kundi 'yung kapatid mong bruha..wala ng nagdaang babae sa buhay ni kuya mula nung maghiwalay sila ni celine..first girlfriend kaya n'ya si celine.kaya nga sobrang nasaktan si kuya eh..hays..wag na nga nating pag-usapan 'yun..ano ba maitutulong ko?"

"Wala naman..patapos na rin ako"

"Okay, tulungan na lang kitang maghain ng mga pagkain"

"Sige, salamat. Wait lang ah..sabihan ko lang sila na kakain na"

"Sige..sige.magpapatulong din ako kay nida"

Pinuntahan nga ni nayumi ang tatlo na nasa garden..ang saya saya ng mga ito habang nagkukwentuhan ng mga kalokohan.

Huminga nga ng malalim si yumi bago lumapit sa mga ito.

"Ah,sir franco, kain na po kayo.ihahain lang po 'yung pagkain"

Pagkarinig nga ni trina iyon ay bigla na lang itong lumingkis kay franco na tila aagawin ito sakaniya.

Napa tingin pa si nayumi sa ginawa nito pero agad ding inalis ang tingin at ngumiti na lamang.

"Tara po"-pag-aaya n'ya.

Pumasok nga sila sa loob at naghahain na sila nida,michelle at francis.

Kaya naman pinuntahan na lang ni nayumi si diana sa kwarto.

Pero tulog pa ito kaya muli siyang bumalik sa kusina para manguha ng mga baso.

Ngunit paglapit ni nayumi para ibaba ang baso ay pinatid siya ni trina kaya napasubsob siya kay franco at nalaglag ang hawak nitong mga baso at nabasag iyon.

Mommy For HireWhere stories live. Discover now