Chapter 1

434 14 0
                                    

Nag eempake na si Nayumi ng kanyang mga damit at mga gamit na dadalhin sa trabaho. Kahit hindi niya alam kung ano ang ugali ng mga magiging amo ay tinanggap na niya ito at ngayon nga ang ang araw ng kaniyang simula.

"Mag-iingat ka do'n,anak..kapag hindi mo kinaya ang trabaho 'wag kang mahiyang magpa alam sa kanila."-wika ng kanyang ina at tumulong na rin ito sa paglalagay ng damit ni yumi sa maleta.

"Opo 'nay...tsaka 'wag kang mag-alala..kung trabaho lang naman keribells ko 'yun. Pero kung masama ang ugali ng mga magiging amo ko doon ko talaga sila lalayasan. Hindi na rin ako nagtanong kay kuya jovan ng mga ugali nila kasi baka sabihin n'ya mabait para mapapayag ako eh. Mainam ng ako ang makatuklas no'n"-tugon nito sa ina.

"Tama anak..mahirap tayo pero hindi tayo nagpapa api"

"Of course 'nay! Dimaguiba Family kaya tayo kaya hindi nila tayo magigiba"-sabay tawa ng mga ito.

"Loko ka talaga"

"Si tatay po pala? Gising na?"

"Ah.oo.. kanina pa. Baka nasa likod. Alam no'n na aalis ka e, alam mo naman 'yun ayaw nu'n nakikitang nag eempake ka."

"Kaya nga po e, kahirap tuloy umalis kapag gano'n"

"Sa totoo nga ayaw n'yang pumayag na magtrabaho ka eh. Kinausap ko lang s'ya na kaylangan mong magtrabaho para makaipon ka sa pag-aaral mo. Dahil kinukulang ang kinikita sa carinderia para sa maintenance n'ya at sa mga gastusin dito sa bahay. Anak..pasensiya na ah..kami dapat na mga magulang mo ang sumusuporta para makabalik ka sa pag-aaral pero ikaw itong kaylangang magtrabaho para makapag ipon"-mangiyak ngiyak na wika nito.

"Nay naman.. aalis na nga lang ako pinapaiyak mo pa ako. Naiintindihan ko naman po 'yun eh. Tsaka mas importante po ang buhay ng tatay. Tutulong din po ako sa mga pambili ng gamot n'ya ah"

"Hindi na anak, sa'yo lahat ng suswelduhin mo do'n.kaya ko na mga gamot ng tatay mo."

"Hindi po 'nay..tutulong parin po ako"-tsaka ito tumayo at yumakap sa ina.

"Sigurado ka anak? Baka hindi ka makaipon"

"Kayang-kaya po 'yan. Kayo na po magsabi kay Nathalie ah. Hindi ko na po gigisingin. Puyat nanaman 'yun eh"

"Kaya nga anak eh, isa pa 'yun baka magkasakit na rin 'yun sa kasipagan"

"Wag naman sana..tsaka wala kang magagawa hehe. Masisipag ang mga anak n'yo eh"

Muli nga nitong niyakap ang ina atsaka nagtungo sa likuran ng bahay para makapag paalam sa kanyang ama.

"Tay,alis na ho ako."

Ngunit hindi siya nilingon nito.

"Tatay..'wag ng madrama d'yan"-sabay lapit nito sa harapan ng kaniyang ama. "Wala bang babye d'yan? Aalis na ang panganay mo oh."

"Dito ka nalang kasi,anak..'wag ka ng umalis. Kasalanan ko 'to eh. Kung hindi ako nagkasakit edi sana ako pa rin ang nagtatrabaho at hindi mo kaylangang magtrabaho para makapag-aral."

"Wag n'yo na pong sisihin ang sarili mo 'tay. Hindi mo naman ginusto na magka sakit eh. Siguro talagang oras na para kami naman ang mag-alaga sa'yo. Ang tagal mo din sa ibang bansa para lang mabuhay mo kami at mapag-aral. Smile ka na po, 'wag ka ng malungkot. Dalawang beses naman ang day off ko sa loob ng isang buwan e"

"Mag-iingat ka do'n ah"

"Opo 'tay, promise"-sabay taas ng kanang kamay nito.

At bahagyang yumuko para mayakap ang ama.

Na stroke ang tatay nito habang nasa trabaho noon sa Saudi. Kaya simula noon ay naghirap na sila dahil halos lahat ng naipundar nito ay naibenta at naisangla para sa pagpapagamot niya.

Mommy For HireWhere stories live. Discover now