Chapter 133

115 3 1
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 22

Dahil hapon na nga at kaylangan na nila ng maiuulam na pang hapunan ay sumama si yumi sa nanay ni elbert sa pagkuha ng mga gulay sa bakuran.

"Tanim n'yo po ang mga ito, 'nay?"-tanong nga ni yumi sa ginang.

"Oo, iha. Kasi mahirap kapag wala kaming tanim na mga gulay. Magugutom kami."

"Tama po, tsaka mainam po talaga may mga gulay. Isa pa po, masustansya po ang mga gulay"

"Tama ka d'yan iha, tsaka ibinebenta din namin ni elbert ito sa palengke eh"

"Ay, talaga po?"

"Oo.."-naka ngiting tugon ng ginang.

"Kanina pa po tayo nag-uusap. Ano nga po palang pangalan mo 'nay?"

"Luzviminda, tawagin mo na lang akong nnay minda"

"Wow! Luzon Visayas at Mindanao po pala ang pangalan mo 'nay minda"

"Sinabi mo pa hehe"

Nagpa tuloy nga sila sa pamimitas ng mga gulay tulad ng talbos ng kamote, talong na bilog, okra at sitaw"

"Ano po palang luto ito 'nay?"

"Yung sitaw iaadobo ko. Tapos 'yung talbos, okra at talong ilalaga ko. Baka kasi hindi kayo kumakain ng nilaga eh kaya mag aadobo ako ng sitaw"

"Kung hindi mo natatanong 'nay, favorite ko po ang mga nilaga lalo na po ang okra at talbos ng kamote"

"Talaga ba? Nakaka tuwa naman. Sakto pala eh. Eh, 'yung kaybigan mong doktor?"

"Sitaw po ang hindi kinakain ni james eh"

"Halla! Hindi pala s'ya kumakain ng sitaw? Edi, hindi na ako mag aadobo?"

"Hindi po s'ya kumakain ng kaunti. Hehehe. Favorite po n'ya ang sitaw lalo na po kapag adobo"

"Talaga ba? Baka niloloko mo lang ako?"-naka ngiting tanong nito.

"Hindi po ah..totoo po 'yun, 'nay"

"Sige, dalian na natin para mailuto na natin 'to"

"Sige po"

Nang matapos nga silang manguha ng mga gulay ay hinugasan na nila ang mga ito. Si elbert naman ang nagpa baga ng uling sa kalan.

"Wow! Sitaw!"-tuwang-tuwang sambit ni james at akma itong tutulong mag himay ng tapikin ni yumi ang kamay niya.

"Bakit?"

"Ako ng bahala. Matagal kapag hihimayin isa-isa eh."-tsaka nga ito kumuha ng kutsilyo at sangkalan at hiniwa na niya ito na may katamtamang haba.

"Ikaw ba magluluto n'yan chef yumi?"-biglang tanong ni james kaya napa hinto sa pag hiwa si yumi.

"Chef ka pala?"-tanong naman ni minda.

"H-hindi po, 'nay minda. Pangarap ko lang po 'yun. Hindi po ako naka graduate ng college eh, hanggang first year lang po. Kasi kaylangan ko pong huminto at 'yung kapatid ko po muna ang nagpatuloy"

"Gano'n ba? Edi ngayon babalik ka na? Naka graduate na ba s'ya?"

"Ah, opo. Nagtatrabaho na po s'ya sa hotel bilang receptionist po. Balak ko pa rin po talagang mag-aral. Gusto ko pong matupad ang pangarap kong maging chef"

"Ako nga din po ate yumi pangarap kong maging sundalo. Kaso wala naman kaming pera para makapag-aral ako. Kaya naman eto, sundalo ng kakahuyan at kabundukan hehe"-ani elbert.

"Ano bang natapos mo?"-tanong ni james kaya napalingon silang lahat dito.

"Naka graduate naman po ako ng high school"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now