Nakikipag kwentuhan nga si yumi kila francis at nathalie ng bigla siyang kalabitin ni franco kaya naman agad siyang napa angat ng tingin dito."May isa ka pang bisita, love"
"Naks, akala ko hindi na s'ya dadating"-saad ni nathalie.
"S-sino?"-tanong ni yumi.
Gumilid nga si franco para makita ni Yumi si flor.
Napa tayo nga si yumi ng makita niya ang dati niyang matalik na kaybigan.
"F-flor?"-gulat na sambit niya sa pangalan nito.
"Hinanap talaga s'ya ni kuya franco, ate..para magkita at magka usap ulit kayo"
Hindi na nga nagsalita si yumi at agad na lang niyang niyakap si flor.
"Best, sorry..sorry talaga"-saad nga nito habang nangingilid ang mga luha at nakayakap na rin siya kay yumi.
"Wala na 'yon, matagal na 'yun eh"-tugon nga ni yumi at bumitaw na siya sa pagkakayakap dito.
"Happy birth day, best"
"Thank you, halika kain ka sa loob. Sayang hindi mo na naabutan si ate eh. Kakauwi lang nila ni mommy, sayang hehe. Gustong-gusto mo pa naman makita s'ya noon"
"Oo nga, hindi ako umabot hehe, birth day din ni james ngayon 'di ba?"
"Oo hehe. Nandito din s'ya kanina sinama s'ya ni ate, sila na eh"
"Oo nga, nakita ko nga mga pictures nila"
"Halika, kain ka muna at marami tayong pag-uusapan. Na miss kita"
"Na miss din kita ng sobra best. Gustong-gusto talaga kitang puntahan kaso nahihiya ako eh."
"Ang importante nagkita na ulit tayo"
"At dahil iyon sa fiance mo, na sobrang idol ko nung high school tayo"
Tumingin naman si yumi kay franco at kinindatan niya ito.
"May reward ka sa'kin mamaya"-saad nga niya na ikinilig ni franco maging ni francis.
"Sana all may reward 'no mahal?"-naka ngiting sabi niya kay nathalie.
"Reward reward ka d'yan"-tugon nga ni nathalie.
-------
"Siya ba 'yung anak ni franco?"-tanong ni flor kay yumi.
"Ah, oo. Teka tawagin ko ah. Diana, halika dito baby, may ipapakilala ako sa'yo."
Lumapit nga si diana at agad na kumaway kay flor.
"Hello po"
"Halla, napaka cute n'ya naman"
"Thank you, po.. My name is Diana Francia Dela Vega po"-pagpapakilala nga niya sa kaniyang sarili kay flor.
"Siya na nagpakilala"-naka ngiting sambit ni yumi.
"Ako naman si Flordeliza Dela peña, Best friend ako ni tita yumi mo"
"Ay, mommy ko po s'ya"-tugon nga ni diana.
"Ah..mommy pala tawag n'ya sa'yo best"
"Oo best, long story eh..pero kwento ko sa'yo next time. 'yung mas mahaba 'yung time nating dalawa"
"Ah akala ko kaya mommy kasi mapapangasawa ka ni franco.."
"Nagta trabaho pa lang ako sa kanila mommy na tawag niya sa'kin"
"Diana, anak.. hinahanap ka na tito eriz"-saad nga ni franco kaya agad itong tumakbo palabas.
"Basta tito eriz n'ya naghanap sa kaniya mabilis pa sa alas kwatro ang takbo n'ya"-natatawang sambit nga ni yumi.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...