Chapter 106

81 2 0
                                    

Nandito na nga sila sa coffee shop at nag order na rin sila ng kape.

"Grabe ang mahal ng kape dito, dito siguro nila kinukuha ang pambayad nila sa meralco"-ani eriz ng ibaba sa lamesa nila ang kape.

"Sshh.. 'wag kang maingay"-ani james.

"Sa tindahan nga kinse lang twin pack pa. Tag 7.50 pesos lang tayo"

Napasapo na lang si james sa noo habang nangingiti ito.

"Pero okay na rin, may takip naman.hindi malalaglagan ng tae ng butiki. Minsan kasi alam mo ba? Nagkakape kami ni nanay.. eh sa kisame ng mansyon namin may butiki. Sakto natapat do'n! Nalaglag 'yung pamintang buo na may hugis na oblong. Tae pala ng butiki. Sabi ng nanay ko blessing daw 'yun.. ayun kinape ko pa rin. Laman tiyan din.. sayang 'di ba?"

Halos hindi naman makahigop ng kape si james dahil nga sa kinukwento ni eriz.

"Tawang tawa talaga ako sa'yo, kanina pa"

"Iuuwi ko talaga 'tong lalagyan na 'to kapag naubos na. Para kapag nagkape ako ito gagamitin ko tapos pipicturan ko.. ima-my day ko para sabihin ng friends ko sa facebook lagi akong pumupunta sa coffee shop"

"Tama na! Hindi ako makahigop oh. Mamaya n'yan maibuga ko sa'yo 'to"-natatawang sabi ni james.

"Ay..sorry. hehe.. ano nga pala 'yung ikukwento mo? Ano 'yung problema mo?"-tanong nito sabay higop ng kape.

"Babalik na 'ko ng america"-pagkasabi ngang iyon ni james ay naibuga ni eriz ang kape sa mukha ni james.

"Eriz! Ano ba?!"

"Ay! Sorry.. sorry"-sabay kuha ni eriz ng tissue at pinunasan ang mukha ni james. Napahinto naman siya sa mga labi nito.
"Ang cute ng labi mo ah. Mukhang ang lambot. Sino first kiss mo?"

"Si yumi"-tugon nga nito sabay kuha ng tissue sa kamay ni eriz.

"Seryoso?! Si yumi? Paano? Kaylan?"

"Oo nga, sa bahay. Nung inimbitahan namin sila ni kuya franco sa bahay. Hindi ko napigilan 'yung sarili ko eh. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si yumi 'di ba?"

"Ano'ng sabi ni yumi?"

"Siyempre nagalit s'ya, tapo nakita pala ni kuya franco. Ayun! Nasuntok ako. Doon din namin nalaman na magkapatid pala kami sa ama"

"Kaka loka ka! Tumutuka ka pala ng palay ng iba"

"Hindi ko naman sinasadya eriz eh.. hindi ko nga rin alam kung bakit ko 'yun ginawa. Pero dahil do'n nalaman ko kay mama ang katotohanan na magkapatid kami ni kuya franco"

"Hays..para kayong pinaglalaruan ng panahon 'no?"

"Kaya nga e"

"Teka! Bakit ka nga pala babalik ng america?"

"May hindi kasi magandang nangyari kanina sa gala namin eh..nag break na kami ni celine. Narinig kasi niya usapan namin ni kuya franco ng aminin ko sa kaniya na mahal ko pa si yumi. Nagtanong si kuya franco eh..edi sinabi ko 'yung totoo"

"Halla! Ang sakit sa part ni celine 'yun! Kawawa naman si miss claveria"

"Kaya nga eh, alam kong sobra ko s'yang nasaktan. Ang g4go ko eriz! Ang sama kong tao!"

"Tapos pupunta ka pa ng america, tatakasan mo 'yung problema mo dito. Sa tingin mo ba 'yun ang dapat? Hindi james.. mali 'yon. Ang problema kapag tinatakasan mas lumalala. Tsaka mas lalo kang malulungkot sa america. Walang eriz do'n walang kokey. Kaya kung ako sa'yo dito ka na lang. Hindi mo ba talaga mahal si celine?"

"Mahal ko s'ya"

"Pero mas matimbang si yumi 'di ba?"

Tumango naman si james,

Mommy For HireWhere stories live. Discover now