Chapter 123

71 3 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 12

Pagkatapos ngang magkita nila eriz at james ay naisipan ng dalawa na magpunta kila franco para mabisita na rin ang kambal.

"Uy, napa dalaw kayo?"-tanong nga ni yumi ng makita ang dalawang bagong dating na ngayon ay nasa sala na.

"Binibisita namin 'yung babies"-tugon nga ni eriz sa tanong ni yumi.

Pero si james nanatiling naka titig kay yumi kaya naman siniko ito ni eriz kaya lang naalis ang tingin nito kay yumi.

"Why?"-tanong ni james.

"Maka titig wagas eh"

"Ha?"

"Hatdog, Narito tayo para sa mga bata. Hindi para sa ina ng mga bata"

"Eriz, ano bang sinasabi mo?"-ani yumi.

"Eto kasing si james eh, nakita kong naka titig sa'yo"

"Uy 'di ah"-pagtanggi ni james.

Ngumiti lang naman si yumi at inaya ang dalawa sa kwarto ng kambal kung saan naroroon ang mga ito at nasa kuna.

"Mira at Lira! Sa wakas tayo'y muling nagkita-kita. Nagagalak akong muli kayong masilayan at mahagkan"-ani eriz sabay buhat sa isang sanggol.

"Ayan nanaman siya sa kaka encantadia n'ya. Lumubay ka na nga eriz. Mamaya n'yan masanay mga tao sa pangalang mira at lira. Parang si Franco tinatawag naman ng lira si cheska at si mira naman si anne."

"Mas bagay naman kasi, tutal palayaw lang naman. Gusto din ni kuya franco ang mira at lira 'di ba? Kaya pumayag ka na. Hindi ba james? Mas maganda?"

"Kung upak4n kita?!"-sabay amba kay eriz. "Mas maganda 'yon!"-ani yumi ng akma palang sasagot si james.

"Grabe ang tapang pa rin.."-ani naman ni eriz. At muling ibinaba ang sanggol na hawak at 'yung isa naman ang binuhat. "Sino nga pala dito 'yung cheska at anne?"

"Yung una mong binuhat si anne 'yon. May balat siya sa kanang palad."

"Wow! Birth mark.."-sabay tingin nga ni eriz sa kamay ni anne habang buhat niya si cheska. "Ang cute naman. Ngayon lang ako naka kita ng may birth mark sa palad. Edi kapag pala hindi mo mamukhaan kung sino si anne at cheska sasabihin mo lang. OPEN YOUR HAND GUYS!"

"Tsk. Sira!"-ani yumi sabay sulyap sa tahimik na si james.

"Uy! Ang tahimik mo naman? Makabasag pinggan ah. Kanina pa ako daldal ng daldal dito pero ikaw tahimik pa rin? Mapanis laway mo sige ka"-ani eriz kay james.

"S-sorry, medyo inaantok kasi ako eh"-tugon nga nito.

"Ay oo nga, naka duty ka ba kagabi?"-tanong nga ni yumi.

Tumango lang naman si james bilang pagsang-ayon.

"P'wede kang matulog sa Guest Room.. Sige na. Itulog mo 'yan. Nakaka hilo kaya kapag nilalabanan 'yung antok"

"Tama si yumibells, itulog mo na 'yan"-suhestiyon din ni eriz.

"Sige.. salamat"-tugon naman ni james at pumunta nga sa second floor kung saan matatagpuan ang guest room. at doon nga dati natutulog si celine..

Dalawa na nga lang sila eriz at yumi sa kwarto..

"Si sweetie pie ko pala? Nandito ba?"

"Oo, kanina nakita ko nasa pool area naglilinis do'n eh"

"Mamaya puntahan ko hehe"

"Sige"

"Nga pala yumi, matagal tagal na rin na hindi tayo nakakapag-usap ng ganito. Yung dalawa lang tayo. Nakaka miss din pala 'no? Na miss kita"

"Na miss din kita 'no? Ikaw pa ba hindi ko ma miss?"

"Miss mo first love mo?"

"Yuck! Kapal mo! First love ka d'yan!"

"Hindi din kasi kita maka-usap ng ikaw lang, alam ko kasing seloso si kuya franco eh"

"Ang pagiging seloso naman no'n nasa lugar eh. Tsaka bakit ka naman n'ya pagseselosan? Eh, alam naman n'yang bestfriend kita"

"Ah basta mahirap na hehe. Joke..Parang kaylan lang nung tayo-tayo lang ni Nathalie 'yung magkakasama. Pero ngayon oh, May asawa at mga anak ka na. Ang bilis ng panahon 'no? Ang sarap balik-balikan 'yung nakaraan"

"Tama ka, sobrang bilis nga ng panahon. At tama ka ang sarap balik-balikan ng nakaraan. Yung masaya, Wala pa tayong mga problema noon eh. Masayang naglalaro sa labas, naliligo sa ulan. Kaya ikaw sulitin mo muna buhay binata mo. Kasi kapag nag-asawa ka na..hindi na p'wedeng mag time freeze or time-out.. responsibility mo na 'yung binubuo mong pamilya."

"Alam mo bang muntik na kaming makagawa ng mali ni nida?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Muntik ng may mangyari sa'min eh. Nubg nagpunta s'ya sa bahay nunh tinatakasan n'ya si Irah. Dalawa lang kasi kami no'n eh, tapos iyak s'ya ng iyak. Naawa naman ako kaya hinalikan ko"

"Naawa o gusto mo lang maka score! Kayo talagang mga lalaki eh! Para-paraan din eh 'no? Eh, paano kung natuloy nga 'yun? Ano'ng gagawin mo?"

"Pakakasalan ko agad ah..Tutal may pera namang iniwan sa'kin totoong tatay ko.. pero okay na rin na hindi natuloy 'yun kasi ang pangit naman 'di ba? Hindi ko pa nga s'ya girlfriend eh tapos may ganap na agad. Pero nung araw din na 'yun sinagot n'ya 'ko"

"Mala franco ka din eh! Bilis mo ah!"-sabay tawa nga ni yumi.. "Pero bakit hindi natuloy? Nakapag isip din kayo?"

"Hindi.. Dumating si nanay eh.."

"Ahh.. dumating si tita belle. Buti naman HAHAHAHA"

"Sa sobrang taranta ko nga hinanap ko 'yung lagusan patungong encantadia eh hehe."

"Baliw!"

"Natatakot kasi ako na makita kami ni nanay na magkasama ni nida sa kwarto. Pero nakita pa rin kami. Hindi ko pala na lock 'yung kwarto HAHAHAHAHA. Sa sobrang pagka sabik ko nakalimutan kong i-lock. Akala nga ni nanay may naganap. Buti naniwala sa amin na wala talaga.."

"So, Si nida na talaga ang gusto mong makasaman habang-buhay?"

"Oo naman, Siya na talaga..Mahal na mahal ko 'yun eh. Kagaya ng pagmamahal ko sa'yo noon"

"Tumigil ka na nga. Parang tanga 'to"

"Totoo naman 'yun eh, pero naka move-on na 'ko sa'yo 'no.. love na lang kita as my best friend. Pero si james. Mukhang hindi pa.."

"Napapansin ko nga din eh, pero mali 'yun. Lalo na't girlfriend n'ya si ate.. Alam din naman n'ya na may asawa't mga anak na 'ko eh"

"Paano pala kung hindi dumating si kuya franco sa buhay mo? Tapos bumalik si james? May posibilidad ba na maging kayo? O baka kayo nga ngayon ang mag-asawa eh"

"Ewan ko lang eriz, Siguro.."

"Kaso nahuli s'ya 'di ba?"

"Pero hindi ko pinagsisisihan na si franco ang napangasawa ko..Sobrang bait n'ya eriz.. May mga ugali ako na hindi maganda pero tanggap n'ya 'yun at inuunawa n'ya 'ko. Lalo na nung buntis ako. Alam kong sobrang nahirapan sa'kin 'yun. Pero kinaya n'ya. Kaya kung sakali man na nagsabay sila ni james. Si franco pa rin ang pipiliin ko.."

Ang hindi nila alam ay naririnig sila ni james. Dahil bumalik ito para sabihin sanang uuwi na lang siya dahil hindi din siya maka tulog sa Guest Room..

Laglag nga ang balikat ni James na nilisan ang silid na iyon at minabuti na lang na huwag ng magpa-alam..

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now