Chapter 129

65 4 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 18

Sobra nga ang pag-aalala at takot ni franco ng malaman ang sinapit ni yumi.
Para na nga siyang mababaliw kung nasaan na nga ba ang asawa at maging ang kaniyang bunsong kapatid.

Mula nga ng malaman niya iyon kay jovan ay agad nga silang nag report sa pulis, hiningan din ng statement si jovan ng mga pulis.Ngunit wala silang idea kung saan nga ba dinala ang dalawa.

"Ano na kayang nangyayari kila yumi, jovan? Hindi ko na alam ang gagawin ko''-saad nito pagka upo sa upuan sa labas ng munisipyo. at naghihintay ng update mula sa mga pulis.

"Sorry talaga sir, wala akong nagawa. Nawalan na kasi ako ng malay matapos akong pukp*kin ng baril sa batok eh"

"Kanina ka pa humihingi ng tawad. Wala kang kasalanan. Kung kidnap for ransom nga, bakit hanggang ngayon hindi pa rin sila tumatawag? Nag-aalala na 'ko.. nakaka baliw na, sa tingin mo ba pati si james kinuha din nila?"

"Malamang 'yan sir. Baka nga naabutan n'ya pero hindi pati s'ya dinukot na rin"

"Paano kung hindi s'ya kinuha at binaril na lang s'ya?. Nakaka baliw na talaga jovan. Nakaka baliw na!"-sabay tayo nito at hindi malaman kung ano'ng gagawin.

"Hindi mo pa ba sasabihin kila tita sandra ang nangyari? Tsaka sa mama ni james kay dra.ferrer or kahit kay ma'am celine manlang"

"Alam kong sobra din silang mag-aalala. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko e"-tugon ni franco.

"Pero kaylangan nilang malaman, sir.."

"Tama ka..Sige, kaylangan nating sabihin sa kanila. Tara sa kanila, para personal na masabi kila nanay, tapos tatawagan ko na lang si tita krizel"

Nagtungo nga sila sa bahay nila sandra upang ipabatid sa mga ito ang nangyaring pagdukot kay yumi.

Sobra ngang nag-alala sila sandra at pancho ng malaman nila iyon. Umiyak na nga lang si sandra dahil wala itong magawa. Hindi niya alam kung nasaan nga ba ang anak niya. Maya-maya nga ay nahirapan ng huminga si pancho kaya naman isinugod na nila ito sa ospital.

Dahil sa takot at pag-aaalala ni franco kila yumi maging kay pancho ay pakiramdam niya ay mawawalan na rin siya ng hininga.

______

Bumuti naman agad ang pakiramdam ni pancho at doon pa lang nagka lakas ng loob si franco na sabihin kay krizel ang nangyari kay james na nawawala ito at may posibilidad na dinukot din iyo.

Sobra din ang pag-aalala ni Dra. Ferrer lalo na't hindi nila sigurado kung magkasama ba ngayon sila yumi at james.

Magkakasama nga sila ngayon sa ospital matapos tumungo dito ni dra. ferrer. At paulit-ulit na nagtatanong kung may update na ba, kung tumawag na ba ang mga kidnappers upang malaman kung magkasama nga ba ang dalawa.

__________

"Oh, ano na? Mahigit dalawang oras na namin kayong iniwan. Gawin n'yo na ang pinagagawa namin"-saad ni roy.

"Grabe pre, sobra akong nabusog. Ang sarap ng kain ko. Tapos may pa beer pa si boss"-saad naman ni steve.

"Wag mong sabihing lasing ka na?"-tanong ni uno.

"Tsk! Ako? Malalasing? Alam n'yo naman na sa ating lahat ako ang pinaka malakas uminom at hindi agad-agad nalalasing 'no! Baka itong si roy"

"Neknek mo! Hindi ako lasing!. Tsaka bawal tayong malasing baka matakasan tayo ng dalawang 'to. Ewan ko ba dito kay boss bakit ayaw pang patawagan sila franco eh"-sabay harap muli kila james at yumi. "Kalagan mo na nga sila, steve.para magawa na nila 'yung show. Naks. Exciting 'to"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now