Chapter 38

140 6 0
                                    

"Kinakabahan ako, love"-ani franco habang pinagmamasdan ang anak na naglalaro sa kama nito bago matulog.

"Inhale, Exhale ka muna love"-tugon ni yumi. "Kaya mo 'yan. Kasama mo 'ko"

Pumasok na nga sila sa kwarto ng bata kaya nakuha nila ang atensyon nito.

"Mommy, Daddy?"

"Ah..anak?"-ani franco tsaka ito naupo sa gilid ng kama maging si yumi.

"Yes po?"

"Come here.."-tsaka niya iniupo si diana sa kandungan niya. "May sasabihin si daddy sa'yo eh"

"What is it po?"

"Anak, ayoko sana munang sabihin 'to kasi alam kong mahihirapan ka pang maintindihan. Pero kaylangan at karapatan mong malaman ang totoo"-sabay sulyap niya kay nayumi at ngumiti ito sa kaniya. "Kasi anak..ano kasi eh"

"Ano po ba 'yun daddy? Tell me po.."

"Hindi si mommy yumi mo ang tunay mong ina"

"Po? What do you mean po?"

"Hindi siya ang mommy mo. May iba kang mommy. Tita mo lang talaga s'ya, kapatid s'ya ng totoo mong mommy"

"Po? Hindi ko po maintindihan daddy"

"Anak, hindi mo ako tunay na mommy."-Si nayumi na ang sumagot.

Nagpalit-palit ang tingin ng bata sa mga ito kasabay noon ang pag-iyak ng malakas.

"Anak, I'm sorry.."-ani franco.

"That's not true! You're lying! I hate you, daddy!"-sigaw nito tsaka nahiga at binalot ang katawan ng kumot.

"Listen to me sweetie. Hindi ko gustong masaktan ka..pero 'yun ang totoo. Bumalik na ang totoo mong mommy at makakasama na natin s'ya dito"

Hindi na nga rin napigilan ni yumi ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Sobra din siyang nasasaktan ngayon.

Bumangon ngang muli si diana at hinarap ang kaniyang ama.

"No! Para sa'kin si mommy yumi lang ang mommy ko! No one else! I hate you! I hate you, daddy! I hate you!"-sigaw nito kasabay noon ang pagyakap niya ng mahigpit kay yumi na lalong ikinaagos ng mga luha ng dalaga.

Walang lumabas na kahit anong salita mula kay yumi bagkus ay niyakap lang din niya ito ng mahigpit. Basa na nga ang damit niya dahil sa mga luha nila ni diana.

"Wag ka namang magalit kay daddy, anak..please naman oh."

Pero hindi na kumibo si diana at nanatili itong nakayakap kay yumi.

"Ako ng bahala sakan'ya love, kakausapin ko na lang s'ya ulit kapag kumalma na s'ya"

"Thank you"-mahinang sambit nito at humalik sa noo ni yumi bago tuluyang lumabas ng kwarto.

-------

"Mom, bukas nga pala kila franco na ako titira."

"Ha? Paano? B-bakit?"

"Ayaw ni franco na kuhanin ko ang anak ko.. bilang ama masakit para sakaniya na kunin ko basta-basta 'yung bata kaya doon ako titira para makasama ko ang anak ko. But don't worry dadalaw dalaw ako dito kasama ang apo mo"

"Hindi ka ba n'yan mahihirapan? Araw-araw mong makikita ang ama ng anak mo"

"Eh ano naman mommy? May girlfriend si franco at binabahay na n'ya 'yung babae.. tsaka titira ako doon para sa anak ko..kung ayaw naman nila edi magkita kita kami sa korte."

"May bago na palang girl friend si franco, okay lang ba sa girlfriend n'ya ang magiging set-up ninyo?"

"I don't care mommy! At wala din akong pakealam sa mararamdaman n'ya.."

"Alam kong hindi ka masamang tao anak, sana naman hindi mo masaktan ang bagong nobya ni franco sa pagtira mo do'n. Ikaw man ang lumagay sa sitwasyon n'ya masasaktan ka rin 'di ba?"

"Like i said, i don't care what she feels! Pake ko ba sakan'ya. Hindi ko naman aagawin si franco sakan'ya.. kaniyang kanya na."

"Siguraduhin mo lang anak.."

"Bakit parang mas nag-aalala kapa sa girlfriend ni franco kaysa sa akin?"

"Hindi naman sa gano'n anak.."

"Pero 'yun ang nararamdaman ko!"

"Ayoko lang na may masaktan ka, anak"

"Hays..ewan.. sige na maiwan na muna kita mag eempake pa 'ko"

Nag empake nga si celine ng mga gamit niyang dadalhin niya kila franco.

Natigilan siya ng maalala si yumi.

"Ano bang meron sa'yo? Bakit parang iba ang dating mo sa'kin, ba't parang magaan ang loob ko sa'yo? Iba 'yung sinasabi ko sa nararamdaman ko"-wika nito sa sarili at humarap sa salamin.

"Pero hindi! Kalaban kita pagdating sa pagmamahal at atensyon ng anak ko. Babalik na ako at babawiin ko mula sa'yo ang anak ko. Hindi ko hahayaang maging masaya ka habang ako malungkot."

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now