Chapter 43

149 7 0
                                    

Dahil sa pagsampal ni celine kay yumi ay agad siya nitong binawian.

Sinampal niya din ito ng malakas kasabay nito ang paghila niya sa buhok ni celine habang kinakaladkad.

"Bitiwan mo 'ko!"-sigaw ni celine pero tila hindi siya naririnig ni yumi.

Pagkatapos niyang bitiwan ang buhok ni celine ay itinulak niya ito dahilan ng pagkabuwal ni celine sa semento tsaka siya pumaibabaw dito at ginawaran ng magkasunod na sampal, kaliwa't kanan nga ang ginawa niyang pagsampal.

Nang makita nga iyon nila Nida at Irah ay sinubukan nilang awatin ang magkapatid,

"Walang aawat!"-pagpigil ni yumi sa kanila habang pisil nito ang panga ni celine.

"Anong karapatan mong pagbuhatan ako ng kamay?! Nanay ko nga hindi ako sinasaktan! Tapos ikaw?! Sasampalin mo lang ako ng gano'n gano'n lang?!"

Halos malamog si celine dahil sa ginagawa sakaniya ni yumi.

"Videohan mo..videohan mo"-mahinang sabi ni irah kaya ginawa iyon ni nida.

Hinatak nga rin ni celine ang buhok ni yumi dahilan ng pagkasubsob nito at agad niyang itinihaya at siya naman ang sumampal ng sumampal kay yumi.

Pero hindi nagpatalo si yumi dahil sinuntok niya ito sa tiyan dahilan para mamalipit ito sa sakit ng tiyan.

"Wala kang karapatan na saktan ako! Ate lang kita!"

Kapwa nagulat sila nida at irah dahil sa narinig,

"Bakit ha?! Masakit bang marinig ang katotohanan na wala kayong kwentang ina?! Na wala kang kwentang kapatid!"

--------

Nasa loob na nga ng subdivision si franco ng makatanggap ng video mula kay nida. At ng mapanood niya iyon ay tinulinan niyang magmaneho para makarating agad sa bahay.

Sunod-sunod nga siyang bumusina para mapagbuksan siya ng gate ni jovan.

Nang makapasok nga ang kaniyang sasakyan ay mabilis siyang bumaba para magtungo sa pool area.

Naabutan pa n'yang lalapitan ni yumi si celine kaya agad siyang sumigaw.

"Tumigil kayo!"

Kapwa sila napalingon kay franco. At bakas sa mukha nito ang galit.

Agad nga siyang lumapit kay yumi para hatakin ito palayo kay celine.

Hindi naman makatayo si celine dahil sa sakit ng tiyan.nakasalampak lang ito sa semento habang hawak ng dalawang kamay niya ang kaniyang tiyan.

"Ano bang nangyayari sa inyo?! Bakit kayo nag-aaway! Para kayong mga bata!"-sigaw nitong muli.

"Kayo naman!"-sabay turo n'ya kila nida. "Hindi n'yo manlang inawat 'tong dalawang 'to!"

"Eh..sir..A-ayaw po nilang magpa awat eh"-tugon ni nida.

"Hindi n'yo pa ako sinasagot! Bakit kayo nag-aaway! Bakit kaylangan ninyong magkasakitan!"

"Bakit hindi mo itanong d'yan sa magaling mong ex fiance! Nananahimik ako ditong nagsu-swimming tapos susugurin n'ya 'ko!"

"Totoo ba 'yun celine?!"

Tsaka lang lumapit sila nida at irah para itayo si celine at ipinaupo sa isang silya.

"Pinuntahan ko lang s'ya para kausapin! Para malaman ko 'yung totoo! Tapos kung anu-ano ng masasakit na salita ang mga pinagsasabi n'ya sa'kin! Kaya hindi na ako nakapagpigil nasampal ko s'ya"-tugon nito habang umiiyak.

"Eh, totoo naman lahat ng sinabi ko ah! Bakit? Masakit ba?!"-ani yumi.

"Tumigil ka na! Wala kang alam sa nangyari sa buhay ko! Wala kayong alam kung ano ang mga hirap na tiniis ko!"

"Ayun..muntik ko ng makalimutan artista ka nga pala. S'yempre aartehan mo kami!"

"Yumi.."-pagbawal ni franco sakaniya.

"Bakit?! Mali ba 'ko?! Ano? Kakampihan mo s'ya?!"

"Ano ba?! Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa! Pareho kayong mali! Ang akin lang p'wede naman kayong mag-usap ng mahinahon at hindi nagkakasakitan!"

Hindi na kumibo si yumi at tumakbo na lang ito palayo ng pool.

Sinundan naman siya ni franco at kinausap.

Sa kwarto na niya naabutan si yumi,

"Galit ka sa'kin kasi sinaktan ko s'ya?"

"Hindi ako galit sa'yo. Pero sana 'wag na 'tong maulit, love. Magkapatid kayo tsaka ano na lang iisipin ni diana kapag nakita n'ya kayong nag-aaway"

"Mauulit at mauulit 'to hangga't nandito s'ya! Hindi mo alam kung ano'ng pang iinsulto ang ginagawa n'ya sa'kin eh! Pero pinapalagpas ko 'yun dahil ayoko ng gulo!"

"Hayaan mo, kakausapin ko s'ya para tigilan ka na n'ya.sige na magbihis ka na"-tsaka niya pinagmasdan ang kabuuan ni yumi. "Nakipag rambulan ka ng naka gan'yang lang?"

Tinignan naman ni yumi ang sarili bago ulit tumingin kay franco.

"Naliligo nga ako ng sugurin n'ya 'ko eh. Sinabihan pa ako ng sinungaling edi inamin ko sakan'ya ang totoo na magkapatid kami. Alam naman na pala n'ya ang tungkol sa akin eh, at pinapahanap ako ng mommy n'ya pero hindi n'ya ko hinanap. Pero okay lang ayoko din naman sa magulo nilang mundo"

Hinapit nga siya sa bewang ni franco para yakapin.

"Sana, dumating 'yung araw na maging okay din kayo ni celine"

"Hindi na ako umaasa,franco. Sige na. Maliligo na ako"

Tsaka ito kumuha ng twalya at pumasok sa banyo.

Habang naliligo nga si yumi ay pinuntahan naman ni franco si celine sa guest room.

"Franco?"

"Can we talk?!"

"Tungkol ba sa nangyari kanina?"

"Oo, sana naman 'wag n'yo ng ulitin 'yun!"

"Mayabang din kasi 'yang girlfriend mo! Tignan mo ginawa n'ya sa face ko! Namula tapos sinuntok pa n'ya ko sa tiyan! Kung tutuusin p'wede ko s'yang idemanda eh"

"Wag naman sanang umabot sa gano'n celine, magkapatid kayo"

"Wala akong pakealam! Pero baka isipin mo naman masama akong ate. Okay,sige..hindi ko na s'ya idedemanda. Para sa'yo at para kay diana"

"Salamat.. ano nga pala 'yung sinasabi mo kanina na wala kaming alam sa nakaraan mo? Ano ba talagang nangyari celine? Ano nga ba talaga ang malalim na dahilan kung bakit mo 'ko iniwan? Kung bakit mo iniwan sa akin ang anak natin?"

"Dahil masyado kang mahigpit sa'kin noon! Nasasakal na 'ko sa'yo! Wala akong kalayaan na gawin ang mga gusto ko noon. Kaya kita iniwan!"

"Pero ang sabi mo lang sa akin noon hindi mo na ako mahal?"

"Mahal pa kita no'n. Sinabi ko lang 'yun para tigilan mo na 'ko.. para maging malaya na ako."

"Kaya mo rin ba iniwan sa akin si diana?"

"Hindi! May ibang dahilan franco..may mabigat na dahilan kung bakit mas pinili kong iwan sa'yo ang anak natin. Siguro nga ito na 'yung tamang panahon para sabihin ko sa'yo ang lahat."-tsaka ito naupo sa kama habang umiiyak.

"Tell me, celine..makikinig ako"-saad nito.

Hindi nila alam na sumunod pala si yumi at nakikita at naririnig sila nito.

Hindi namalayan ni yumi ang pagpatak ng kaniyang mga luha habang pinagmamasdan ang dalawa na magka usap.

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now