Kaliligo nga lang ni yumi ng pumasok sa kwarto si franco, dala-dala nito ang mga pinamili niya.
"Ako na sumundo kay diana, love. Tapos dumaan kami sa mall. May mga pinamili nga pala ako para sa'yo"
"Ano 'yan, love?"
"Mga dress love, Tignan mo dali. Ang gaganda n'yan. Bagay sa'yo."
"Ang dami naman love, wow! Ang gaganda. Thank you, love"
"You're welcome love, magagamit mo kasi 'yan lalo na't buntis ka"
"Siguro ang laki nanaman ng nagastos mo dito"
"Hayaan mo na 'yung nagastos love, kaylangan mo 'yan eh"
"Magkano 'to lahat?"
"Secret..alam kong magagalit ka nanaman kapag gumagastos ako ng para sa'yo eh"
"Magkano nga 'to lahat love?"
"6K lahat love, pero hayaan mo na. Gift ko na rin kasi wala akong gift sa'yo kahapon eh"
"Ano ba? Ano'ng wala? Akala ko si flor ang gift mo sa'kin? Thank you, love ah. Na appreciate ko 'yun. Ginawa mo talaga 'yun para sa'kin. Gusto mo talaga na maging masaya ang birth day ko. Dahil do'n nagka usap kami. Nagkapatawaran. Tsaka nalamam ko 'yung side n'ya. Kaya salamat talaga."
"Uhmm ehem..oo nga pala, tinulugan mo 'ko kagabi kaya nakalimutan ko na 'yung reward na sinasabi mo. Ano pala 'yun love?"
"Napagod na kasi ako kagabi eh. Kaya nakatulog na ako agad. About sa reward alam mo na 'yun"
"Parang alam ko na nga 'yun love, maliligo na ulit ako para makuha ko na 'yang reward na 'yan"
"Ibang klase talaga 'tong mapapangasawa ko eh, basta about do'n ang bilis talaga. Sumisigla agad eh"
"Siyempre naman. Basta dito ka lang ah. 'wag mo 'kong tatakasan kundi magiging doble 'yang reward mo para sa'kin."
"Oo na, maligo ka na. Dami mo pa sinasabi eh"-naka ngiting sambit ni yumi.
Naghubad na nga si franco at ng mapansin niya ang laundry basket wala na ang mga marurumi niyang damit.
"Love? Nasa'n 'yung mga damit ko? Nilabhan mo?"
"Tinapon ko"
"Love naman, sabi ko naman sa'yo ako maglalaba do'n, nagpakapagod nanaman s'ya"
"Edi kuhanin mo sa cabinet tapos labhan mo ulit.. masama ba na pagsilbihan kita? Yun na nga lang nagagawa ko eh, tsaka busy ka sa trabaho paano mo pang magagawa 'yun aber? Maligo ka na at baka magbago pa ang isip ko"
"Oo na, ito na po. Maliligo na. Ako na magtatanggal ng damit mo para exciting"-saad nga nito bago tuluyang pumasok sa banyo.
"Ano ba kasi 'yung iniisip mo? Ima-massage lang naman kita. Whole body"
Lumabas nga ng banyo bigla si franco ng marinig niya iyon.
"Ano? Masahe? Akala ko.. akala ko 'yung mwa mwa gano'n. Love naman eh, pinatakam mo lang ako. Ayoko na pala maligo"
"Edi 'wag kang maligo."
"Love naman kasi.. ito naman eh, seryoso ba? Massage lang talaga?"
"Ayaw mo ba? Sige 'wag na lang"
"Sige na nga, payag na..saglit lang ah"-naka ngusong tugon nito sabay balik nga sa banyo.
-------
Pagkatapos nga niyang maligo ay dumapa na ito sa kama at tanging twalya lang ang nakabalot sa kaniyang ibaba.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...