Pag-uwi nga ni franco ng bahay ay dumiretso agad siya sa kaniyang kwarto, pagbukas pa lamang niya ng pinto ng kwarto ay lungkot na agad ang sumalubong sa kaniya.
"Sobrang nakaka panibago, dati pag bukas ko nakikita kita dito. Hays. Kaya ko ba talagang hintayin ang tatlong linggo?"-wika ni franco sa sarili at nagpa tibuwal nga siya sa kaniyang kama.
Naka tingin lang siya sa kisame habang si yumi ang laman ng isipan niya.
"Nakaka baliw mag-isa. Hindi ko kaya 'to."
Bumangon nga siya at nagbihis ng pang tulog at pupunta sana siya sa garden ng masalubong niya si Michelle.
"Good evening, sir.."
"Ikaw pala, michelle? Si diana?"
"Ah..kakatulog lang sir, napagod po yata sa pakikipaglaro kanina sa bago nating hardinero"
"Ha? Nakipaglaro ang anak ko kay eriz?"
"Yes, sir. Tuwang-tuwa nga po si diana kanina eh. Kahit may ginagawa po sa garden si eriz kinukulit niya. Ang sarap po nilang pagmasdan parang mag ama na naghaharutan"
Biglang nakaramdam ng inggit si franco dahil hindi na niya maalala kung kaylan na nga ba ang huling araw na nakipag laro siya sa kaniyang anak.
Masiyado na kasi siyang naging busy sa trabaho lalo na't inayos din nila ang kasal nila ni yumi.
Kapag umaalis naman siya ay madalas tuloy pa si diana at kapag umuwi naman siya ay tulog na ito o kaya naman ay nasa eskwelahan.
"Nakaka lungkot din po 'no sir? Wala si yumi dito sa bahay. Parang limang tao nga po nawala nung umalis siya eh"
"L-limang tao? Bakit naman naging limang tao?"-nagtatakang tanong ni franco kay michelle.
"Nung umalis siya nawalan po ng Cook, nawalan ng mommy si diana, nawalan ng tutor, nawalan ng hardinera hehe. Tapos nawalan ka po ng fiance. Kaya lima po hehe"
"Oo nga 'no? Pero bakit mo s'ya natawag na hardinera?"-naka ngiting tanong ni franco.
"Kapag wala po siyang ginagawa inaayos niya 'yung mga halaman. May favorite nga po s'ya do'n eh. Yung ilang-ilang, kinakausap po n'ya 'yun hehe. Sabi niya ikakasal na daw siya sa daddy nila at ikaw nga po 'yun sir"
"Talaga? Nakaka tuwa naman. Alam mo tama ka nga, parang limang tao nga ang nawala sa bahay na 'to.napaka dami niyang ginampanan. Parang mas higit pa nga sa lima eh. Grabe kasi 'yung lungkot"
"Kaya nga po sir eh,pati po si diana nalungkot.buti na lang andiyan si eriz, pero hindi bale po. Ilang linggo lang naman po siyang mawawal dito sa mansyon eh, tapos kapag kinasal na kayo dito na ulit siya"
"Tama ka.. si eriz nga pala babalik ba bukas?"
"Opo sir sabi ni sir francis. marami pa siyang aayusin eh."
"Sige.. punta lang ako sa kwarto ni diana ah"
"Okay po"
"Pahinga ka na, tapos tawagan mo na si yohan mo"
"Si sir talaga.. katatapos lang po naming mag-usap"
"Talaga ba? Kaya pala ang ganda ng mga mata mo eh. Halatang inlove"
"Grabe si sir, pati 'yun napansin pa"
"Baka iwan mo na kami n'yan ah.kapag naging Boyfriend mo na siya"
"Naku sir, malabong iwan ko kayo agad. Hangga't hindi pa bumabalik 'yung dapat bumalik dito. Hindi pa ako p'wedeng umalis"
'Ha? A-ano'ng ibig mong sabihin? Sinong tinutukoy mo?"-nagtatakang tanonh nito.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...