Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 24
Hindi nga masabi-sabi ni nayumi kung ano nga ba ang nakita nito malapit sa kusina.
"Ano ba talaga 'yun, yumi? Ano bang nakita mo?"
Nanginginig nga sa takot si yumi at hindi na makapagsalita pa, kaya naman niyakap na lamang niya ito.
Gumanti nga din ng yakap si yumi, yakap na sobrang higpit.
"Natatakot ako dito, natatakot ako"-ani yumi at isinuksok ang ulo niya sa balikat ni james.
"Paano'ng natatakot?"
"M-may multo yata"
"Multo? Paanong may multo?"
"Meron nga.. papunta sa kusina, may white lady dito, james."
Natawa naman si james dahil sa mga sinasabing iyon ni nayumi.
"Nayumi! Walang multo, okay? Hindi totoo ang multo"
"Doctor ka kasi kaya hindi ka naniniwala eh, totoo nga kasi 'yon! Kitang-kita ng mga mata ko"
"Ah, yumi?"
Kapwa pa nga sila napa sigaw ng tawagin ang pangalan ni yumi.
"Nay minda?!"-ani yumi ng makita si minda.
"Oo, ako nga. Bakit parang takot na takot kayo?"
"Ito po kasing si yumi, naka kita daw ng multo"-ani james at bumangon nga ito at lumabas ng kulambo.
Ganoon nga din si yumi,
"Multo? Walang multo dito."-natatawang saad ni minda. "Naririnig ko kasi kayong nag-uusap kaya nilapitan ko kayo. Tsaka makikisuyo sana ako sa'yo yumi kung p'wede mo ulit padedeen si mia."
"Whooaaa! Ikaw lang po pala 'nay, akala ko kung ano na po 'yung nakita ko malapit po sa kusina n'yo eh. Ikaw lang po pala 'yun hehe"
"Oo, ako 'yun. Hindi kasi ako maka tulog. Naaalala ko ang anak ko."
"Oh? Ayan! Pinagkamalan mo pang multo si nanay minda"-natatawang sambit ni james. "Wala kasing multo, manananggal meron at isa ka na do'n"
"Baka ikaw! Aswang! Tara na nga po, baka maka suntok ako ng lalaki ngayon. inom lang po ako ng tubig 'nay"
"Sige, iha. Pasensya na ah. Naabala pa kita"
"Wala po 'yun, para naman po sa bata eh"
Nagtungo nga si yumi sa kusina para uminom ng tubig at pagkatapos nga ay pumunta na ito sa kwarto nila minda upang padedeen ang sanggol.
____________
"Wala pa rin tayong balita kila ate yumi, ano na kayang nangyari sa kanila? Sana okay lang sila"-ani nathalie habang naririto nga sila kila franco.
"Kalma ka lang natz. Mahahanap din natin sila, naka takas daw sila eh sabi nung master mind sa pagpapadukot kay yumi"
"Paano ako kakalma ate celine? Paano kung nahuli ulit sila? Sige nga?"
"Hindi 'yan, think positive lang, natz!"
"Paano pa ako mag thi-think positive ate? Hanggang ngayon wala tayong balita. Walang update ang mga pulis. Alang-alala na sila nanay at tatay"
"Lahat naman tayo nag-aalala eh, sino bang hindi?"
"Tama na 'yan, walang maitutulong 'yang pagtatalo ninyo"-suway ni francis.
Wala namang imik si franco, naka hawak lang ito sa sintido niya at dahan-dahang minamasahe dahil sumasakit na nga ang ulo niya kakaisip kung nasaan na nga ba sila yumi.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...