Chapter 13

206 8 0
                                    

Pinilit ngang paaminin ni nayumi ang ina nito kung ano nga ba ang itinatago nitong sikreto ngunit bigo siyang malaman iyon.

Tuluyan nga silang lumabas ng silid ng kaniyang mga magulang at hinarap ang mag-ama na naghihintay sa sala.

Mula nga ng mag-usap sila Nayumi at Sandra ay pareho silang naging tahimik.

Hanggang sa nagpaalam na si franco sa mga ito,

"Aalis na po tayo daddy?"

"Yes, sweetie. May gagawin pa kasi si..."-hindi nito maituloy ang sasabihin ng makita niyang nakatingin ang ina ni nayumi sakaniya.

"Yes, daddy. I understand po, Good bye mommy"-sabay halik nito sa labi ni nayumi. "Bye lolo..bye lola, bye din po tita nathalie"-tsaka kumaway na lang ang bata sa mga ito.

"Si tita natz ba hind mo iki-kiss kahit sa pisngi lang? Tapos hug mo na rin ako"-saad ni nathalie sa bata.

"P'wede po? Sige po."-humalik nga ito sa pisngi ng kinikilalang tiyahin at niyakap din niya ito.

"Mag-iingat kayo ng daddy mo ah"

"Opo,tita."

"H-hatid ko lang po sila sa labas"

"Sige po, mauna na po kami"-pagpapaalam muli nito sa mag-asawa. Naka ngiti ngang tumango si Sandra kay Franco.

"Basta mommy, balik ka din agad sa bahay ha?"-saad ni diana kay nayumi pagkalabas nga nila ng bahay.

"Oo naman anak, 2 days lang si mommy.babalik din ako agad"

Hindi masabi ni nayumi ang totoo kung bakit siya umuwi. Dahil ang katotohanan kung bakit siya umuwi ay day off nito.

"Mommy, may sasabihin po pala ako sa'yo"

"Ano 'yun baby?"

"Si lola po, bakit parang hindi n'ya po ako love?"

"Ha? Naku..hindi 'yan totoo. Love ka no'n. Super love..may mga problema lang kasi si lola mo kaya siguro gano'n."

"Pero bakit si tita nathalie po? Ramdam ko po na love n'ya 'ko"

"Love ka rin ng lola mo, 'wag mong iisipin na hindi.."

"Uy, nakauwi ka na pala ulit bikz?"-napalingon naman sila nayumi sa kararating na si eriz.

"Eriz?"

"Yes, ako nga.. may bisita ka pala?"

"Ah..oo ah ano ko am----"-madudulas na sana si nayumi buti na lang at napigilan nito ang sarili.

"Teka, ba't ka ba nandito?"

"Bakit bawal na ba? So sino sila? Ang cute ng bata ah. Parang magkahawig kayo bikz"

"Yes po, because she's my mom"-tugon ni diana kaya nanlaki ang mga mata ni eriz maging ang butas ng ilong nito.

Nagpalit palit ang tingin ni eriz kila nayumi,franco at diana. Labis itong nagtataka kung bakit sinabi ng bata na mommy niya si nayumi. Gayong alam naman ni eriz na dalaga ito at walang anak.

"Nananaginip pa yata ako.."-sabay sampal sa sarili.

"Hindi ka po nananaginip. Totoo po 'to"-saad muli ni diana.

"Teka, paanong naging mommy mo si----"-mabilis na tinakpan ni nayumi ang bibig nt kaybigan.

"Wag mo na lang pansinin ang sinasabi ni kuya eriz ah. Palabiro talaga 'to sige na, uwi na kayo ni daddy baka ma traffic pa kayo."

"Bye,mommy"

"Bye, Sir franco..ingats po"

"Salamat"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now