Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 26
Halos hindi na nga mawalay sa isa't-isa sila yumi at franco, habang nasa sasakyan nga ay halos ayaw ng lubayan ni franco si yumi kakahalik at kakayakap.
Si francis nga ang nagmamaneho at katabi naman niya si nathalie.
"Akala mo namang isang taon na nagkawalay 'tong dalawang 'to.'-ani francis habang naka ngiti itong nagmamaneho.
"Hayaan mo na lang sila, mahal. Naiinggit ka yata e"
"Me? Maiinggit? Hehe. Medyo. Mamaya ganiyan din tayo ah. 'yung ganiyan din ka sweet. Ay hindi pala. Yung mas malala pala d'yan."natatawang sambiy ni francis.
"Hep! Narinig ko 'yon!"-ani yumi. "Ano'ng mas malala pa dito?"
"Hayaan mo na rin sila love, malaki na mga 'yan"
"Naku ha. Baka mamaya sorpresahin n'yo din sila nanay at tatay na magkaka apo na ulit sila at sa'yo naman natz"
"Naku ate! Malabo 'yan. Walang gano'n noh. Tsaka wala pang nangyayari sa'min ni francis. Napaka gentle man kaya ng boyfriend kong si francis and 99 others"
"At 99 others pa nga, mahal?"
"Joke lang, mahal. Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko eh.. sa siyam na pu't siyam na iba pa"-sabay tawa nga ni nathalie.
Lihim namang napa lunok si franco.
Sa tagal na nga nila nathalie ay wala pang nangyayari sa mga ito, hindi kagaya nila ni yumi na kahit hindi pa nga magkasintahan noon ay laging muntik may maganap sa kanilang dalawa.
"Tama 'yan, kasal dapat ang mauna bago ang ano.. basta 'yun na 'yon. 'wag kayong papares sa amin ni franco"
"Yeah, copy ate.."-tugon ni nathalie.
"Sure ka talaga, love? Walang ginawa sa'yo ang mga kidnappers na 'yun? Hindi ka nila sinaktan?"
Natigilan nga si yumi sa pagtatanong muli ni franco, hindi niya alam kung aaminin nga ba niya ang naganap sapagitan nilang dalawa ni james.
"W-wala love, wala talaga silang ginawang masama sa'kin. Pera lang daw talaga ang kaylangan nila"
"May gusto akong i-kwento sa'yo, love. About kay sophia."
"Inaantok ako love eh, tsaka mo na i-kwento 'yan."-tsaka nga niya isinandal ang ulo niya sa balikat ni franco.
Iniiwasan nga niyang pag kuwentuhan nilang dalawa si sophia, dahil hindi alam ni franco na alam na niya ang katotohanan sa likod ng pag kidnap sa kaniya.
Inalalayan naman ni franco ang ulo niya upang hindi nga ito malaglag kapag nakatulog na siya.
Maging siya nga ay pumikit na rin.
____________
Kila james na nga tumuloy sila minda.. at nangako si yumi sa mga ito na bibisitahin niya ang mga ito bukas na bukas din.
Umuwi muna sila yumi sa kanila upang makita nga niya ang mga magulang.
Napaka higpit na yakap nga ang iginawad sa kaniya nila sandra at pancho..
"Salamat sa diyos, anak. Dahil ligtas kayo. At kapiling ka na namin muli. Sobra kaming nag-alala sa'yo lalo na ang tatay mo na hinimatay pa"
"Po? Hinimatay si tatay? Halla,'tay. Kumusta naman na po kayo ngayon?"
"Maayos na ako, anak. Nanikip bigla 'yung dib-dib ko ng malaman kong nawawala ka eh."
"Sorry po, 'tay ah"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...